Chapter 18

46 2 0
                                        

Chapter 18 - Hurt, and hatred.

Ilang linggo rin ang nakalipas, parang iba ang tunog ng mundo. Hindi dahil may nagbago sa paligid, pareho pa rin naman ang trapik, pareho ang amoy ng kape sa umaga, mga chismis sa trabaho, mga interaction namin ni Jacob-kundi dahil may nabuo sa loob ng dibdib ko na hindi ko maipangalan. Or OA lang siguro talaga ako.

Hindi ako makausad sa simpleng bagay na ginagawa niya sa puso ko. Yung naglalakad kami ni Gian papunta sa tapat ng maliit na tinda ng kakanin, siya na ang walang-hiya na bumili ng tuyo at pandesal para sa akin, siya ang nagpipilit na tumayo habang kumakain ako, siya ang nagbubura ng mga linya ng nakaraang pagod sa mukha ko gamit ang mga biro.

"Kuya, wag ka na," sabi ko nang mukhang nagiging mas gwapo na siya sa paningin ko.

Tumawa siya sa naging reaksyon ko at tsaka nagsalita, "Bakit? Masyado na ba akong nagiging gwapo sa paningin mo?"

Napatigil ako sa sinabi niya, at winaksi iyon agad at sinamaan siya ng tingin. Napansin niya iyon at mas lalong natawa.

Bigla siyang nagseryoso at nagsalita, "Wag na ang drama," aniya. Seryoso ang mga mata."Alam kong hindi basta-basta ang ginagawa mo. Nakikita ko na kapag napapagod ka, nagiging maliit ang mundo mo - at ayoko 'yon."

Natahimik ako. Hindi dahil sa pagka-amo ng salita kundi dahil sa totoo, bihira siyang tumino. Lagi siyang pabirong mukhang hindi seryoso, tapos bigla-may ganoon.

Ilang saglit na katahimikan ang lumipas bago ko napansin na nakatitig lang pala ako kay Gian. Para bang biglang bumagal ang paligid, at sa halip na ingay ng kalsada ang marinig ko, tawa lang niya ang umaalingawngaw.

"Ano? Speechless?" biro niya sabay kagat ng pandesal na hawak. Akmang isusubo na niya sa iyon sa akin pero tinigil ko siya at kinagat ang pandesal na hawak ko. "Dapat pala araw-araw kitang ihahatid para lagi kang natutulala."

"Ambisyoso," sagot ko agad, sabay irap. "Hindi lahat ng babae matutulala sa'yo, no."

"Pero ikaw, oo." Ginamit pa niya ang ngiti niyang alam kong ginagamit niya kapag gusto niya akong bwisitin.

Pinilit kong huwag mag-react, pero ramdam kong may init na umaakyat sa pisngi ko. Ang hirap, kasi hindi siya tulad ng iba-hindi siya takot maging clingy o corny. At ang mas nakakainis, hindi rin siya nahihiya kapag nahuhuli akong napapatingin sa kanya.

Habang naglalakad kami, dumaan kami sa maliit na tindahan ng kakanin. Nauna siyang pumasok at iniwan akong nasa labas, nagulat na lang ako nang iniabot niya ang isang balot ng suman.

"Para hindi ka gutom sa trabaho," sabi niya, seryoso na parang hindi siya yung kanina lang ay nagbibiro tungkol sa pagiging gwapo niya.

"Hindi ako gutom," sagot ko, pero tinanggap ko rin. Siyempre kaka kain pa lang namin. May balak ba siyang palakihin ako masyado?

"Hindi pa. Pero mamaya, sigurado." Pinagmasdan niya ako habang kinakagat ko ang suman. "O, diba? Ako rin kasi ang iniisip mo, kaya mabilis kang nagugutom."

"Anong connect?" ismid ko. Napatawa lang siya sa sinabi ko at hindi nagsalita.

"Ewan ko sa'yo, Gian." Napailing na lang ako.

Pero kahit ano pang tanggi ang gawin ko, totoo, totoo na iba ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. May gaan, may kasayahan, parang lahat ng bigat na dinadala ko, biglang nagiging kaya. Ang peaceful, parang kampante ako.

Kinabukasan, tuloy lang ang buhay. Trabaho. Kape. Hindi ko ata nasabi pero sa loob ng isang linggo na iyon, ay hindi ko alam anong nangyari pero nabigyan ako ng entry level na office job sa mismong kompanya. Parang call-center ang style, kaya nagagamay ko naman agad.

Nakaupo ako sa desk ngayon, nakatingin sa monitor, nang biglang may kumalabit sa braso ko.

"Hoy, Miss Janah." Si Carla, isa sa mga officemate ko na kilala ring mabilis makasagap ng chismis. Parehas kami ng sitwasyon actually, iyong na promote sa office job, kaso mas senior ko siya. "Ang blooming mo ah. Bagong jowa?"

Napakunot noo ako. "Ha? Ano na namang pinagsasabi mo d'yan?"

"Hindi ka na raw sabay laging umuuwi kay Sir Jacob, sabi ng iba. Eh sino raw yung bagong kasama mo? Yung-ano ba pangalan-si Gian?"

Natigilan ako. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. Ganito kasi dito-isang maling tingin lang, lalaki na agad ang usapan.

"Kaibigan ko lang siya," sagot ko, mahina pero madiin.

"Sure ka? Kasi kung kaibigan lang, bakit parang... iba ang tingin mo kapag binabanggit yung pangalan niya?" Nakangisi si Carla, parang natumbok niya yung hindi ko maamin kahit sa sarili ko.

Bago pa ako makasagot, dumaan si Gian mismo sa hallway, bitbit ang mga dokumentong ipapasa kay sir Wolfram. Naka-tuck in ang polo niya, malinis, pero parang wala lang sa kanya kahit medyo nagmamadali. Nang magkasalubong kami ng tingin, ngumiti siya saglit, yung tipong walang effort pero sapat para mapatigil ako. Tinuloy niya talaga iyong job application niya.

Syempre, hindi 'yun nakaligtas kay Carla. "O, ayan na siya! Ay, Diyos ko, may something talaga. Pogi rin naman. Hindi kana lugi"

"Shhh!" Napasobra ang irap ko.

Pero kahit anong pagtatakip ang gawin ko, naramdaman kong may kumakalat na namang kung anu-anong bulong sa paligid. Grabe ang mga chismis ko, about sa lalaki.

Sa sumunod na araw, naging mas halata. Habang nag-aayos ako ng files sa cubicle, may dalawang staff sa likod ko ang nag-uusap, akala siguro hindi ko naririnig.

"Si Janah raw, nakikita laging may kasamang iba. Eh diba si Sir Jacob parang... close rin sa kanya?"

"Ewan ko, baka nagpapalit-palit lang."

"Grabe naman. Ang ganda pa naman ng image ni Sir Jacob."

"Malay mo, siya pala yung dahilan kung bakit may tension dito lately."

Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa batok ko. Hindi ako umimik, pero ramdam kong pinipintig ang ulo ko sa kaba. Ang unfair. Bakit kapag babae ang may kausap, agad-agad na may cheezwiz?

Maya-maya, lumapit si Gian. Hindi siguro niya alam ang mga naririnig ko, o baka napansin niya lang ang bigat ng mukha ko.

"Hoy," bulong niya, "break tayo saglit."

Umiling ako. "Marami pa akong gagawin."

"Kahit five minutes. O baka gusto mo, ako na gagawa n'yan."

"Baliw."

Pero bago pa ako makatanggi nang tuluyan, kinuha niya yung ballpen ko at siya na ang nagsulat sa papel na hawak ko. "O, tignan mo. Ang ganda ng sulat ko, diba?"

Napatawa ako kahit pilit. Kahit paano, gumaan ang loob ko. Kahit surrounded ako ng mga mata at bulong, siya lang ang kayang magpatahimik ng lahat.

Pero hindi pala matatapos sa bulong-bulungan lang. Kinahapunan, habang palabas na ako ng building, narinig ko na namang binabanggit ang pangalan ko-this time, mas direkta na.

"Siya raw yung dahilan kung bakit hindi matuloy-tuloy yung kasal ni Sir Jacob at Jasmin," sabi ng isang babae, halos pabulong pero malinaw.

Napatigil ako at sumama ang mukha. Ilang beses nadin na pabalik-balik si Jasmin sa company. At dahil doon nakilala siya ng mga tao. Nung una akala nila na bagong recruit lang kasi nagpupunta naman siya agad sa office ni Jacob, akala nila bagong secretary lang since nag resign na ang secretary ni Jacob.

"Eh kung totoo man, kawawa naman yung bata. Walang kasalanan."

"Baka kasi pinaglalaruan lang niya. May bata pang involved."

Parang piniga ang dibdib ko. Kasal? Bata? Lalo akong nayanig. Hindi ko alam kung saan nagsisimula ang lahat ng ito, pero isa lang ang malinaw, hindi na ito simpleng biro.

At doon, sa mismong lobby habang naglalakad ako palabas, nakita ko ang pamilya ko. Nandoon sila, iyong pinsan ko, pati si mama at papa. At hindi lang sila. Naroon din si Jasmin, nakatayo sa tabi nila, nakangiti.

Yung ngiti na hindi inosente, kundi parang sinadyang mang-inis. Naghahamon. Parang gusto magpasabunot.

AN: Next update, August 31

Marry Me, FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon