Chapter 1

1K 11 0
                                    

" happy birthday my love" bati ni Theodoro sa kanyang asawa si Helena.

"Salamat mahal ko, salamat sa pag aalaga mo sa akin." Sagot naman ni Helena dito.

" tumawag si Miguel kanina pero tulog ka pa kaya mamaya siya ulit tatawag."

" baka na naman kasama nito ang barkada o kaya ang girlfriend nito." Tampo agad niya sa anak.

"Don't be sad at tatawag ang dalawa mamaya, tatawag din si Ralph." Agad lambing niya sa asawa. Mahina ang puso ng kanyang asawa kaya mas gusto nitong tumira sa hasyenda kesa sa Manila. Bagama't nasa Manila ang kanilang kompanya ilang beses siyang magbiyahe sa isang linggo para samahan ang asawa sa hasyenda. Gusto nitong tumira doon bukod sa malinis ang hangin ay mas relax ang kanyang asawa.

"Kelan mo sasabihin kay Miguel ang nasa last will ng papa?" Tanong ni Helena sa asawa habang magkayakap sila sa kama. Nakasandal ito sa kanyang dibdib.

" maybe tomorrow or next week, ayokong mabigla siya." Sagot ni Theodoro

" kung ano man ang desisyon ni Miguel, irerespeto natin."sabi naman ni Helena.

" oo mahal ko."

" kay Carla naman, we can help her, I like her actually, she's straight forward at matalino. If Miguel will like her I will agree to their marriage."

" tama ka, she's a nice girl, eighteen years old pa lamang siya pero she's mature."

" dala na rin siguro ng kahirapan, but we will help her."

" oo mahal ko."

Si Miguel ang una nilang anak at ang pangalawa ay si Ralph. Parehong nasa America at nag aaral. Si Miguel ay nakatapos ng business administration at kasalukuyang tinatapos ang masters, si Ralph ay engineering student. Gusto nilang mag aral ang dalawa sa ibang bansa para mas maging independent. Hindi magtatagal ay silang dalawa ang magmamana sa kanilang real estate company.

Lumaki ang magkapatid sa Manila pero ng magcollege na ang dalawa saka nila ipinadala sa America. Sa mga oras naman na iyo ay mas gusto na ni helena na tumira sa hasyenda. Ang kaisa isang mana niya mula sa kanyang ama.

Hindi nila akalain na may iniwan palang huling testamento ang kanyang ama, nalaman lamang nila ng dumating ang kanilang abogado at binasa nila ito. Doon nila nakilala si Carla. Ang ama nito ay nabaldado at sakitin ng ilang taon. Nalaman lamang nila ang kasunduan ng kanyang ama at ang ama ni Carla na magpapakasal ang unang apo na lalaki kay Carla pag eighteen na si Carla. Nung una ay hindi nila matanggap.

Pero dahil sa nakasaad sa huling bilin ng ama ni Helena ay susubukan nilang sabihin kay Miguel sa tamang oras. Kung ano ang masasabi nito bagama't tanggap nila kung aayaw ni Miguel.

Pinaayos ng magasawa ang garden ng hasyenda at saka tinawag lahat ng mga manggagawa at mga pamilya ng mga ito para makiselebrasyon sa kaarawan ni Helena, lahat ay masaya at nirerespeto ang mga Gueverra. Dumalo din si Carla at ang kapatid nitong lalaki na si Clyde. Ang bahay nila ay medyo malayo sa hasyenda. Bukod sa hirap sa paglalakad ng halos isang oras para marating ang hasyenda. Nakikain sila sa hasyenda at nagpabalot pa si Helena para sa kanilang tatay na naiwan sa kanilang maliit na bahay.

" Ate halos pang buong linggo ang pagkain na binigay sa atin nila mam Helena, bakit kaya ang bait bait nila sa atin? Kung sana noon pa tayo pumupunta dito eh baka sa pagkain eh wala tayong problema." Tuwang tuwa ang kanyang kapatid. Nakarating sila sa kanilang bahay at agad pinaghanda mg pagkain ang kanilang itay.

"Tay ang daming binigay na pagkain sila mam helena, sayang wala tayong ref idi sana mas tatagal pa ang pagkain." Sabi ni Clyde.

Fourteen years old si Clyde at kagaya niya ay hindi na rin nag aaral bukod sa wala silang maani sa kanilang mga palayan ay hirap sila sa araw araw para makabili man lang ng pagkain.

"Marami naman silang binigay na delata kaya tatagal ang pagkain natin, huwag ka ng malungkot diyan" sabi niya sa kapatid.

" kinausap ka ba ulit nila mam Helena Carla?"tanong naman ng kanyang itay sa kanya.

"Naku tay, hindi, mukhang malabo ang usapan na sinasabi nila, hayaan na natin tay.." sagot niya dito habang nag aayos ng mga pagkain.

Kapos araw araw at inaalagaan nila ang kanyang itay, kung may ani man sila ay sapat na para makain nila. Lumabas siya para magpahangin, umupo siya sa halos sirang upuan sa lilim ng malaking puno sa harap ng kanilang bahay. Saka bumalik sa kanyang alaala ang naging usapan nila noon ni mam Helena at sir Theodoro.

" ikaw pala si Carla, ako si Helena at siya ang aking asawa si theodoro, naparito kami dahil sa huling bilin ng aking ama."

"Ano pong huling bilin?"tanong niyang kinakabahan.

" hindi ko alam na kaya pala nagpalit noon ng driver ang papa dahil hindi na kaya ng itay mo ang magdrive at hindi ko rin alam na may kasunduan pala sila ng itay mo."

"Ano pong kasunduan? Tay ano bang sinasabi nila?" Naguguluhan niyang tinanong ang kanyang itay.

Pero ang tatay niya ay tahimik lamang at naghihintay ang sasabihin ng mga bisita.

" tama ba kami mang Fredo na pag nag eighteen years old si Carla ay maikakasal siya sa unang apong lalaki ng aming angkan?" Tanong nito sa kanyang ama.

Siya ay nagulat sa sinabi ng mga bisita sa kanila.. siya ikakasal? Nag Eighteen years old siya last week at wala namang binanggit ang kanyang itay.

" yun ang pinangako sa akin ng namatay na don kaso ay hindi ko ito gaanong binigyan ng pansin lalo na at namatay siya agad."

" nandito po kami para tuparin ang huling bilin ng papa pero bago ang lahat gusto naming malaman kung ano ang masasabi ni Carla." Sabi ni Helena na nakatingin sa kanya.

" maari ko bang kausapin muna ang aking anak bago siya magdesisyon." Pakiusap ng kanyang itay kaya napilitang lumabas ang mga bisita.

" tay ano bang sinasabi nila?"

" hindi ko alam na tutuparin ng don ang kanyang pangako sa akin na tutulungan niya tayo, pero hindi ko alam na sa ganitong paraan, nasa sayo anak kung gusto mo."

" sino ang aking pakakasalan? "

" maaring si Miguel dahil ito naman ang unang anak ng mag asawa."

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon