Chapter 26

337 10 1
                                    

Pagbalik nila sa hasyenda ay agad siyang nagpahinga at agad naman binuksan ni Miguel ang laptop nito, ipinagpatuloy ang trabaho. Nagising lamang siya ng biglang dumating si Elisa ng walang pasabi.

Agad siyang nag ayos para harapin ito. " Elisa may problema ba?" Tanong niya agad dito.

" si Ruben nagwawala sa bayan, di ko alam anong nangyayari sa kanya kaya ayun, iniwan ko dahil kakalma lang daw siya pag ikaw ang makakausap niya."

" saan mo siya iniwan? Baka anong gawin nun" nag aalala siya kahit galit pa rin siya kay Ruben sa ginawa nito sa kanya sa burol.

" Iniwan ko sa isang maliit na inuman sa bayan, di ko makumbinse kaya sana kung may oras ka eh puntahan natin para umuwi siya." Pakiusap nito.

Pumikit siya ng mariin, kaibigan niya pa rin si Ruben pero ayaw niyang mag away ulit sila ni Miguel. Pero bahala na. Kaya agad siyang sumama kay Elisa, nagpaalam na lamang siya sa mga kasambahay at agad silang pumara ng tricycle ni Elisa paglabas sa hasyenda. Di na siya nagpahatid dahil sanay naman siyang sumakay sa pampublikong sasakyan. Nagalala din siyang baka mapano si Ruben at mapasama ito.

Miguel's POV
Abot tanaw niya ang pag alis ni Elisa at Carla, gusto niyang sundin ang mga ito pero nagtatalo ang isip niya, does he loves her wife? Why he's so angry tuwing iniisip niya na mahal ni Carla si Ruben, he planned the trip going to Boracay with Carla kahit hindi naman kelangang isama si Carla, he can't get enough of Carla. Now, he's pissed off again na magkikita sila ni Ruben, pinatay niya ang kanyang laptop at napayuko sabay hawak sa noo, sumasakit ang ulo niya at hindi niya alam ang gagawin, napaisip siya kung susundan ba ang mga ito. Narinig niya ang pakay ni Elisa. He wants Carla will tell him, ask him and He wants to be always with Carla but this time he thinks he needs to confront them kaya nagdesisyon siyang sundan sila Carla sa bayan, he wants to know everything.

He's so happy na nagkakaintindihan na sila pero ngayon napapaisip siya kaya agad niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at lumabas ng bahay. Pinaandar niya ang sasakyan ng mabilis para sakaling maabutan sila Carla at mahanap sila agad. He's not thinking straight anymore.

Nakita ni Carla at Elisa si Ruben na lasing na lasing sa gilid ng isang bar, agad nilang nilapitan ito at inalalayan para umuwi na.

" alam kung darating ka Carla, alam kung hindi mo ako matitiis" lasing na sabi ni Ruben sa kanya.

" ihahatid ka namin Ruben para magpahinga, lasing na lasing ka." Sabi niya dito.

Balak nilang isakay si Ruben sa tricycle pero tumanggi ito, mapilit itong gustong gamitin ang lumang sasakyan. Kahit anong paliwanag nila ni Elisa ay hindi nakikinig si Ruben, pumasok ito sa sariling sasakyan. Wala silang balak sumakay sa sasakyan nito pero nag aalala din sila. Napilitang sumakay si Elisa sa passenger seat at sumakay naman siya sa likod. Alam niyang alam kaunti ni Elisa ang magdrive kaya pwede niyang alalayan si Ruben.

Ibang iba ang kilos ni Ruben, kakaibang tumingin at ayaw paawat. Nang paandarin nito ang sasakyan ay kabadong kabado sila ni Elisa, panay ang sabi ni Elisa na ito na lamang ang magdrive pero hindi nakikinig si Ruben. Nang malayo na sila sa bayan ay maayos naman ang pagpatakbo ng sasakyan ni Ruben. Pero mukhang hindi pauwi sa bahay nila si Ruben kaya nagtanong si Elisa.

" saan ka pupunta? Hindi ito ang daan papunta sa inyo." Tanong niya kay Ruben.

" Ibaba kita sa malapit na pwedeng pagsakyan ng tricycle, kami lang ni Carla ang may pupuntahan." Sabi ni Ruben.

" ano bang pinagsasabi mo? Umuwi ka na ng makapagpahinga ka." Sagot ni Elisa.

Binuksan ni Ruben ang  compartment ng sasakyan, baril ang kinuha nito.

Kinabahan sila ni Elisa, bakit may baril si Ruben. " paghindi ka susunod sa sinasabi ko, ikaw ang uunahin ko Elisa,pakialamera ka eh!" Galit na sabi nito.

" ano bang nangyayari sayo Ruben? Ibaba mo nga yan, huwag kang magbiro ng ganyan." Takot na sabi ni Elisa.

" alam mo masyado kang madaldal, di kami tuloy makapagsolo ng maayos ni Carla, at ikaw naman Carla, puro ka pa pakipot dahil ba nag asawa ka ng mayaman kaya hindi mo na ako pinapansin? " baling ni Ruben sa kanya.

" Ruben pag usapan natin ito ng maayos, itabi mo ang sasakyan para makapagusap tayo" kalmadong sagot ni Carla kahit hindi niya alam ang gagawin nila ni Elisa, ibang Ruben ang nakikita nila ngayon. Biglang wala ang kalasingan pero alam nilang hindi ito nasa matinong pagiisip.

" mamatay tayong tatlo kung hindi kayo susunod sa akin!" Banta nito sa kanila.

Tumahimik sila ni Elisa, nagiisip sila ng gagawin, mabilis ang pagpapatakbo ni Ruben sa sasakyan at may hawak pa itong baril, takot sila pareho na baka totohanin nito ang mga banta at dahil tutuk sila kay Ruben ay hindi nila pansin na nakasunod ang sasakyan ni Miguel.

Miguel's POV
Nakita niya kung paano tulungan ng magkaibigan si Ruben na ilabas sa bar at kahit gustong gusto niyang lumabas sa sasakyan para pauwiin si Carla ay pinabayaan niya muna ang mga ito na nag uusap sa gilid ng kalsada, hanggang biglang pumasok si Ruben sa sariling sasakyan at sumakay naman ang magkaibigan.

Sinundan niya ang mga ito dahil baka mapano ang mga ito kung si Ruben ang magdadrive hanggang napansin  niyang palabas sa bayan ang sasakyan  ni Ruben, hindi siguro pansin ng mga ito na sumusunod siya sa kanila.

Pero ng mapansin niyang parang masyado ng mabilis ang pagpapatakbo ni Ruben ay sinabayan niya ang sasakyan ni Ruben at buti na lamang walang masyadong dumadaan na sasakyan, laking gulat niyang may hawak si Ruben na baril, nasa likod ng sasakyan ang kanyang asawa. Mukhang masama na ang nangyayari. Nasabayan niya ang sasakyan ni Ruben at nagulat ito ng magtama ang kanilang paningin saka mas lalong pinabilis ang pagpapatakbo ng sasakyan pero hindi nito magawa dahil hamak na mas mabilis ang sasakyan ni Miguel. Habang nagdadrive si Miguel ay tumawag na siya ng pulis, baka mapano si Carla.

Naghabulan ang dalawang sasakyan sa kalsada, panay ang pakiusap nila kay Ruben na itigil ang sasakyan pero walang naririnig ito. Halos nasa kabilang bayan na sila sa layo ng paghabulan ng dalawang sasakyan saka naman nila naririnig ang mga sasakyan ng pulis na humahabol na rin sa kanila. May mga sasakyan na silang nasasalubong kaya napapamura si Ruben sa pagdrive, mas lalo itong nagalit at tumingin kay Carla sa likod, nang makita na niyang wala na siyang lusot dahil nasa tabing kalsada ang sasakyan ni Miguel at may pulis sa likod at harap nila ay diniretso nito ang sasakyan sa may palayan , binuksan ni Carla at Elisa ang pinto ng sasakyan pero nagpaputok ng baril si Ruben.

Takot na takot ang dalawa kaya napatigil sila sa pagtakas, si Miguel ay halos di alam ang gagawin dahil hindi nila pwedeng lapitan si Ruben, baka mabaril niya si Carla.

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon