❛ ❛ Chapter 2 - A

926 31 2
                                        

Awkward Advances

"W-WHAT?" natigilan si Father nang mabigla. Ngumuso ako, malaki ang ngiti sa labi. "Yummy nga po, kagaya ko," sambit ko habang tinuturo ko ang sarili ko at ang pagkain sa harapan. "Gusto mo pong tikman?"

Nandidiring tumingin siya, halatang hindi komportable. "No thanks." Bigla niyang kinuha ang pagkain na nasa harapan ni Seaghan at nagmamadaling umalis na para bang ako ang predator at siya ang kawawang prey.

Pero kahit nandidiri siya, ang mukha niya ay para pa rin santo,  para bang si Father ay banal na nilalang at ako naman ay isang demonyo na nilalandi ang kanyang pure na espiritu. Predator vs Prey. Rawr.

"Ampogi niya pa rin," bulong ko sa hangin habang tumitig sa kanya. Biglang nawala si Seaghan sa tabi ko, naglaho nang walang paalam. Asan siya? May nilalandi ba siya?

Tinuloy ko nalang ang patagong pagkain dahil gutom na gutom na ako. Wala na si groom at bride, halos lahat ay lasing o busy sa pagkain. Habang ako naman ay busog na busog ang mata sa dami ng gwapo at magagandang tao dito. Busog na sa pagnanakaw ng pagkain, busog pa sa mga kagandahan ng mga tao dito.

Nakita ko rin si Father na nakaupo sa sulok, tahimik na nakamasid, kasama ang isang batang kanina pa siya tinatawag. Doon ko lang na-realize na baka anak pala niya 'yung bata. Figures, pogi rin kasi tong si Father.

"Saan ka galing?" tanong ko sa lukaret na si Seaghan, na bigla akong iniwan at nawala lang bigla. Gusto ko sana may kasama sa pagnanakaw ng pagkain para may kapartner sa gulo pag nahuli kami.

"Diyan lang," sagot niya, pinupunas ang pawis at mamula-mula pa ang mukha. Morena siya, may halo ng mestiza, nasa gitna ng brown at light skin, mahirap i-explain.

"Weh? Diyan lang ba?" tanong ko, halatang duda.

Tinampal niya ang mukha ko at itinulak ng mahina. "Oo nga, diyan lang..." huminto siya sandali at luminga para hanapin si Madame, ang head namin. "Lumandi lang ganoon," bulong niya.

"Doon sa kausap mong pogi kanina?"

"Oo! Nakakasilaw ang abs dae."

"Gaga! Nag-mo—Ano ba!" sigaw ko, tinakpan niya ang bibig ko bigla.

"Boang! Ang ingay mo!"

"Sorry, sorry." Lumapit ako sa tenga niya. "Ginawa niyo yun?"

Malaki ang ngiti niya at tinaas-baba ang kilay, "Hindi, slight lang."

"Slight lang? Bakit slight lang? Chance 'yon!"

"Gague! Alam mong hindi ako lumampas sa ganiyang base. Hanggang make out lang ako!"

"Alam ko. Joke lang 'teh, forda kiss lang ang gusto mo."

"Kaya nga! Pag lumala pa, wag na!"

Alam ko ang estilo ni Seaghan: mahilig lang sa gwapo, pero hanggang kiss lang, tapos iiwan niya agad ang lalaking 'yon. Ilang beses na akong nilapitan ng mga ex niya at tinanong kung nasaan siya. Siyempre,, at first naawa ako sa mga nakakaganun ni Seaghan, pero nung nalaman ko na malala pala iyong iba, sinasamahan ko nalang siya sa trip niya. 

And by sinasamahan...

"Do you know where she is?" tanong ni Kuya Wolfram.

"Sino 'she' po?" tanong ko. Sinabi niyang si Seaghan ang tinutukoy niya.

"Hindi po alam," sagot ko, uhm eto, nakatago sa ilalim ng mesa.

"Really?" tanong niya kaya nakangiti akong tumango dahil wala akong balak ibigay ang kaibigan ko sa mga leon.

Sabog na umalis si Kuya, todo kamot sa ulo, nakatakip sa jacket sa bewang niya dahil weird ang pagkakatali.

Tinapik-tapik ko ang ilalim ng mesa, "Labas na diyan, umalis na siya."

Lumabas si Seaghan, bigla namang bumalik si Kuya Wolfram kaya tinulak ko siya, "Bumalik! Balik sa loob!"

"Are you really sure you don't know where she is?" tanong ni Kuya Wolfram.

"I don't know nga," sagot ko. Napatigil ako, "Wait, I think I know where."

Naramdaman kong pinisil ako ni Seaghan. "I'll tell you, but in one condition."

"Okay, what is it?"

"Tandaan mo 'yong lalaking pumagitna kanina? Anong pangalan niya? Saang simbahan siya nagsisimba? Gaano kadalas?"

"Wait, isa-isa lang!" Pinigilan ko si Wolfram. "His name is Angelo Jacob Manuel. Katabi lang ng mall yung simbahan nila, and uhh... every Sunday. His mom and cousin always like him to go to church."

"Yung kasama niyang bata, sino?"

"That's Liam."

"Okay, nandoon siya sa CR, nagrereklamo kasi na naiihi," sabi ko, nagsisinungaling.

Kinuha ko cellphone ko at pinakita kay Wolfram. Alam ni Seaghan agad ang plano namin. Ilang beses na namin 'to nagawa, obvious na alam niya ang gagawin.

Pero jusme, kasing banal ng mukha niya ang pangalan niya — Angelo Jacob Manuel. Nahiya tuloy ako na muntik ipangalan sa sarili ko ang Lucifera.

"By the way, thank you." Bumalik si Kuya Wolfram para magpasalamat sa sinungaling kong sinabi. Nakakahiya pero makapal ang mukha ko kaya wala siyang choice.

Tinignan ko lang ang likod ni Wolfram na umalis at mukhang napansin naman ni Seaghan na wala na ang leon kaya nagkusa na siyang tumayo at umalis sa tinataguan niya. Napatawa nalang ako at tinuloy ang paglilinis dito habang panaka-nakang nagnanakaw ng pagkain para ilagay sa bibig ko. 

Naramdaman ko naman na may humihila sa damit ko kaya yumuko ako at tinignan kung sino.

Isang cute na cute na batang lalaki.

"Hello!" Kumaway ako at umupo para magkalevel ang mukha namin.

"Dae, bantayan mo muna," sabi ko.

"Hewo," mahinang bati ng bata kaya napakagat ako sa labi ko. Gusto kong pisilin ang mukha niya sa sobrang cute.

"Hello, what's your name po?" tanong ko at ngumiti.

"Noah Jewmil," mahina at mabagal ang sagot. Mukhang gusto niyang ayusin ang pronunciation kaya ngumuso at kumunot ang noo.

Jusme, ang cute ng batang 'to. Sure akong gwapo ito paglaki.

"Noah?" tanong ng malalim na boses.

Tumingin ako at nakita si Father.

Yumakap sa akin ang bata na parang ayaw sumama kay Father, "No! Eat swits! Swits!"

"Noah, you're not allowed. You already got many."

"Noah wants swits!" at umiyak na siya, yakap pa rin sa akin.

Lumapit si Father, magkalapit kami.

Pigilan niyo ako, mahahalikan ko siya kahit may bata sa harapan.

"Come here baby, we'll eat sweets later okay? Let's just drink many water so baby won't have tummy ache," baby talk niya.

Tang in a juice, mahabaging diyos at demonyo sa iisang katauhan.

Manghihingi na talaga ako ng sperm niya para maging kamukha niya future anak ko.

"Tummy ache?" tanong ni Noah na nalilito.

Hindi alam ni Father ang sasabihin kaya sumali ako, "Yayay, tummy yayay like aww, Noah tummy hurts."

Hinakawan ko ang tiyan niya ng mahina at nangangalay na ako sa sitwasyon.

"Father, paki-kuha na po siya."

"Father?"

"Yes, father! Pengeng sperm."

Biglang naibulalas ko. Palihim kong kinurot sarili ko sa kabaliwan ng sinabi ko, sa harap pa ng bata.

Mabuti na lang at hindi nadinig ni Noah dahil nakatuon siya sa chocolate fountain.

"S-Sper-what?" tanong niya.

Tinaas ko ang kilay ko na parang bumabati lang sa kakilala, "Pahingi, kahit donate mo na lang sa akin, hehe."

Marry Me, FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon