❛ ❛ Chapter 1 - M

1.4K 35 7
                                        

Makulay na Simula

"NAIIHI nako," bulong ko sa sarili ko. Gusto ko mang pigilan ang panirang ihi na'to pero hindi na talaga keri bhie. Sasabog na talaga ang pantog ko.

Nakakahiya naman kung dito ako umihi diba? Edi basa ang panty ko? Malalaman ng iba dahil mangangamoy ang ihi dae! I mean, healthy naman ang habits ko pero we never know diba?

"Ate Bebs. Ihi muna ako," paalam ko sakanya. Tinignan niya ako habang busy siya sa paghahalo ng juice. Nakikita ko sa mukha niya ang pagod at pagkairita dahil merong butil ng pawis na akma ng mahuhulog galing sakanya. Kinuha ko naman ang panyo na nasa bulsa ko, bagong-bago pa iyong panyo na iyon. Binili ko lang kasi maganda iyong design.

Napansin naman ni ate Bebs na may kinuha akong panyo at akmang ilalapit iyon sa mukha niya kaya tinigil niya ang paghahalo at nilapit ang kanyang mukha sa akin. Napangiti naman ako nung pumikit at siya as yumuko para punasan ang pawis niya.

"Okay na'to 'te, ihing-ihi na talaga ako," sambit ko pa habang sumasayaw-sayaw na at ngumiti habang nagmamadaling umalis.

Nasa isang typical hotel kami ngayon para mag-cater. May garden-like venue sa labas kung saan ginagawa ang events at ang loob ay simple lang, parang mga normal na hotel na madalas sa mga ganitong okasyon. Wedding reception ang event kaya syempre, kinuha na namin ang opportunity nang kami ang pinili.

Aba, ang yayaman ng kinasal at malaki ang bayad... tatanggi pa ba kami?

Kaso nga lang, maganda ang hotel, malaki ang kita pero madaling maligaw ako lalo na sa mga lugar na hindi ko kabisado. Kaya nang maghanap ako ng C.R, naligaw na ako. Napadpad ako sa isang madilim na parte ng hotel, malayo sa mga ilaw at parang walang tao doon.

Hoy! Baka merong multo dito ah? Jusme hindi ko 'yon mahahampas huhu.

"Father!"

Narinig ko ang boses ng kung sinong nilalang. Father? Gagu, naligaw ata 'tong multo. Doon ka sa simbahan, please. Walang father dito sa hotel!

"Father! Where are you?"

Mother ako! mother! Wala pala akong anak. Echos.

Akmang aalis na sana ako paalis doon ng nabangga ako ng kung sino mang multo na nagkatawang tao. Tinignan ko ang mukha noon nung lalaking nabangga ko at napa-wow ako sa mukha niya.

Wala akong makita. Andilim dito.

I report ko kaya sa hotel management 'to? Ang yaman yaman ng hotel nila pero may madilim na parte. Paano naman ang mga naligaw na kababayan niyo? Paano kung ma-rape? Paano kung may crime scene tapos dito nalang ginawa dahil walang ilaw? tapos mukhang wala ding CCTV.

Natigil ang kakaisip ko ng kung ano-ano dahil nasilaw ako sa ilaw na itinutok pa talaga sa mata ko. Pinikit ko ang mga mata ko at pinatid ang multong nasa harapan ko.

"Aw!" daing niya kaya naiinis ko siyang tinignan.

"Sino kaba?" tanong ko sa kanya. Biglang bumukas ang ilaw ng lugar kaya kitang-kita ko na ang lalaking nasa harap ko habang hawak-hawak ang flashlight.

Isang anghel!

Gaga! Kung ganito lang pala ang mga multo, ready na akong magpakuha sa kabilang buhay.

"I'm sorry. I think I scared you."

Paumanhin niya with british accent. Mahabaging lord, marupok ako sa british accent with innocent face. Napatulala lang ako sa mukha niyang sobrang inosente. Mga matang namumungay, matangos na ilong at dios ko lord, green eyes!

"No, okay lang." Malaki pa ang ngiti ko at bumulong sa sarili ko. "Pakshet ang pogi bhie."

Napa-paypay nalang ako sa sarili ko dahilan nadin na sobrang hot niya kahit ang angelic ng mukha. Idagdag pa na ang lalim ng boses at sobrang attractive niya magsalita.

Naramdaman ko nalang na namasa na ang panty ko. Akala ko dahil sa lalaking nasa harapan ko pero nakalimutan ko na dapat pala akong iihi!

"Father!" sigaw na naman ng kung sino mang dimunyo. Napamaang nalang tuloy ako nung akmang aalis na si Kuyang Father at tinignan ako na parang nagpapa-alam.

Napanguso nalang tuloy ako nang umalis siya at tinuloy ang paghahanap ng C.R. Buti nalang talaga at napigilan ko pa ang ihi ko at unang batch palang ang lumabas.

Nang makapasok na ako sa cubicle ng C.R ay dali-dali na akong umupo para umihi.

Heaven!

Paglabas ko ng cubicle, tumawag si Ate Bebs sa cellphone ko.

"Hello ate? bakit po?" tanong ko sa kanya.

"Nasaan kana ba? Akala ko ba iihi ka lang?"

"Naliligaw kasi ako ate. Sorry."

"Sige, balik ka agad pagkatapos."

Pinatay niya ang tawag. Tumayo ako at naghugas ng kamay. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at masasabi kong napakaganda ko talaga.

Isang ngiti ang nilabas ko at umalis na para bumalik sa reception.

Habang naglalakad ako, napansin ko ang chubby na babae na pumunta sa pwesto ko para kumuha ng apat na chicken. Nag-aalalang tumitig siya sa akin.

Natatakot siguro na husgahan ko. E gandang-gandang pa nga ako sakanya. Ngumiti lang ako ng malaki at nag-thumbs up sa kanya. Gutom na gutom din ako kaya itinoun ko nalang ang atensyon ko sa mga bisita sa kasal.

Napansin ko na ang groom ay nag-iisa lang sa gitna. Asan kaya ang wife niya?

Mukhang naburyo ata ang groom dahil umalis siya agad at may hinihila. Hinihila niya yung wife niya. Mukhang inis si kuyang groom dahil iniwan siya ng wife sa gitna. Isang labanan ata ang mangyayari pag umalis sila sa venue.

Sana ol.

"Gaga, andaming pogi dito," hinampas pa ako ng kaibigan ko na ka-trabaho ko lang.

"May nakita din akong gwapo kanina dae. Pasok sa ideals ko."

"Yung groom gwapo din, pero wala akong panama sa wife. Potsa isang dyosa!"

"Nakita ko silang umalis, papunta na ata sa kwarto nila," bigay alam ko sa kanya.

Sabay kaming napabuntong hininga at nagsalita, "Sana ol."

Habang nasa kalagitnaan kami ng panglulumo, biglang may tatlong napakagwapong mga diyos na pumaroon sa bayan ng mga tao na kasing dukha naming dalawa ng kaibigan ko.

"Is this yummy?" tanong niya sa amin at nakangiti pa. May suot siyang glasses at may nunal sa ibaba ng kanyang mata.

"Yes po, kasing yummy ko po," biro ni Seaghan, at binilisan pa ang mga mata na parang nagpapacute.

Malanding 'to.

Kaibigan ko kausap ko kanina si Seaghan. Panglalaki yung pangalan pero sobrang landi lalo kapag may gwapo.

"Really? Should I taste you then?" balik landi nitong lalaki. Napa-wow ako kasi akala ko matino siya.

"Wolfram really?" tanong ng kaibigan niya. Mukhang naiinis dahil sa kalandian ng kaibigan niya.

"What? She said she's yummy."

Napasampal siya sa sarili niyang mukhang ang kaibigan nitong Wolfram, "I can't believe you became a doctor."

"It's my will to serve the one who's in need."

"IN NEED, you say?" Nag quotation mark sign pa siya sa dalawang daliri at nang-iinsulto na tinignan ang kaibigan. "You just wanna flirt with your patients."

"Yeah yeah whatever, Segris."

Nagkatinginan kami ni Seaghan dahil sa ginawang away kuno ng dalawa.

"I'll just take this," biglang sumulpot yung lalaki sa gitna nila Wolfram at Sergis.

Hala si Father!

"Is it yummy?" tanong pa niya sa sarili niya. Ngumiti ako ng malaki at sinagot siya dahil narinig ko din naman ang bulong niya.

"Yes, yummy din like me. So you wanna taste?"

Marry Me, FatherMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon