Cades POV
Katulad ng Sinabi ng system may mga kayamanan na lumabas kung saan saan dito sa paligid. Nagning ning ang aking mga mata, sobra itong makakatulong sa aking cultivation upang madaling makaapak sa susunod na ranggo. Mga pills at potion ang madaming mga kayamanan. May mga arments o weapon na pwede kung gamitin na naka base sa angkop ng aking cultivation level.
Sabi ng system na kailangan ko na daw gumising dahil isang araw na akong walang malay sa aming mundo. Para masimulan ko na din ang pagsasanay na kailangan kong gawin kung gusto ko pang maging malakas.
Kalisto POV
Pagkabigay ko kay Cade ng pill ay lumayo ako ng kaunti sakanya para magabayan ko siya kung sakali ano man ang mangyari sa kanya pagkatapos niyang inumin ang pill. Ilang sugundo ay nakapikit lang si Cade nag midetate ito at nakakonot ang noo. Parang may iniindang sakit sa katawan, ilang sa dali pa ay ay may kakaiba akong naramdaman sa kanya kaya lumayo pa ako ng kaunti. Sa aking pagmamasid ay nakita ko na lumiwanag ng matindi ang katawan ni Cade kaya wala akong makita.
Pagkatapos ng matinding liwanag na iyon ay wala ng malay si Cade na nakahiga sa lupa. Nilapitan ko ito at sinuri, mabuti naman ang kanyang paghinga at para lang itong natutulog kaya kinarga niya ito sa silid nito at baka magising din ito kalaonan.
Lumipas ang hapon hindi parin nagising ang binata kaya pinuntahan niya ito sa kwarto nito. Wala namang masama sa paghinga ng binata natutulog lang talaga ito. Kaya pinabayaan ko nalang ito at bumalik sa aking ginagawa. Nagbabasa kasi ako ng libro patungkol sa mga bagong gawa na potion at pills para maituro ko sa aking mga studyante.
Pagkatapos ko sa aking ginagawa ay kumain ako at natulog na. Nagising ako kalahating gabi dahil may nararamdaman akong malakas na enerhiya. Nang gagaling ito sa kwarto ni Cade kaya madali akong pumunta doon. Bigla namang nawala yong enerhiya pagdating ko sa silid ng binata at mapayapa naman itong natutulog.
Pagbalik ko sa aking kwarto hindi na ako nakatulog kaya gumawa na lang ako ng potion na naka katulong manggamot ng mga sugat. Isa ito sa nakakatulong sa hanap buhay namin dito dahil ebinenta ko ito sa isang Alchemist House dito sa aming lungsod. Bawat isang potion ay nagkakahalaga ng 100 pessos may pagka mahal ito kasi mahirap hanapin ang ingredients nito at malakas ang epekto nito sa katawan. Tinatawag itong Healing Rare Potion pasecreto ko lang ang pagbibinta nito dahil hindi din ako nagpapakilala sa totoo kung pagkatao sa bilihan nito. Ang potion na ito ay sigundo lang ang hihintayin upang maghilum ang iyong sugat.
Walang nakakaalam sa tunay kung pagkatao pwera lang kay Cade. Wala kasi akong pinagkakatiwalaan dahil sa panahon ba naman ngayon marami nang taong masasama at gagamitin ka lang sa pansariling interest nito. Kung susumain ay napakayaman namin ni Cade dahil sa mga yaman na nagawa ko. Ngunit pinili namin na mamuhay ng simple upang hindi na makapag tawag pa ng attention sa matataas na tao dito sa lipunan. Marami kasing nasa position na matataas ang masasama at ginagamit ang mga taong may potential na kakayanan upang mapaunlad ang mga sarili. Alam na alam na ito ni Cade dahil nasilayan na niya ang mga ito una na ang pagkamatay ng kanyang mga magulang. Nalaman niya kasing papatayin dapat silang buong pamilya upang makuha ang kapangyarihan nila. Ngunit bigo sila kasi nasalin na sa kanya ang mga ito at nalagyan pa nang selyo. Enakala ng lahat na namatay na silang buong mag anak dahil sa pagka sunog ng kanilang bahay.
Kaya may matinding galit si Cade sa may masamang hangarin dito sa lipunan ito. At gagawin ko ang lahat upang magabayan ko siya lalo pat siya ang nakasaad sa propesiya na matagal ko nang hinahanap. Ngayong wala ng selyo ang cultivation niya lumalabas na ang tunay niyang kapangyarihan at lubha akong nabahala baka maramdaman ito ng mga kalaban. Kaya simula bukas ay sisimulan ko na din ang totoong Kong pakay sa mundo ito.
" iyon ay ang pagabay ng wasto sa batang nakasaad sa propesiya na kayang wakasan lahat ng adventurer mapabuti man o masama. "
Ako ang gabay sa batang nagmula sa dalawang malalakas na nilalang na galing sa ibang dimension o mataas na bahagi ng mga adventurer. Sa kwentong ito malalaman niyo kung sino ba talaga si Cade at kung saan nagmula ang kanyang mga magulang.
#unewanwayne
SORRY FOR THE WRONG TYPOS
YOU ARE READING
Heavenly Fragments
FantasySakit at Poot ang dahilan ng paghihiganti. As he discover his true power. Darkness may cover, but always remember, "Light will always gives the chance to find a way on how to conquer the darkness". #unewanwayne #discover #adventure #fantasy Language...