Chapter 21

329 10 0
                                    

Pagkagising niya ng umaga ay walang bakas na natulog si Miguel sa kwarto nila at wala ang travelling bag sa tabi ng pintuan, maaring umalis na ito.

Tiningnan niya ang orasan, it's almost ten in the morning kaya nag ayos na siya at bumaba para mag almusal. Agad siyang kumain saka sila sumaglit sa bayan ni Lucy at umuwi din agad, iniwan niya si Lucy sa loob ng kotse at siya lamang ang bumili sa pharmacy ng pills. Pagkauwi ay saka niya tiningnan ang cellphone. Maraming tawag at text si Elisa. Tinawagan niya ito para pumunta sa mansyon.

Kwinento niya ang nangyari sa kanila ni Ruben sa burol, nagalit si Elisa pero wala pa siyang balak kausapin si Ruben sa nangyari, ayaw niyang mas lumala ang galit ni Miguel. Buong hapon silang magkasama ni Elisa nang makauwi si Elisa ay dumalaw siya ulit sa kanyang itay, gaya ng ibang araw, panay ang trabaho ni Clyde sa hasyenda, nagsisikap talaga ito araw araw. Natutuwa siyang nakakatayo na ang kanyang itay paminsan minsan. Naisip niya tuloy ang sabi ni Miguel na ginagamit niya lamang ang tulong ng pamliya nito sa kanya o sa kanila. Ang mga paratang nito sa kanya. Ilang taon pa bago siya matatapos sa pag aaral.

Nakipagkwentuhan na lamang siya sa kapatid at ama hanggang lumalim ang gabi. Wala din naman siyang gagawin sa mansyon. Umuwi lamang siya ng patulog na ang kanyang itay. Maaga siyang nagising at balak pumasyal sa taniman ng kanyang kapatid. Pero nagulat siyang kumakain ng breakfast si Miguel. Bumalik ito sa hasyenda.

" good morning" bati niya dito. Saka kumuha ng kape. Miguel's face is flat, parang hindi mabasa kung galit o hindi.

"Good morning" sagot nito sa kanya pero hindi tumitingin, tuloy tuloy lang sa pagkain. Umupo sa siya tabi nito at kumuha din ng plato. Saka kumuha ng pagkain. Wala silang imik hanggang matapos silang kumain. Pumunta si Miguel sa labas at siya naman ay pumunta sa kwarto nila.

Nakaupo siya sa kama at nagiisip nang biglang bumukas ang pinto, si Miguel dala nito ang travelling bag at binagsak lamang sa tabi ng pintuan saka humarap sa kanya.

" My friends are coming before lunch, they want to explore some parts of the hasyenda, be ready before lunch" sabi nito.

"Sasama ba ako?"

" they also want to meet my wife kaya yes, you will come with us, maliban lang kung may lakad."

They starting to have this conversation again, iniisip ba ni Miguel na niloloko niya ito?.

" may kahulugan bang iba ang mga sinasabi mo?"

Nagkibit balikat lamang ito saka ngumiti ng mapakla. " I'ts up to you kung anong pagkaintindi mo." Sagot nitong malamig sa kanya.

"Ikaw ang may girlfriend pero ako pa ang pinagbibintangam mo?, dahil lang sa nakita mo na kung ano ano ng bintang mo sa akin." Sumbat niya dito.

" well, you're still my wife, may girlfriend man ako o wala it's none of your business, I'm sure you know kung may mahal man akong iba."

" tama ka, I'm just your legal wife but don't worry wala akong ginagawang masama while I'm still your wife." Sumbat niya dito saka pumunta sa toilet.

" and you're always be my wife.." habol na sabi ni Miguel sa kanya.!

Tumingin siya sa salamin at hindi mapigilang umiyak, masakit ang mga parating ni Miguel sa kanya, pakiramdam niya ay ibang Miguel na ang nasa harapan niya, no tenderness at all. Makikiayon siya sa takbo ng pagsasama nila pero kelangan niyang maging matatag.

Lumabas siya sa banyo at nag ayos ng konting gamit para sa outing ng mga kaibigan ni Miguel, kumuha siya ng one piece bathing suit na kulay red kung sakali magswimming sila at pambihis, nagpalit din siya ng walking shorts at white tshirt saka puting sneakers. Pagbaba niya sa sala ay nakita niyang meron na ang mga kaibigan ni Miguel. Pinakilala siya ni Miguel sa mga ito, kasama din si Pat at isang babae. Sa mga suot ng mga ito na naka sports bra at maiikiling shorts ay mukhang mga modelo ang mga ito. Sabay sabay silang lumabas, binuhat ni Miguel ang gamit niya at ang gamit nito, nilagay ang mga gamit s likod ng four by four na car nito saka binuksan ni Miguel ang pintuan sa harapan at sumakay siya, sa likod nila ay si Pat at isang barkada ni Miguel. Miguel is casual during the trip. Patingin tingin sa kanya pero mas naguusap sila Pat at kaibagan nito, usapang wala siyang idea.

Mahaba din ang byahe nila dahil pumasok pa sila sa magubat na parte ng hasyenda hanggang makarating sila sa isang water falls at ilog. Sa tabi nito ay may ginawang kubo, malaki ang kubo, agad lumabas sa sasakyan ang mga kaibigan nito at agad tiningnan ang paligid, maaliwalas at ang ganda, hindi niya alam na may ganong lugar pala sa loob ng hasyenda. May katiwalang lumabas sa kubo at kinuha ang mga gamit nila sa sasakyan.

Naghahanda ang mga ito ng pagkain at Mukhang mag iihaw sila ng karne, isda at kung ano pa. Natakam tuloy siya sa mga nakikitang pagkain na inihahanda. Pumasok sila sa kubo at namangha siya sa yari ng kubo, maganda ang pagkagawa, apat ang kwarto at may banyo sa loob ganon din sa labas ng kubo. Tinuro ni Miguel kung saan ang mga kwarto ng mga kaibigan niya at sa isang silid naman si Pat ang babaeng kasama nito saka siya hinila ni Miguel at pumasok sila sa isang kwarto.

" this is our room, let's change then we will have lunch." Utos nito saka biglang nagtanggal ng tshirt at shorts sa harapan niya, naiwan na lamang ang underwear nito.

Sa pagkabigla ay nahiya naman siya sa nakita at tumalikod siya, oh my! Alam niyang maganda ang pangangatawan nito pero Talagang nagbibihis ito sa harapan niya.

" common, it's not the first time na nakita mo ang katawan ko, you even touched it remember? " tukso nito sa kanya saka tumawa habang nagsuot ng sando at ng swimming shorts.

Di na lamang siya sumagot at baka mapunta ulit sa sumbatan ang usapan nila. " tapos ka na ba?" Tanong na lamang niya.

" yes I am. " sagot nito. Saka siya humarap at kinuha ang gamit na balak niyang isuot, ang bathing suit niya at medyo manipis na shorts dahil nahihiya naman siyang magpakita ng katawan lalo na at di niya kilala ang mga kaibigan ni Miguel. May banyo sa gilid ng kwarto kaya dun siya nagpalit. Paglabas niya sa banyo ay humagod ang mata ni Miguel sa katawan niya lalo na sa medyo na expose na dibdib niya pero hindi ito nagsalita. Nauna itong naglakad palabas ng kwarto at sumunod na lamang siya.

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon