Sa dami ng mga taong nandito, mabilis akong nakita ni Jasmin. Sumama pa ang mukha niya at kalaunan ay bigla siyang ngumiti.
"Janah!" sigaw ni Jasmin, sabay martsa sa akin. Wala man lang pakialam na corporate office ito, na lahat ng tao dito ay naka-business attire at professional pa. Nakasuot pa siya ng floral dress, at yung tikwas ng buhok niya—perfect na parang sinadya para sa isang eksena.
Kasunod niya, si Mama, si Papa, at ang pinsan kong si Maria. Parang sinadyang buuin yung buong "jury" para lang harapin ako rito. Sa harap ng lahat ng kasama ko sa trabaho.
"Uy sino 'yun?" bulong ng seatmate ko.
"Family daw ni Janah?" sagot ng isa.
Biglang nag-iba ang paligid. From productivity, naging chismis hub ang buong opisina. Mas malala pa ang naging chismis kanina.
"Bakit ka nandito?" halos pabulong pero ramdam ang panginginig ng boses ko.
Ngumisi si Jasmin, 'yung ngisi na matagal ko nang kilala, matamis pero may alam mong may patalim. "Bakit? Hindi ba pwedeng bumisita? O baka kasi natatakot ka, ate? Natatakot ka na makita nila kung sino ka talaga?"
Lumapit siya sa gitna at alam kong sinasadya niyang makaagaw ng pansin. Lahat ng mata, nakatutok sa amin. May ilang nagbukas pa ng phone, hindi ko alam kung nagvivideo na.
"Ano bang problema mo, Jasmin? Kung may gusto kang pag-usapan, hindi dito." Pilit kong pinakalma ang sarili ko, pero ramdam kong nanginginig ang kamay ko habang nakatayo at pilit siyang inaalalayan paalis.
Biglang sumabat si Maria. "Hoy, hindi 'to private matter, no. Dapat lang malaman ng mga kasama mo kung anong klaseng tao ka talaga."
"Maria, tumigil ka—"
"Ano, hindi ba totoo?!" sigaw niya. Tila naghahanap ng simptya. Sumisigaw para makakuha ng atensyon.
Sumabay si Mama, lumapit pa ng isang hakbang. "Anak, ilang beses na naming sinabi. Wala kang karapatang magpakita pa sa amin. Pero matigas ang ulo mo, e. Akala mo makakalusot ka sa siyudad, pero kahit saan ka magtago, dala-dala mo pa rin ang kahihiyan mo."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
Naririnig ko ang mga bulungan ng officemates ko.
"Grabe, ano bang issue?"
"Family drama?"
"Serious yata 'to..."
Jasmin smirked, at doon na siya nagsimulang maglabas ng baril, hindi literal, kundi salita.
"Alam niyo ba, lahat kayo dito niloloko niya." Nakatingin siya sa paligid, parang nasa stage. "Akala niyo masipag siya, maayos, mabait? Hah. Pero sa totoo lang, siya ang pinakamalandi, pinakamalas na tao sa pamilya namin."
"Jasmin, tama na," pilit kong awat, pero lalo siyang lumakas.
"Hindi pa 'to nagsimula, Ate!" bigla niyang hinablot ang buhok ko, marahas, sa harap ng lahat. Napaigtad ako, at naramdaman ko ang mga bulong at usapan ng gulat na officemates ko. "Alam niyo ba kung bakit itinakwil siya? Dahil siya ang dahilan kung bakit nirape ako!"
Parang huminto ang mundo.
Napatingin ang lahat, halos sabay-sabay na hingang bitin.
"What the hell..." may narinig akong bulong mula sa kabilang table.
"Anong pinagsasabi mo?" garalgal ang boses ko, pilit kumakawala sa kapit niya.
"Huwag kang magpanggap, Janah!" halos pasigaw na niya akong hinila paatras. "Ikaw ang nagyaya sa akin noon! Ikaw ang dahilan kung bakit ako napahamak. Ikaw ang ate pero wala ka man lang silbi! Alam mo bang ilang taon akong nasira dahil sa'yo?!"
"Hindi totoo 'yan!" halos pasigaw kong balik, pero bingi sila sa katotohanan.
Sabay sabat ni Mama. "Walanghiya ka, Janah! Wala kang konsensya. Dapat noon pa, pinalayas ka na namin. Alam mo ba, malas ka sa pamilya? Simula nung ipinanganak ka, puro pasakit na ang dala mo. Kung sana pina-abort na lang kita noon, edi sana hindi kami nagkakaganto."
BINABASA MO ANG
Marry Me, Father
Roman d'amourStand Alone || Completed. "Naiihi lang naman ako..." Akala ko simpleng gabi lang 'to. Catering event. Magarang hotel. Masarap na pagkain. At pantog na malapit nang sumabog. Pero sa gitna ng pagkaligaw, ng dilim, at ng kakulitan ng ihing hindi na map...
