Chapter 15

316 12 2
                                    

Ano ba yung nangyari sa kanila? Nawala din siya sa katinuan at nagustuhan niya ang ginawa ni Miguel sa kanya, hinaplos niya ang kanyang labi at tiningnan sa salamin ang kanyang leeg at puno ng kanyang dibdib, puno ng bakas ng halik ni Miguel, di niya alam kung gaano katagal na naghalikan sila pero bakit hind siya galit dito? Nahihiya siya pero hindi niya rin maintindihan ang nararamdaman. At bakit nasaktan siya ng sabihin nito magkaiba sila ni Pat?

Kinaumagahan ay si aling Linda ang nadatnan niya at wala na si Miguel, nagsuot siya ng mainipis na long sleeve shirt dahil makikita ang bakas sa taas ng kanyang dibdib ang mga halik ni Miguel, aaminin niyang nadarang siya sa nangyari. At ayaw niyang lumapit ito ulit sa kanya. Baka sa susunod ay matuluyan ng may mangyari sa kanila.

Pagdating sa university ay hindi niya nakita ang anino ni Miguel pero nakita niya ang mga kaibigan at girlfriend nito. Bumabati ang mga guy na friend ni Miguel pero ang mga babae ay mukhang inis sila pagnagkakasalubong sila. Halos tatlong araw na hindi niya nakita si Miguel, ilang beses gusto niya itong tawagan kaso pinipigilan niya ang sarili, baka ano pang sabihin ni Miguel sa kanya kaya pilit niyang binabalewala. Sa pang apat na araw ay umuwi ito gabing gabi. Kasalukuyan siyang nanonoud ng tv sa living room ng dumating ito. Huminga siya ng malalim saka nagsalita. Sa itsura ni Miguel ay mukhang pagod na pagod. Hinarap niya ito.

"Nadinner ka na ba? May naiwan pa sa niluto ni aling Linda bago siya umalis." Tanong niya dito.

"Can you prepare for me? , I'm starving." Malumanay na sagot nito habang binababa ang mga gamit sa taas cabinet malapit sa pintuan.

Tumayo siya sa sofa at papunta na sa kitchen pero bigla siyang niyakap ni Miguel sa likod. Nagpupumiglas siya.

" I just want peace Carla" sabi nito saka ang higpit ng yakap nito sa kanya at dinagan ang ulo sa kanyang balikat. Pinabayaan niya na lamang na nakayakap ito sa kanya nagtagal sila ng ganong posisyon saka siya pinaharap ni Miguel.

" I will just take a shower then I will eat, sana sabayan mo ako." Sabi nitong nakangiti.

Tumango na lamang siya at ngumiti. Saka kumalas ng yakap si Miguel at siya naman ay pinainit ang pagkain at inayos ang lamesa, nang lumabas si Miguel na bagong ligo, naka tshirt at pajama saka umupo sa upuan sa harap niya. Maganang kumuha ito ng pakain sa inihanda niya saka panay ang ngiti na kumakain. Siya naman ay kumuha na lamang ng ice cream sa ref at yun ang kinakain niya. Parang nakalimutan nila ang nangyari nung huli at nag usap sila ng malumanay sa isa't isa.

For the first time nagtatanong si Miguel sa kurso niya, business administration ang course niya at sa unang pagkakataon ay nagtanong ito kung anong balak niya sa buhay at mga pangarap niya. Nung una ay alanganin siyang sumagot pero ng magsimula na ring magkwento si Miguel sa buhay nito ay napakwento na din siya. Hanggang humantong ang usapan nila sa kanilang pagsasama.

" salamat na pumayag kang pakasalan ako, may iba mang dahilan bakit kita pinakasalan pero Ikaw pa rin ang magdedecide kung paano tayo." Sabi niya dito.

Tumitig sa kanya si Miguel saka nagkibit balikat. " inaamin ko nung una ayaw ko sa kasal natin pero ngayon, I don't know parang nasasanay na akong kasama ka. " sabi nitong kaswal lamang.

"Kasama ako?, ni hindi naman tayo madalas nagkikita."

" so you want to see me often?" Tanong nito sa kanyang may halong pang aasar.

" no, tinatama ko lang ang sinasabi mo." Sagot naman niya.

" fine, I believe you and we don't see often everyday but I don't know.. knowing that you're just here with me, I'm used to it."

Saka ito tumayo at lumapit sa kanya, gusto man niyang lumayo ay parang di siya makagalaw. Unti unti nitong nilapit ang mukha sa kanya saka siya hinalikan ng dahan dahan, sa una ay hindi niya alam paano tugunin pero ng ginaya niya ang paggalaw ng labi at dila nito, matagal at dahan dahan ang halikan nila napatigil lamang sila ng nasagi niya ang kanyang plato at nahulog sa sahig, nagtinginan sila saka sabay tumawa at nagiwasan.

Inayos ni Miguel ang pinagkainan nito at inayos niya naman ang platong basag sa sahig. Nang matapos ay nagpaalam si Miguel sa kanya bago ito pumunta sa sariling kwarto.

"Goodnight, see you bukas." Sabi nito.

"Goodnight." Maikling sagot niya. Saka pumunta siya sa sariling kwarto. Bakit kaya siya hinalikan ni Miguel? Inaasar na naman kaya siya? Bakit kaya sabi nitong nasasanay na itong kasama siya pero madalang naman sila magkita.

Mga tanong na hindi niya alam ang sagot.

Miguel's POV
After ng out of town business niya ay si Carla agad ang gusto niyang makita, is he falling inlove with his wife? Asan na yung pangako niya sa sarili na gagawa siya ng paraan para maghiwalay sila ni Carla?

He likes kissing her, her innocence and her scent, he's not a playboy hindi kagaya ng kapatid niyang si Ralph, he does admit sometimes he has one night stand pero bilang sa daliri pero when he had a relationship with Patricia he enjoyed their relationship yun nga lang at ngayon ay asawa na niya si Carla. All his friends think she's a stunner at siguro binabalewala niya yun dahil sa galit.

Sa ngayon gusto niyang mag sorry dito dahil nasobrahan yata ang nangyari sa kanila the last time yet he didn't regret it, he wants more. Walang masama kung may mangyayari sa kanila, asawa niya si Carla pero yun nga ba ang rason?
Iba ang saya niya pagkasama ito. Mas nabubuhay ang dugo niya sa katawan pag nakikita ito.

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon