❛ ❛ Chapter 16 - N

71 3 0
                                        

Chapter 16 –  Near Whispers and Tensions.

Mga tunog ng baso na nagtaginting at mahihinang boses ang bumungad sa akin pagpasok sa naka-carpet na hallway. Tulak-tulak ko ang cart ko, pinagmamasdan ang mga tao sa paligid, mga empleyado, staff, at ilang bisita.

Bagong umaga, panibagong paglilinis. Polishing ng mga pinto, pag-aalis at pagbabakante ng mga basurahan, tipikal na routine bago magsimula ang araw. Siyempre, kahit may naka-duty na naglilinis sa night-shift, may mga empleyado pa rin na parang natutulog sa opisina, lalo na kapag may importanteng project na pinagkakaabalahan nila.

Maalam din naman ako, kasi napanood ko naman 'to sa mga K-drama. At siyempre, naranasan ko rin dati sa call center na trabaho ko may mga empleyado talagang natutulog sa opisina, at may mga oras na parang nagla-ligo na rin sa workspace. Mga kasama ko pa nga team ang gumagawa nun e. Kaya pala ang aga nila lagi, at hindi ko rin sila napapansing umaalis sa building. Nakakatuwang isipin, pero ganun talaga sa mga office na masyadong stress o super busy.

Iwinaksi ko ang mga naiisip ko at nag focus nalang sa ginagawa. Pero. . .  mula sa isang sulok, may narinig akong bulung-bulungan

"Grabe si Sir Jacob, kahit antok na antok papasok pa rin ng maaga. Workaholic talaga."
"Eh ano, gwapo naman. Kung hindi lang siya masyadong seryoso, baka ligawan ko na."

Ano munang konek sa pagiging gwapo. Maisingit lang ba ate?

Napangiti ako ng konti, at agad pinigilan ang sarili ko na huwag makinig. Basta't tapusin muna ang trabaho.

Habang naglalakad ako, may huminto sa tabi ko.

"You must be Seaghan's friend?" tanong niya, tono ay magaan. Napakunot ako ng noo, pilit inaalala kung saan ko nga ba siya nakita. Pero sa totoo lang, alam ko naman na talaga sino siya. Malamang, siya iyong pumunta sa lugar namin ni Seaghan e.

"Ah... oo," sagot ko, pilit kinukumpirma ang sarili. Peke akong ngumiti sa kanya habang siya naman ay nakayuko habang nakatingin sa akin.

Wow, edi sana all matangkad.

"I'm Wolfram," pakilala niya ulit sa akin. Ilang segundo pa ay ngumiti siya. "Come to think of it, I already saw you multiple times but I never get to know your name." 

Malamang, patay na patay ka sa bestfriend ko. Paano mo malalaman pangalan ko.

 "I'm Jazlyn. Janah nalang itawag mo sa akin." Nilahad ko pa ang kamay ko at marahang ngumiti. Siyempre peke. 

"Hm. Janah." Napatango-tango pa siya na parang merong naalala. 

Duda ko siyang tinignan at kumunot na naman ang noo ko. "Anong meron? Meron bang problema?"

 Tumawa siya at tsaka ngumiti. "Kanina pa kunot nang kunot ang noo mo. Chill." 

Hindi talaga makalma ang expression ko. 

"Chill ho ako, ano po bang kailangan niyo?" tanong ko.

 Napanguso pa siya, tila nag-aalangan. "About Seaghan." 

Sabi ko na nga ba. 

Napabuntong-hininga ako at nirolyo ang mata ko. "Kinausap mo lang ho ba, habang nasa gitna ng pag t-trabaho, para lang magtanong tungkol sa kaibigan ko? Adik ho ba kayo." 

Tinaas niya ang dalawang kamay niya, parang nag surrender tsaka nakangiti na naman. "Chill! She stopped responding to my texts. I just wanna know what happened."

 Napakamot ako sa tenga ko. Anong gayuma ba ang ginawa ni Seaghan dito, bakit habol to nang habol?  "What if mag hintay ka hong replyan? Atat ka ho masyado. May buhay pa HO, ang kaibigan ko." 

Marry Me, FatherMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon