Chapter 3

325 5 1
                                    

Kinakabahan si Carla dahil darating daw sa Pilipinas si Miguel, yun ang balitang pinarating ni mam Helena sa kanila kaninang umaga, di niya alam kung kelan sila magkikita ni Miguel pero ihahanda niya ang sarili sa araw na yun. Hindi niya alam kung anong klaseng tao ito, mabait ba o arogante. Mga tanong sa kanyang isip.

Pagtinitingnan niya ang kalagayan ng kanyang itay at kapatid ay sobrang nanlulumo siya, ni pagkain sa araw araw ay wala sila, puno na sila ng utang at ang mga kamag anak na malayo ay walang wala din. Namatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanyang kapatid. Meztizo ang kanyang itay at pilipinang puro ang kanyang inay. Kaya namana nilang magkapatid ang itsura ng kanilang itay. Ang kanyang itay ay iniwan ng sariling ina sa bahay ampunan. Kaya pinilit ng kanyang itay na mabuhay magisa at nakilala ang kanyang nanay. Napadpad sila dito sa probinsiya ng San Martin dahil ito ang probinsiya ng kanyang inay.

Mabait ang kanilang magulang at pilit nagsumikap para sa kanilang magkapatid, laking tuwa nila noon ng matanggap ang kanyang itay bilang driver sa hasyenda. Madalang silang makapasok o makita ang malaking bahay dahil ayaw ng kanyang tatay, katwiran nito ay dahil mayayaman ang mga tao doon at baka alipustain sila. Ang don noon ay mapagbigay sa kanyang ama kaya malaking tulong sa kanila ang mga bigay nitong bigas at pagkain pero dahil sa away ng lupa ay pinagtangkaan patayin ang don habang nasa biyahe sila kasama ang kanyang itay. Ang kanyang itay ang sumalo sa bala at natamaan ang balakang nito. Sinagot lahat ng don ang gastusin at kahit lumabas ang kanyang itay sa hospital ay patuloy ang tulong ng don. Panay ang padala nito ng pagkain at pera na ginagamit nilang kapatid sa eskwelehan pero ng tumagal ay hindi na makapaglakad ang kanyang itay at pabalik balik sa hospital.

Minsan habang nasa hospital at nagbabantay siya ay dumating ang don para kumustahin ang kanyang itay saka tinitigan siya ng matagal saka ito nagpaalam. Mabait ang don sa kanila hanggang sa namatay ito.

Ngayon ay gusto ng don na pakasalan niya ang unang apo nito. Wala sa isip niya ng kasal, makaahon sa hirap ang nasa isip niya at makapag aral sila ng kanyang kapatid, kaya kung papayag si Miguel ay titiisin niya mag asawa ng maaga basta matulungan niya ang kapatid at itay. Hindi naman siguro siya sasaktan ni Miguel. Ano kaya ang itsura nito? gwapo din kaya ito gaya ni Ruben o pangit kaya gustong ipakasal ng don sa kanya. Dahil sa mayayaman hindi mahirap ang magmahal.

Mapula ang balat, magaspang ang mga kamay at paa dahil sa bukid nagtratrabaho, alon alon ang kanyang buhok na parting nakatali, maputi siya ngunit dahil sa sinag ng init araw araw ay mapula na ang kanyang balat. Katamtaman lamang ang kanyang height, five three siguro at maamo ang kanyang mukha. Nung highschool siya ay marami ring nagkakagusto sa kanya pero dahil sa mga bata pa ay wala siyang balak magkaboyfriend. Si Ruben at Elisa lamang ang kaibigan niyang hindi nakalimot. Kung may mga oras ito ay dinadalaw siya at tinutulungan. Si Ruben at Elisa ay nag aaral at sa Manila na nakatira. Madalang sa isang buwan sila magkita. At minsan ay iniiwasan niya na ang mga ito, bukod sa halos luma na ang kanyang mga damit ay di na rin niya maintindihan ang usapang eskwelehan. Iniiyak niya na lamang sa gabi ang sitwasyon nila.

Sa araw araw na dumarating ay pagasikaso lamang sa kanilang itay at makain ang ginagawa nila araw araw. May maliit silang hardin na pilit tinatamnan para tulong sa pagkain nila.

Itong pagkakataon na lamang ang pwede niyang magamit para makaahon. Mas maganda na kesa magbenta ng katawan sa bayan. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao pero hindi niya pababayaan ang kanyang pamilya.

Lumipas pa ang isang linggo at dumalaw ulit ang isang tagapagsilbi sa malaking bahay. Si aling Linda.
May dala ulit itong mga pagkain at konting gamot para sa kanyang itay, pinaupo niya ito sa kanilang upuan saka ito nagsalita pagkatapos uminom ng tubig.

"Ineng maghanda ka daw bukas sabi ni mam Helena at darating si Miguel, saka ineng.." sabi nitong halatang may pag alala.

"Ano po yun?" Tanong niya.

"May isusuot ka ba?, kahit malinis man lang na bestida at sandal." Sabi nitong nag aalangan.

"Wala ho eh, pero hihiram po ako sa kaibigan ko." Sabi niyang nahihiya, malinis ang kanyang damit kaso dahil luma ay mukhang madumi.

" sabi ni mam Helena pwede kitang samahang mamili ngayon o bukas ng umaga."

"Naku, huwag ho kayong magalala, gagawan ko po ng paraan. " sabi niya. Kahit wala siya talagang maisip na paraan. Bahala na pero tatanggap lang siya ng pera sa kanila kung maayos na ang usapan.

"Mabuti kung ganon, o siya bukas ng alas singko sa malaking bahay, susunduin ka ni Carlos at medyo malayo layo din ang lakad kung maglalakad ka."

"Opo." Sagot niya.

Umalis si Aling Linda at naiwan namang siyang nagaalala. Saan naman siya kukuha ng damit na malinis at presentable man lang. Parang siyang pagod na napaupo.

"Anak, gusto mo bang tingnan ung baol ng nanay mo sa ilalim ng bahay, baka may kasya pa sayo doon."

" oo nga tay, kahit luma basta malinis, ok na yun." Sabi niya dito.

"Eh desidido ka ba talaga sa plano mo, bata ka pa anak."

"Naku tay, mas maganda nga na magasawa ng maaga, saka mas mabuting sa isang Miguel na ako mapunta kesa kung sino pa diyan."

"Paano si Ruben?"

" tay, kaibigan ko si Ruben."

" eh mukhang may gusto sa iyo."

" tay, panahon na para maging praktikal, mas maganda ng sa isang Miguel ako magpapakasal at higit sa lahat eh malapit pa rin ako sa inyo, magiging kaibigan ko lamang si Ruben."

"Salamat nak, alam kung malaking sakripisyo ito sayo at sana eh tama ang desisyon mo."paalala ng kanyang ama.

Ngumiti siya saka niyakap ang kanyang itay si Clyde ay nasa labas at nag aayos pa rin ng pananim. Pumunta naman siya sa ilalim ng bahay nila at binuksan ang lumang baol ng kanilang nanay, nakahanap siya ng bestida na bulaklakin bagamat luma ang tabas ay ok na sa kanya, agad niyang nilabhan para matuyo para bukas. Magtsitsinelas na lamang siya bukas. Wala talaga siyang sapatos.

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon