Chapter 1

140 17 1
                                    

Sa bayan Valencia may kagubatang puno ng mababangis na hayop. Mga magical beast na may kakakaibang kapangyarihan na kayang pumatay ng tao. Sa gitna ng kagubatan na ito nakatira ang nagpalaki kay Cade at ang nagturo sa kanya ng ibat ibang uri ng pagsasanay.

Nakita ng strangherong ito si Cade noon sa gitna ng sunog na napapalibutan ng isang liwanag na nagpro-protekta sa kanya. Walang malay ang bata noon, kaya niya ito kinuha at dinala sa kanyang tahanan. Ginamot niya ito at paggising ay parang wala sa katinuan ang bata.

Inaalagaan ng lalaki ang bata kahit hindi ito umiimik sa kanya kapag tinatanong niya. Parang may malaking trahedyang dumaan sa bata at na truma ito. Naisip ng stranghero na baka dahil ito sa sunog kaya pinabayaan nalang niya ito at hinintay kung kailang ito makikipag-usap sa kanya para sabihin kung ano ba talaga ang nangyayari.

Lumipas ang isang buwan, gabi-gabi din ang paghikbi ng bata na dinig na dinig ng stranghero. Kaya wala siyang nagawa kundi pakinggan lang ito at nag-iisip ng paraan para mapagaan ang loob ng bata. Si Cade naman ay hindi mawala wala sa kanyang isipan ang nangyari sa kanyang mga magulang. Tila isang sirang plaka na bumabalik sa kanya ang mga pangyayari sa araw ng pagkamatay ng mga pinakamamahal niya sa buhay. Paghihinagpis at lungkot ang kanyang nararamdaman tuwing maala-ala niya ito. Subalit siya ay limang taong gulang lamang ngunit alam na niya ang mga nangyayari dahil matalino siyang bata at madali lamang sa kanya ang pag-intindi sa ano mang sitwasyon. Hindi rin niya maintindihan kung bakit nabuhay pa siya, gusto na niyang sumunod sa kanyang mga magulang sa kabilang buhay. Sinubukan na din niyang magpakamatay nalang, ngunit may ilaw na pumipigil sa kanya tuwing gagawin niya iyon.

Isang umaga naka pagdisisyon ang stranghero ng paraan na makakatulong sa bata, iyon ay tuturoan niya ito ng martial arts o training na pag-protekta sa kanyang sarili. Tutoroan din niya ito ng kanyang mga natutunan noong panahon noong siya ay nag-aaral pa lamang. Na pansin din naman niya na hindi na masyado nag-iiyak ang bata tuwing gabi. Kaya pagkatapos nilang kumain ay kinausap na niya ito dahil sapat na ang isang buwan ng kanyang pagdadalamhati.

Noong nakipag-usap na siya sa bata ay umimik na rin sa kanya ito. Kaya tinanong niya ito kung ano ang pangalan nito at nangyayari sa kanya noong natagpuan niya ito sa gitna ng nasusunog na bahay. Pangalan lang ang nalaman niya dahil parang hindi pa handang mag kwento ang bata sa kanya tungkol sa nangyayaring sunog. Kaya sinabi nalang niya kay Cade na gusto niya itong tulongan sa pamamagitan ng training sa martial arts upang ma protektahan ang sarili at mapag-aralan ang systema ng kanilang mundo.

Tinanggap ni Cade ang alok ng stranghero kaya sinabihan siya ni tong magpahinga dahil simula bukas ay magsisimula na sila sa kanilang pag-sasanay. Bumalik siya sa silid na kanyang pinagpapahingahan, hindi na siya nagtaka kung bakit may mga damit na kasya sa kanya sa silid na iyon. Naisip niya ang alok ng stranghero at ang paghihiganti sa sinapit nila ng kanyang pamilya. Naisip din niya na kailangan niya ito para maging malakas at magawa ang kanyang mga nais gawin. Hinanda niya talaga ang kanyang sarili sa pag-sasanay dahil sisiguraduhin niyang madali siyang matoto sa lahat bagay na kanyang pag-a aralan simula bukas.

Sa silid naman ng stranghero sinimulan na din niyang ehanda ang mga kagamitan sa pag-sasanay na gagawin. Walang problema sa lugar na pag-sasanayan sa pagpapalakas ng katawan. Kaya ang kanyang hinanda ay ang mga librong kanyang ituturo kay Cade.

Heavenly Fragments Where stories live. Discover now