Chapter 7

304 9 0
                                    

Dumating si Miguel ng madaling araw, para sa kanilang kasal. Nagsuot lamang si Miguel ng puting polo at navy blue na slacks saka itim na leather shoes. Mauuna siya sa city hall kasama ang kanyang mama at papa, walang oras na dumalo sa kasal niya si Ralph dahil sa school at trabaho din nito, saka naman susunod si Carla kasama si Clyde at ang kanyang itay.

Pagpasok niya sa Sa office ng mayor ay agad itong bumati sa kanya at sa kanyang magulang, pakiramdam niya ay bibitayin siya sa oras na ito. He wants to do it fast. Tumayo siya sa gilid ni mayor habang hinihintay si Carla. Di nagtagal ay Dumating si Clyde hudyat na magsisimula na ang kanilang kasal.

Napatigil ang lahat ng pumasok si Carla, nakadress ito ng puti na hanggang sakong saka alon alon ang buhok na nakalugay at nakahawak ng simpleng flower boquet. Pakiramdam niya ay dumaan na siya sa pangyayaring ito, pakiramdam niya ay nakita niya na si Carla sa ganitong itsura hanggang biglang naalala niya ang kanyang panaginip noon.

Ang babae sa kanyang panaginip ay si Carla, imposible ito. Sabi niya sa sarili. Nahimasmasan siya ng magsalita ang mayor at sinimulan na ang kanilang ceremony. Pagkatapos ng thirty minutes ay kasal na sila ni Carla, Hinalikan niya si Carla sa pisngi pagkatapos ay nauna na siyang lumabas sa  office ng mayor at hinintay na lamang sila  Parang galing sila sa libing ni Carla sa itsura nila, bagama't masaya ang kanyang magulang at ang itay ni Carla, si Clyde ay di nagsasalita.

Kumain sila sa kilalang restaurant saka sila umuwi. Walang imikan sa biyahe at agad siyang bumaba sa sasakyan. Pataas na si Carla sa guest room ng magsalita si Miguel na sumusunod sa kanyang likod.

" Next week ay babalik na ako sa America, gustong kong ayusin natin lahat ang papeles at ganon din ang iyong account." para bang nag uutos ito sa pananalita.

" sige, bukas na bukas naman ay lalakarin ko ang mga papeles na kelangan." Sagot lamang niya

" good, at isa pa ayokong may makakaalam sa kasal natin, mananatiling sikreto ito Carla." Saka lumapit sa kanya Nag iba ang reaksyon ni Miguel, kung kanina at matamlay ngayon ay biglang naging seryoso at lumakad  palapit sa kanya ng dahan dahan, sobrang lapit na para ba siyang hahalikan.Hindi siya umatras hanggang nasa harapan niya si Miguel at Nagtama ang kanilang mga mata.

" ayoko ding malaman ng iba, alam nating pareho ang rason kung bakit tayo nandito sa sitwasyong ito, hindi mo kelangang ipaalala sakin." Nakatingin siya dito ng diretso habang sumagot. Pero nagiinit ang pakiramdam ni Carla at kinakabahan, para pagtakpan ang kanyang nararamdaman ay tinulak niya ito palayo saka umalis.

Si Miguel naman ay nangingiti sa reaksyon ni Carla, sa ayos ni Carla ngayon ay naiisip niyang para itong isang anghel, pero di siya maniniwala sa itsura ni Carla, alam niyang sa galaw nito ay madaling umarte at hindi ganong babae ang balak niyang pakasalan, but for now dahil kelangan ay kasal siya kay Carla, pero kung pipili siya ng tunay na pakakasalan ay He wants a mature woman, gaya ni Patricia, ni hindi alam ni Patricia na kasal na siya, balak niyang ayusin ang lahat  at kakausapin si Patricia dahil reresputuhin niya ang kasal nila ni Carla. Tumuloy sa sariling kwarto at nagpahinga. Buti nalang at hindi sila pinilit ng kanyang magulang na magsama na sa isang kwarto, he's still a man baka kung ano mangyari.

Carla's POV
Naiinis siya habang nagbibihis, naiinis siya kay Miguel, kahit mayabang ito ay di pa rin niya maiwasang humanga kanina ng makita niya ito sa kanilang kasal saka Tiningnan niya ang kanyang wedding ring na nasa kanyang daliri, kasal na siya.

Kasal sa papel lamang, hindi siya magpapaikot kay Miguel kaya gusto niyang mag aral at makatapos para sa sarili at pamilya. Napaiyak siya habang nakatingin sa salamin pero huli na ang lahat. kasal na siya at kung sa oras na hihilingin ni Miguel ang obligasyon niya ay wala siyang karapatang umayaw. Malaking tulong na napabilang siyang sa ang angkan ng Gueverra. Sa pagtanggap ni Helena at Theodoro sa kanya ay malaking tulong na, binihisan siya at tinulungan ang kanyang pamilya, pag alaga sa kanyang papa at ngayon ay magaaral na silang magkapatid.

Halos ubos na yata ang luha niya ng magpaalam siya sa kanyang kapatid at itay, alanganin pa rin siyang mag aral sa Manila pero yun ang suhestiyon ng kanyang mga manugang sa kanya. Mas bibilis ang pag aaral niya at makakapagtrabaho siya agad kahit sinasabi ng mga ito na hindi niya kelangang magtrabaho. Iba pa rin pag sariling pera sa oras na gipit at yun ang paniniwala niya. Wala silang future ni Miguel at kalabisan na kung makikihati pa siya sa mga ari arian nito.

Babalik si Miguel sa Amerika para tapusin ang pagaaral nito kasama ang girlfriend, bakit para siyang nasasaktan pag naiisip niyang may girlfriend si Miguel, sino ba ang pumagitna? Hindi ba siya?, nakokonsensiya siya pero bahala na si Miguel kung ipagpapatuloy nito ang relasyon sa girlfriend niya. Alam niyang darating ang panahon na maghihiwalay sila ni Miguel. Yun ang usapan nila.

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon