Chapter 15 - A Hint of Jealousy
Pagkatapos ng shift ko, pakiramdam ko drained na drained ako. Hindi dahil sa trabaho mismo, kundi dahil sa biglaang paglitaw ni Jacob.
Hindi ko alam kung maswerte ba ako na nakita ko siya ulit, o malas dahil sa lahat ng kumpanya, dito pa kami nagtagpo. Sa dinami-dami pa talaga ng kumpanya, kung saan pa talaga siya nagta-trabaho. Ganito na lang ba talaga kapag tadhana na ang kumilos?
Coincidence? Or fate? Hindi ko alam kung anong mas kinakatakot ko na baka may ibig sabihin iyon, o baka wala at ako lang ang nag-iisip ng sobra.
Habang nasa canteen ako, nakatitig lang ako sa baso ng tubig na hawak ko. Lutang. Hindi ko halos marinig ang ingay ng mga bagong kasamahan ko. Yung mga tawanan nila, yung mga tunog ng trays at kubyertos, parang dumaraan lang sa tenga ko. Para akong nag-teleport sa ibang mundo.
Siyempre, hustle hard muna. After one job, sa iba naman ang sunod. Mabuti na lang talaga at merong time interval pa yung nauna kong trabaho sa pangalawa. Pero kahit may pahinga, wala akong nagawa kundi magmuni-muni. Mas mabuti na rin siguro 'to kaysa maging lutang at tumingin lang sa kawalan at magpanggap na okay.
"Hoy."
Nagulat ako nang biglang may tumapik sa balikat ko. Napaikot agad ang ulo ko, at doon ko siya nakita.
Si Gian.
Nakangiti, nakasuot ng simpleng jacket, at parang kagagaling lang sa biyahe. May dala pang maliit na bag, mukhang hindi pa umuuwi sa kanila. Kahit ganiyang ang get-up, parang model parin talaga siya tignan e.
"Gian?"
"Yeah. Missed me?" pabirong tanong niya, pero may lambing sa boses. Naupo siya agad sa tapat ko, parang sa kanya talaga reserved ang seat na 'yon.
Napakurap-kurap ako at ngumiti ng tipid. "Akala ko nasa probinsya ka pa kasama family mo?"
"Yup, kakabalik ko lang. Dumiretso pa ako dito kasi may hunch ako na nandito ka. Malamang hindi ka mapirme sa bahay e." Kumuha siya ng bottled water mula sa bag niya at ininom iyon. "At hindi nga ako nagkamali."
Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Paano ba niya nalalaman kung anong nasa isip ko?
Huminga siya nang malalim at tiningnan ako. "Pero... bakit parang lutang ka? Hindi mo man lang ako binati ng maayos."
Napailing ako. "Wala lang. Pagod lang."
"Pagod lang?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Or... may iniisip ka?"
Ayun na. Ayan na naman siya. Nakakairita yung mga mata niya, parang nakikita niya diretso yung tinatago ko. Ganito ba talaga kapag matagal mo nang kilala? Parang kahit hindi ka magsalita, alam na nila.
Napabuntong-hininga ako at nilaro yung baso ng tubig.
"May nakita lang akong... pamilyar," sagot ko sa wakas. "Si Jacob."
Nakita ko agad yung pagbabago ng ekspresyon ni Gian. Mula sa relaxed at nakangiting mukha, biglang naging seryoso. Nakatitig siya sa akin, tapos nag-lean ng konti palapit.
"Jacob? As in... that Jacob?"
Tumango ako. "Oo. Dito siya nagtatrabaho. Hindi ko alam kung matagal na, pero..." napahinto ako at kinagat ang labi. "Kanina lang siya nakasalubong ko."
Tahimik si Gian. Hindi niya agad ako sinagot, pero halata ko sa paraan ng pag-ikot ng daliri niya sa bote ng tubig na meron siyang pinipigil. Hindi niya man kilala si Jacob personally, pero alam niya yung pangalan dahil ilang beses ko na itong nabanggit dati, nung crush ko pa siya.
Kay Seaghan ko sinasabi lahat. Nito ko lang nalaman na kinukwento niya pala iyon, naka recording pa, at sinesend niya kay Gian.
Chismosa talaga. Napairap ako dahil sa naiisip ko nung napansin ko na naman ang mga tingin ng taong nasa harapan ko.
Kinagat ko ang labi ko at napatingin sa mga mata niya. "Don't look at me like that."
Nag-angat siya ng kilay. "Like what?"
"Like you're judging me."
Nagkibit-balikat siya. "I'm not judging. I'm just... observing."
"Observing daw." Napairap ako ulit. Observing mukha niya, halatang nang j-judge na'to e.
"Eh totoo naman." Nakangisi siya pero halata yung kakaibang tension sa boses niya. "Kanina ka pa lutang. Alam kong hindi lang pagod 'yan, Jaz. And I know you, masyado kang transparent kapag may gumugulo sa'yo."
Napailing ako. "Gian, please. Don't start."
Pero hindi talaga siya tumigil. "So... kamusta?"
Nagkunwari akong clueless. "Anong kamusta?"
"Si Jacob." May diin sa pangalan. "Ano sabi niya?"
"Wala naman. Nag-hi lang siya, tapos congrats kasi nakapasok ako. That's it." Pilit kong inalala yung tono ni Jacob, pero pilit ko ring ibinasura. Bakit kasi napaka-affected ko? Hindi naman ganun kalalim ang interaction namin kanina.
Tumango si Gian, pero hindi ko mapagkaila yung kaunting sarkasmo sa ngiti niya. "Congrats daw? Wow, supportive pala siya."
Napataas ang boses ko. "Gian."
Nagtaas siya ng kamay, kunwari nagso-sorry. "Fine, fine. Pero... hindi mo maikakaila na parang... affected ka."
Napatigil ako. "Affected?"
"Yeah. Look at you." Tinutok niya yung daliri niya sa akin. "Kanina pa lutang yung mata mo. Alam kong hindi lang dahil pagod ka."
Nanlaki yung mata ko at tumawa ng pilit. "So ibig sabihin, nagseselos ka?"
Tahimik siya sandali, bago sumulyap sakin. "Maybe." Simple lang yung sagot niya, pero tumama diretso.
Natahimik ako bigla. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Pinagloloko ba ako ng kumag na 'to?
Affected pa rin ba siya sa kiss namin? Yung kiss na parang aksidente pero hindi? Kasi after nun, parang hindi na namin pinag-usapan. Ako pa mismo yung nag-pretend na walang nangyari, kasi... natakot ako. Natatakot akong malaman kung anong pinagsasabi ko habang lasing. Iyong halik lang ang naalala ko.
"Gian..." mahina kong sabi. "Wala na akong pakialam kay Jacob. Matagal na 'yon. Crush-crush lang dati. Hindi na importante ngayon."
Tumitig lang siya sa akin, parang sinusukat kung nagsasabi ba talaga ako ng totoo. At sa huli, ngumiti siya ulit, pero hindi kasing gaan ng dati.
"Okay," sabi niya. "Pero promise me something."
"Ano?"
"Kung sakaling lumapit ulit siya... wag mo akong lolokohin. Wag mong itatago. Tell me. Kahit gaano kaliit. Gusto ko lang malaman."
Tinignan niya ako at ngumiti ng malumanay. Napatitig ako sa mapungay niyang mga mata at parang kinakausap ako nito. Kinukumbinsi. Hindi ko alam kung para saan ang selos niya na para ba sa akin bilang bestfriend, o may mas malalim pa?
"Ang kulit mo," sagot ko, pero ngumiti rin. Kahit paano, nakagaan ng loob ko na sinabi ko na kay Gian yung totoo.
At kahit nagseselos siya, kahit alam ko naman nagseselos siya kasi akala niya mawawalan siya ng bestfriend, at least alam kong andun siya, nakikinig, nananatili.
At habang nag-uusap kami, hindi ko maiwasang isipin... baka mas totoo yung selos na 'yon kaysa sa lahat ng ngiti ni Jacob.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Father
Storie d'amoreStand Alone || Completed. "Naiihi lang naman ako..." Akala ko simpleng gabi lang 'to. Catering event. Magarang hotel. Masarap na pagkain. At pantog na malapit nang sumabog. Pero sa gitna ng pagkaligaw, ng dilim, at ng kakulitan ng ihing hindi na map...
