❛ ❛ Chapter 14 - J

78 4 0
                                        

| Chapter 14 - Job, Jumbled, Jacob |

"Huwag! Babaita, ugali mo talaga." Inirapan ko pa siya para lang makita niya naiirita ako sa suhesyon niya.

Awkward na nga kami sa isa't isa tapos lalasisingin pa ako para sa part two.

"Bakit naman? Malay mo, baka meron. . . mag-develop" asar niya sa akin. Pabiro pa niya akong pinipindot-pindot sa balikat habang meron naman ang nang-aasar na ngiti sa mukha niya.

Hinuli ko ang darili niya tsaka ito pabirong-binali.

"Aray ko naman! Binibiro lang!"

Napabuntong hininga nalang ako at iniwas ang tingin ko. Nakita ko naman si Gian, nakaupo, at parang naghihintay lang na matapos kami ni Seaghan mag-usap.  Nakasandal pa siya, habang iyong isang paa niya nakadantay naman sa kabila at tikom ang bibig na nakanguya sa pagkain ng siomai-rice.

Napakunot pa ang noo niya at parang ang lalim ng iniisip. Ilang segundo ang nakalipas at dali-dali niyang ininom iyong coke-mismo na katabi lang niya.

Kakain-kain ng maanghang pero di naman kaya.

Napatawa nalang ako at dumako ang tingin ko kay Seaghan na kanina pa pala nakatitig sakin. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Kunwari hindi ko napansin ulit iyong ngiti niya.

"Aminin mo nga..." putol na aniya. Halatang sinadya. Halatang ginawa niya para malaman kung mag r-react ako agad.

"Anong aaminin ko?" inosenteng tanong ko. Manigas ka. Masyado pa akong preoccupied sa nangyayari at alam ko naman na dulot lang ng alak iyong nangyari sa amin ni Gian.

"May gusto kaba kay Gian? Nag develop naba? Baka meron talaga riyan, ayaw mo lang talaga aminin." Binuksan niya naman ang coke niya at tsaka ininom iyon pagkatapos niya akong tanungin.

"Wala. Sa alak lang siguro iyon."

"Talaga ba? Iba kasi iyong titig. O baka namamalik-mata lang ako?" paninigurado niya sa akin. Halatang ayaw maniwala sa sinabi ko.

Umismid ako bago nagsalita, "Hindi naman kasi porket honest ako habang lasing, totoo na talaga iyong ginawa ko — na gusto ko iyong tao. Iba ang konsepto ng pag-iisip ng tao, mas lalo na kapag merong alak." Tinuloy ko iyong pagsubo sa siomai ko, kasama ng kanin habang tahimik lang nakatingin si Seaghan sa akin at iniinom iyong coke.

"Isa pa, mas malaki iyong problema na binigay ng kapamilya ko. Hindi lang ako nawalan ng isang trabaho, pati iyong ibang part-time job ko pinuntahan para lang sabihin iyong nangyari sa akin."  Bumuntong hininga ako at kinalma ang sarili ko. "Kailangan ko pa maghanap ng bagong trabaho, ayokong umasa kina ate."

"Buti rin hindi ka pinaalis dito," aniya ni Seaghan.

"Paano, ako ang favorite ni Boss mag overtime. Natawa pa ako at nalungkot ulit. "Buti nga at hindi unfair iyong system nila dito. Kasi kung oo, baka hindi tayo magkausap ngayon."

"May alam akong trabaho." Si Seaghan, na umiinom ng coke at nakikinig lang at parang may pinipindot sa cellphone niya. Pinakita naman niya sa akin iyong cellphone niya at nilapit pa talaga sa mukha ko.

"Tignan mo oh! Pwedeng-pwede siya sayo." Natutuwa pa siya habang nilalapit sa mukha ko. Nauntog pa iyon sa noo ko at hinawi ko naman iyon at kinalma siya.

"Wait nga! Teka. Wag mong ilapit masyado sa mukha ko." Sinunod niya ang sinabi ko at this time, pinakita niya ng maayos.

Trabaho bilang Janitor.

Tinignan ko si Seaghan at napasimangot. "Wala akong problema sa janitorial job pero nagpapagaling pa ako. Tignan mo nga iyong deadline!"

"Ha. Nakakagalaw ka naman, okay naman sa'yo to!"

Tinuro ko iyong mukha ko, leeg at tsaka pasa ko sa braso. "Meron bang matinong HR ang tatangapin to? Baka akala nila gulo lang trip ko doon oy!"

Napatikom naman si Seaghan at tsaka nag peace sign sa akin. "Ewan ko sayo."

Truth to be told. Nag extend iyong hiring para sa Janitress. Nakahanap narin ako ng part-time online since pwede naman akong tumambay kina Gian para maki-wifi. Ilang hours lang din iyon. At acually kay Gian muna ako tumambay kasi ayokong makita nila ate na merong pasa sa katawan. Sumakto rin kasi na kasama niya iyong mga magulang niya somewhere kaya nasolo ko iyong condo niya.

At ngayon, first day ko na sa trabaho. Malaki iyong sweldo kasi malaki rin iyong kompanya. Buti naman, pang tuition ko narin.

May balak na ako mag-aral sa August. Na realize ko kasi na kahit pa anong gawin nilang pagpapalis at pag papangit sa buhay ko, kapag meron akong napag-aralan at may degree na naka backing sa akin, hindi nila ako madaling mapapabagsak.

Kahit nga hindi ko sila pansinin maghahanap parin sila ng paraan para lang hindi gumanda buhay ko.

Insecure ba sila.

Wala ba silang magawa sa buhay nila?

Ewan ko. Basta pag-iipon nalang ang nasa isip ko ngayon.

"Hi! Ako nga po pala si Jazlyn Nahra. Pero mas maganda po kung tatawagin niyo akong Janah." Nakangiting pakilala ko sa taong nasa harapan ko. Parehas kaming mga utility personnel at karamihan sa amin ay bago.

Nagpurging ba sila ng mga staff kaya andaming nawala? Kaya rin ba na extend iyong hiring nila?

Winaksi ko nalang ang nasa isip ko at ngumiti sa katabi ko na nakatingin pala sa akin. "Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Nag catering kaba before?" tanong niya sa akin.

Tumango ako bago nagsalita. "Oo, bakit?"

"Ay ikaw pala iyon! Kamusta si Seaghan?" tanong niya sa akin.

Napakunot ako ng noo tsaka siya pinagmasdan. Biktima ba'to ni Seaghan? Pero hindi naman niya type to. Awkward akong ngumiti, "Haha... ok lang siya."

"Pwede ko ba malaman contact number niya?" tanong niya sa akin.

Hindi ko siya pinansin at tsaka umalis para pumunta kung saan ako naka assign.

Habang busy naman ako sa paglilinis ay may nakita akong pamilyar na tao sa harapan ko

Si Jacob.

"Fancy seeing you here," bati niya agad, may kasamang half-smile. Shet ang pogi parin niya talaga.

"Sir Jacob," tipid kong sagot sa bati niya,  tapos balik agad sa pinupunasan kong mesa. Kunwari deadma, kahit medyo kumabog yung dibdib ko. Kunwari cold-girl.

"How are you?" tanong niya, casual lang pero alam kong may laman. Bigla kong naalala iyong nangyari last month lang, nung nakita niya ako, fresh pa yung mga pasa ko noon.

"I'm fine," mabilis kong sagot. Diretso, walang dagdag.

He tilted his head, still smiling. "When did you start working here?"

"Today. First day."

"Oh wow. Congrats then," sagot niya, sabay chuckle. "You really surprise me, Jaz. You're everywhere, no?"

Napangisi ako ng pilit. "Work is work. That's it."

Tumango siya, parang gusto pang magsalita pero umatras na lang. "Alright. Good luck."

Tinuloy ko lang ang ginagawa ko, tinignan ko iyong likod niya at habang papalayo siya, sumagi agad sa isip ko — bakit nandito siya? Sa lahat ng kumpanya, dito pa talaga kami magkikita.

At kahit gaano pa ako nagkunwaring kalmado, hindi ko makalimutan yung isa pang dahilan kung bakit ako cold sa kanya. Hindi lang dahil ex-crush ko siya.

Magkausap sila ng kapatid ko noon. At masama ang pakiramdam ko roon. Parang may something, kahit na iwiniwaksi ko sa isip ko iyong nakita ko. Hindi ko talaga maitatanggi na parang may something talaga.

Kaya kahit gaano pa kaganda ng ngiti niya, wala na akong balak lumapit ulit.

Marry Me, FatherMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon