Chapter 17 - Attention
Isang buwan na ang lumipas mula noong gabing muntik na akong maging sentro ng eskandalo sa hall. Nakakahiya man pero hindi ko nagustuhan ang naging reaksyon ko. Grabe, may experience pa naman ako sa catering pero ang OA ko naman that time.
Isa pa, parang kailan lang, nakaupo ako sa gilid ng mesa, sinisikap iwasan ang tingin ng lahat, tapos bigla na lang may lalaking lasing na halos sumugod sa akin. Kung hindi dumating sina Gian at Jacob, baka iba na ang nangyari. Hanggang ngayon, naiisip ko pa rin kung paano ako hinila palayo ni Jacob na parang wala siyang pakialam kahit makita ng lahat.
At mula noon, nag-iba ang takbo ng mga araw ko.
Kung dati, normal lang. Pasok, trabaho, uwi, ngayon, may dagdag na routine, si Jacob. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero mas madalas na siyang lumalapit. Hindi na siya 'yung unreachable na executive na tinitingala lang sa mga meeting, parang naging ordinaryo na lang siyang tao na kayang dumaan sa desk ko para kumustahin ako.
Nakakapanibago. Nakakailang. At higit sa lahat, nakakainis. Kasi hindi nawawala ang mga matang nakabantay, at ang mga bulung-bulungan na parang musika sa background.
Pero wapakels, nag t-trabaho lang naman ako ng maayos. Besides nauna ko siya nakilala bago ako nagka trabaho.
Nepotism? I say skills.
Charowt. Kung dati nanghihingi pa ako ng sperm, ngayon naman ang sperm na ang parang naging parte ng routine ko.
Kayagaya nito.
"Janah."
Lumapit siya sa mesa ko isang tanghali, hawak ang cellphone at nakangiti. Hindi ngiting pormal; 'yung tipong pang-personal. "Are you free for lunch?"
Napatingin ako agad. "Ha? Ako?"
"Unless may ibang Janah dito," biro niya, sabay sabit ng kamay sa gilid ng desk. Soft spoken siya, pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya.
"Sir, baka-"
"Jacob," putol niya. "I told you, just call me Jacob."
Napairap ako nang bahagya. "Okay, Jacob... pero baka may makakita. You know how people talk."
He leaned in a little, voice lower. "Then let them talk."
At doon ako napatigil. Kasi parang ang dali para sa kanya. Para bang hindi niya kailanman pinoproblema ang tsismis. Ako lang itong nag-aalala. Kinikilig ako slight, what if babalik ang crush ko sa kanya?
"Fine," sagot ko, sabay bitaw ng buntong-hininga. "Pero sagot mo lahat, ha. Mahal ang pagkain sa labas. Wala na akong pera baks, bitay na bitay na ako" biro ko pa. Hindi naman talaga, parang nagka live-in na nga kami ni Gian sa bahay niya except lang na hindi kami masyadong nagkikita. Busy rin siguro, pero naguusap naman sa weekends, lalo na pag freetime namin dalawa,
Asaran padin ang ginagawa namin, gaya ng dati.
Napangiti siya. "Of course."
Nasa isang café kami na tipong hindi ko maaabot kahit isang buwan kong ipunin ang sweldo ko. Minimalist, puti at kahoy ang interior, tahimik ang ambience, at ang bawat tasa ng kape ay parang katumbas ng isang linggong pamasahe ko. Okay naman sana if sa bakeries lang, keri ko pa ang gastos.
"Order whatever you like," sabi niya habang iniaabot ang menu. "Don't worry about the price."
"Madali kayong magsabi kasi kayo mayaman," bulong ko, pero narinig niya.
He chuckled. "Money is nothing if you can't share it with someone."
Napataas ako ng kilay. "Sir, baka mamaya madamay pa ako sa chismis niyo. Sabihin nila nililigawan niyo ako.I mean, wala naman akong pake pero pano pag mawalan ako ng trabaho?"
BINABASA MO ANG
Marry Me, Father
RomanceStand Alone || Completed. "Naiihi lang naman ako..." Akala ko simpleng gabi lang 'to. Catering event. Magarang hotel. Masarap na pagkain. At pantog na malapit nang sumabog. Pero sa gitna ng pagkaligaw, ng dilim, at ng kakulitan ng ihing hindi na map...
