Chapter 8

311 8 0
                                    

Umaga at kumakain siya ng breakfast, hay ilang araw na ba at di na sila nagkita ni Miguel, when he left? Madami ng nagbago, nag aaral na siya at ang kanyang kapatid. Mas gumagaling naman ang kanyang itay. Dahil sa tulong ng magulang ni Miguel ay mas mabilis ang pag aaral niya. Pinili niya din ang eskwelahan ng kanyang mga kaibigan. Nung una ay hirap siya pero dahil sa tulong ng kanyang kaibigan ay nakapag adjust siya agad. Business management ang kinuha niya dahil balak niyang magtrabaho sa kompanya nila Miguel at pag nakapag ipon ay pwede naman siyang gumawa ng sariling business kahit maliit lamang basta sapat na mabuhay silang pamilya.

Kasama niya na sa school nila si Ruben at Elisa, pakiramdam niya ay normal ang buhay niya, walang nagbago. Alam nila Elisa at Ruben na asawa niya si Miguel nung una ay inggit si Elisa sa kanya pero nang malaman nila ang rason ay medyo nabahala din ito si Ruben naman ay hindi nakapagsalita sa gulat. Sila ang magkakaibigan na walang iwanan.

Nagpapahatid lamang siya sa kotse ng mga Guevarra kung kelangan pero madalas ay sumasakay siya sa pampublikong sasakyan. Excited siyang pumasok araw araw gaya ngayon. Pagkakain ng pang umagahan ay nagpaalam na siya sa kasambahay at tatawag sa kanyang kapatid o itay. Sila ang inspirasyon niya para makapagtapos.

Habang nasa eskwelahan siya ay panay ang tawa nilang magkakaibigan sa jokes ng isa't isa. Pagkatapos nilang naglunch ng magring ang kanyang cellphone. Bagong number ang nasa caller id, baka importante kaya sinagot niya ito.

Sinagot niya ito. " hello?"

" I will pick you up, magdidinner tayo sa labas kasama sila mama" si Miguel ang nasa kabilang linya.

" anong oras mo ako susunduin?" Tanong niya dito.

" after your last class" sabi nito saka binaba na ang telepono.

" sino yung tumawag? May masama bang nangyari?" Tanong ni Ruben sa kanya. Sa nakitang reaksyon niya.

Hindi siya makaimik agad sa gulat.

" si Miguel, susunduin daw ako at kakain sa labas kasama ang magulang nito."

"Bumalik na pala ang asawa mo, ipapakilala mo ba kami?"tanong ni Elisa sa kanya.

"Oo naman mga kaibigan ko kayo."sagot niya, bahala na mamaya kung anong mangyayari.

Pero buong araw ay hindi siya makaconcentrate sa klase, iniisip niya ang pagsundo sa kanya ni Miguel, bakit ito bumalik? Kasama kaya nito ang girlfriend nito?

Katatapos ng klase niya at magmessage si Miguel, lumabas sa siya klase kasama si Ruben at Elisa, naghihintay si Miguel sa parking lot ng university. Kilig na kilig si Elisa.

" sana ako nalang pinakasalan niya, kahit suplado siya ok lng sa akin, basta kasama ko siya gabi gabi. " bulong nito sa kanya na para bang mahihimatay na sa kilig lalo ng malapit sila kay Miguel.

" Si Ruben at Elisa pala mga kaibigan ko, kanina ka pa ba?"

Nag hi si Miguel at ngumiti kay Elisa saka tumango lamang kay Ruben saka siya sinagot.

" mga five minutes na ako dito, tara na at baka malate pa tayo sa dinner natin kasama sila mama"

"Mauna na kami, see you bukas" paalam niya sa mga kaibigan at pumasok sa sasakyan ni Miguel. Wala silang imikan sa loob ng sasakyan ni ang tingnan si Miguel ay ayaw niya, ngayon lang sila ulit nagkita pagkatapos ng kanilang kasal.

" gusto rin kitang makausap" panimula ni Miguel. Tumingin siya dito saglit habang naghihintay sa sasabihin nito.

" gustong maghiwalay tayo pagnatapos ka ng mag aral, gusto kong pagdating ng araw na yun ay sasabihin natin sa parents ko na maghihiwalay na tayo."

Hindi niya alam ang sasabihin, pareho silang hindi naniniwala sa kasal nila.

" oo, papayag ako, alam kung galit ka sa akin dahil sa sitwasyon pero huwag kang mag alala dahil tutupad ako sa hiling mo" sagot niya, bagama't mabigat ang kanyang dibdib na hindi niya maintindihan.

"Good, don't expect anything from me, you are my wife in front of my Parents at hanggang dun lang yun, sana ay walang makakaalam sa usapan nating ito."

" makakaasa ka". Sabi niya dito. Kinakalma ang sarili. At hindi na sila nagusap pa.

Tuwang tuwa si Helena pagkakita sa kanya. Mahigpit ang yakap nito at masaya din siyang sinalubong ni Theodoro, parang siya ang tunay na anak at hindi si Miguel. Kumain sila ng tahimik dahil di siya komportable kay Miguel.

"Sinabi na ba sayo ni Miguel ang good news?" Masayang sabi ni Helena sa kanya.

" hindi po mama." Sagot niyang nagiisip at medyo napatingin kay Miguel.

"Itutuloy ni Miguel ang pag aaral niya dito sa Pilipinas at sa school mo din siya mag aaral, mas magkakasama na kayo." Masayang balita nito.

Halos nasamid siya sa pagkain pagkarinig sa sinabi ni Helena, araw araw na silang magkikita ni Miguel sa University at hindi lang yun baka magkakasama pa sila sa bahay ng Guevarra Sana naman hindi, alam niyang hindi papayag si Miguel na magsama sila at siya din. Siguro dahil hindi siya attacted dito at ganon din ito sa kanya.

"Iha anong masasabi mo?, ok ka lang ba?" Tanong ni Theodoro sa kanya ng mapansin siguro na lumipad ang kanyang isip.

" opo papa, ok lang po ako." Mahinang sagot niya.

Nakatingin naman sa kanya si Miguel na parang naboboring sa usapan nila. Patingin tingin sa relo at sa cellphone nito. Napagsusapan din nila na gusto ni Miguel na tumira sila sa isang condo at hindi sa bahay ng Guevarra, gusto daw nitong bumukod sila. Naiayos na din pala ni Miguel kung saan sila titira at nakalipat na din ito. Siya na lamang ang maglilipat ng ibang gamit. Pakiramdam niya ay mas lalo siyang hindi makakahinga pagkasama si Miguel. Nagpagaan lamang ng loob niya ang balitang si Clyde ay nakikitulong sa pagpapatakbo ng hasyenda at masipag mag aral ganon din na maayos ang kalagayan ng kanyang itay.

Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam ang matatanda para umuwi na at Naiwan sila ni Miguel sa harap ng restaurant. Naglakad si Miguel papunta sa sasakayan nito at sumusunod siya sa likod. Alanganin siyang sumakay sa sasakyan pero wala siyang choice. Kung pwede lamang siyang tumakbo ay tatakbo siya palayo kay Miguel. Buti at dalawang kwarto ang condo, kwarto niya at kwarto ni Miguel. Laking ginhawa niya na hindi sila sa iisang kwarto. Akala niya ay malaya siya dahil nasa America si Miguel pero ngayon ay nasa Pilipinas pa ito at magsasama pa sila sa isang bahay. Paano na sila?

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon