Chapter 10

307 8 1
                                    

Kinabukasan ay agad siyang pumunta sa school. Pinilit niya na lamang magfocus sa klase kahit paminsan minsan ay sumasagi sa utak niya si Miguel. Ang sitwasyon nila.

"Tahimik mo diyan?" Pansin ni Elisa sa kanya.

"Hah? Ano ba yun?" Tanong niyang parang nahimasmasan sa klase.

" sabi ni Sir may aquaintance party daw tayo after two weeks, ginagawa daw yun pagkatapos ng finals." Kwento nito sa kanya.

" ganon ba, first time kung aattend ng school party, pati nung nasa San Martin tayo eh di ako nakapunta sa graduation natin."

" oo nga, hinintay ka namin ni Ruben eh di ka naman sumipot, pwede ka naman humiram sa akin ng damit noon, pero ngayon ako ang hihiram damit sayo." Sabi nitong pabiro.

"Oo ba, pili ka sa condo pagmalapit na yung event, ipapaalam ko kay Miguel na pupunta kayo ni Ruben sa condo, di naman siguro magagalit yun."

" sige, gusto ko yan ng makita naman namin kung saan ang bahay niyo. Fo sure eh magandang condo yan. Sa amin ni Ruben eh sa dorm lang kami, tapos di ko pa kaclose mga karoom ko." Sumbong nito.

" ok lang yan" nasabi na lamang niya, kung pwde niya lamang sabihin na, kahit nakatira siya sa magandang condo pero kasama niya naman si Miguel ay di siya komportable lalo ngayon at mas lumalala ang hindi nila pinagkakaintindihan.

" Ruben, ano sabay na ba tayo sa pagpunta sa party? O may kadate ka?" Tanong naman ni Elisa kay Ruben.

" sabay tayong tatlo, susunduin kita saka natin susunduin si Carla, ok ba yun?" Tanong naman ni Ruben sa kanila.

" tama, sabay tayong tatlo, darating ba si Mr. M?, Yun nalang itawag ko sa kanya para di halata."

" di ko alam at kung darating man eh baka di rin kami sabay,  basta magkakasama tayo. " sabi niya sa mga ito.

May mga ilan ilan din siyang kaklase na nagyaya para maging date niya pero tumanggi siya agad, panay naman ang inggit ni Elisa pagmay nagyaya sa kanya bilang date nila. Kulang nalang ay ito ang sumagot sa mga ito. Tumatawa na lamang siya sa asal nito.

" nandito naman ako eh bakit ikaw pa ang niyaya, kakaiinis sila." Sabi nitong nagpapatawa.

" maligo ka kasi ng may pumansin sayo." Asar ni Ruben kay Elisa.

" naliligo ako araw araw, minsan nga dalawang beses pa, saka ikaw? Bakit wala ka man lang iniinvite na kadate?" Balik tanong nito kay Ruben.

" dalawa na kayong kadate ko, ok na yun, di ko kaya pag tatlo." biro nito.

" sabihin mo eh di ka talaga marunong maginvite ng babae, sa tagal nating magkasama eh ni wala akong nakitang kasama mo o sinabi mo na crush man lang."

" akala mo lang yun, quiet ka na at baka marinig ka pa mg prof natin." Pag iba nito sa usapan at tawanan na lamang sila.

Natapos ang klase na bukangbibig ni Elisa ang party na magaganap, siya naman ay excited din. Ano kayang isusuot niya? Lumipas nga ang araw na tahimik dahil bumabati lang sila ni Miguel sa isa't isa pagumuuwi si Miguel sa condo, hindi nag uusap at madalas nag iiwasan.

A day before the party ay tinawagan niya si Miguel para magpaalam, hindi niya alam kung dadalo si Miguel basta siya ay pupunta kasama ang kanyang mga kaibigan. Bigla naman itong sumagot.

" yes Carla? Nasa meeting ako ngayon, what do you need?" Malumanay na sagot nito.

"Pwede bang si Elisa at si Ruben eh dadalaw condo?, may party ang school bukas at gustong humiram ni Elisa ng damit sa akin." Paliwanag niya dito.

Matagal bago ito sumagot.. "what time?"

" after school mga six siguro eh nasa condo na kami."

" ok, I will try to go home early" sagot nito.

" naku hindi na,nagpapaalam lang naman ako sa pagdalaw nila."

"  but still I will come home. You can call manang to prepare food bago siya pupunta sa mansyon, bye." Sabi nito at binaba na ang tawag.

Tiningnan niya ang kanyang telepono, binaba na ni Miguel. uuwi pa ito, di parang may bantay din siya. Hay ano ba yan. Nang yayain niya nag sumakay sa taxi si Elisa at Ruben ay tumanggi si Ruben, may lalakarin daw ito. Di na nila pinilit.
Tuwang tuwa na sumama sa kanya si Elisa.

Hindi makakailang may asawa siya, kaya inaamin niya sa sarili na nag-iba na si Ruben mula noon. Sa buong biyahe nila papunta sa condo ay di panay ang daldal ni Elisa, pagkakita sa condominium building nila ay halos malula ito sa ganda. Lalo itong namangha sa ganda ng loob ng condo nila, sa malaking sofa na nasa sala at malalaking salamin na nakikita ang mga puno sa labas, ganon din ang modern kitchen nila.

"Wow, ang ganda ng condo niyo, paano pa kaya kung sa mansyon ng Guevarra ka nakatira, hamak na mas magara." Puri ni Elisa sa kanya. Iniba niya na lamang ang usapan.

Sa dami ng damit na sinukat ni Elisa ay halos hindi ito makapili kung anong hihiramin, siya naman ay nagsukat na din pero dahil di rin siya sigurado kung anong kanyang isusuot,panay ang jokes nila sa isa't isa at tawa na lamang sila ng tawa sa living room ng bumukas ang pinto.

Si Miguel wearing a polo and a jeans, hawak nito ang sariling laptop at malaking paper bag na nilagay sa gilid. Si Miguel ang unang nagsalita ng parehong nakatingin lamang sila ni Elisa dito.

" did I scare you both?" Sabi nitong ngumiti.

" hindi naman, si Elisa pala, remember her?"sabi niya dito.

"Yes, I do, just continue what are you doing." Sabi nito saka pumunta sa sariling kwarto.

" yummy talaga mg asawa mo, hayy, bes gabi gabi ba?" Pilyang tanong ni Elisa sa kanya.

" pwede ba, sinabi ko na sayo diba, Papel lang kami kasal."

"Kaya bes? Mukhang lahat na yata natikman mo na."

"Tumigil ka, baka marinig ka nun." Saway niya dahil sa kakulitan nito.

At nagtuloy silang namimili ng damit hanggang nakapili si Elisa, nilagay nila ang gown na pinili nito sa isang paper bag saka naman niya kinuha ang ibang damit pabalik sa kwarto.

Nang lumabas siya ay nakaupo si Miguel sa sofa at nakikipagbiruan kay Elisa, hindi niya alam kung matutuwa ba sa nangyayari, kadaldalan palang ni Elisa baka ano na ang nasabi nito. Di niya alam kung saan siya uupo, sa tabi pa ni Elisa? O ni Miguel? Pinili niyang umupo sa tabi ni Elisa. Niyaya niyang kumain si Elisa bago ito umuwi at nakisabay naman si Miguel sa kanila.

Hinatid niya si Elisa hanggang makasakay ito ng taxi saka siya umakyat sa condo. Pagbukas niya ng pintuan ay nakapatong sa center table ang malaking paper bag, si Miguel ay naghahanda ng kape ng makita siya.

" bigay ni mama, when I told her na may aquintance party sa school eh agad niyang pinapick up ang gown na yan kanina."

" sabi ko naman sa kanya na marami akong dress nung tumawag siya." Pagdadahilan niya at baka iniisip ni Miguel na nagpabili siya sa mama nito.

" you know mama, she has a big heart. Too big na nabubulag na siya." Pasaring nito.

Naiinis man siya ay painakalma niya na lamang ang sarili.

" tatawagan ko si mama para ibalik yan."

" try to call her mas iisipin niyang hindi mo nagustuhan." Kibit balikat nito at saka siya iniwan.

Inis man siya ay tiningnan niya ang gown sa loob ng paper bag at kinuha, black ang kulay at soft ang tela, backless pero hindi gaanong mababa kaya hindi kita ang buo niyang likod. May kasama din itong black high heels saka may gift tickets from spa at salon. Tiningnan niya ng matagal ang gown saka niya tinawagan si Helena,nagpasalamt siya dito   hindi niya masabi ang mga dapat niyang sabihin dahil sa hiya saka nagpaalam.

Tinawagan niya agad si Elisa para samahan siya sa spa at sa salon, kinaumagahan ay pumunta sila agad sa spa at sa salon, kumain sa isang fastfood chain saka umuwi. Kinalimutan na lamang ang pang iinis ni Miguel sa kanya dahil mamaya na ang party.

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon