Chapter 16

319 10 2
                                    

Paglabas niya ng kwarto ay naririnig niyang may kausap si Aling Linda, nandito pa rin ba si Miguel? Naglakad siyang dahan dahan ng mapansin siya ni Aling Linda.

" ineng, gising ka na pala, sabay na kayo ng asawa mong kumain. " yaya nito.

Umupo naman siya tabi ni Miguel, nakapoloshirt si Miguel na kulay itim at kahki pants, samantalang siya ay sleeveless shirt na white at skinny jeans. Kumuha siya ng plato at magsimulang kumuha ng pagkain.

" pupunta din ako sa school ng maaga ngayon, we can go together. " sabi nitong mahinahon sa kanya.

" huwag na, may dadaanan pa ako sa convenient store diyan sa tapat, mauna ka nalang." Pagdadahilan niya.

" then punta tayong dalawa para bilhin ang kelangan mo, sasabay at sasabay ako sayo." Sabi nitong determinado.

" ahhh.. cge." Alangan niyang sagot dito, tatanungin niya na lamang sa sasakyan at bakit gusto nitong magsabay sila baka malaman pa ni aling Linda ang set-up nila pag ipipilit niya ang gusto.

Pero di nila alam na napapangiti naman si aling Linda habang tinitingan silang dalawa saka sila sabay lumabas sa condo. Nang nasa elevator na sila saka siya nagtanong.

" ok lang bang may makakita sa atin na magkasama? Lalo na sa school?" Tanong niya dito habang nasa sasakyan sila.

" we can't hide our marriage forever, may friends know I have a wife."

"Alam ba nilang ako yun? ayaw ko lang magalit ang girlfriend mo." Mahinang sabi niya dito.

Tumawa muna ito saka nagsalita. "So mas iinisip mo pa ang girlfriend ko?"

" oo naman, ayaw kung mag away kayo dahil sa akin, mahirap sa inyong dalawa na asawa mo ako."

" huwag na nating pagusapan ang ibang tao dito."

"Sorry." Sabi niya na lamang at saka sila pumunta sa sasakyan ni Miguel. Pagdating sa University ay agad siyang nagpaalam dito at lumabas sa sasakyan. May ibang student na patingin tingin sa kanila pero dumiretso lamang siya sa kanyang classroom. Si Miguel naman ay pumunta na din sa sariling klase. Pailing iling na lamang si Miguel sa pagmamadali ni Carla. Ewan niya kung bakit natutuwa siyang asarin si Carla after that night.

Walang malisya kung magkasama sila dahil kasal sila. Yet ni isa sa kanila ay hindi nagsusout ng kanilang wedding ring. Iniisip naman ni Carla yung sinabi ni Miguel. Sanay itong kasama siya, bakit nasisiyahan siya?

Di tuloy siya makapagconcentrate sa klase. Malapit na na ang last day na ng klase nila kaya makakauwi na siya sa probinsiya. Makikita niya ulit ang kanyang itay at si Clyde, usapan nilang magkakasabay umuwi sa probinsiya at busy si Miguel sa negosyo.

Miguel's POV

So Carla is still thinking of Pat, wala pa itong ideya na wala na sila.

He still remembers it how did he end their relationship. Pagbalik niya sa Amerika noon at halos tuwang tuwa si Pat na salubungin siya sa Airport, eto pa ang nagdrive ng sasakyan at pagdating sa flat nila ay agad siyang hinalikan ni Pat.

" I miss you so much" bulong nito. He knows Pat wants more pero siya na ang umiwas.

" tired? I can massage you" lambing nito.

They are both sitting in the couch, he hugs Pat tightly dahil hindi niya alam kung paano sasabihin dito na he got married already. Hindi niya pwedeng paghintayin si Pat yet ayaw niyang masaktan ito.

" you're acting weird? May problema ba? Anong sabi ng parents mo?" Sunod sunod na tanong nito sa kanya. He looks at her with a serious face.

" Pat I do love you, I can see my future with you.. and"

Pat starts to cry parang nabasa na nito ang gusto niyang sabihin.. " tell me? Pumayag ka ba sa hiling ng parents mo? Are you? Don't tell me you're married?"

" I'm married and I'm very very sorry." Mabigat niyang sabi dito. Expecting na sasaktan siya ni Pat pero Pat cries becomes louder at tumayo lumayo sa kanya.

" Pat I did my best to tell them I love you."

" pero buhay mo yan Miguel, paano na tayo? I love you so much Miguel, paano na tayo? Ganon na lang ba?" Hindi siya makasagot agad kaya ito biglang tumakbo sa pintuan at umalis sa flat nila. Hindi na niya ito pa hinabol for her to think. Siya mismo that time ay gulong gulo. At kahit siya mismo ay kelangan ring mag isip, Pat didn't come back to
Their flat that night, tinwagan niya ito pero naka off, he called some of their friends saka niya nalaman na nasa club si Pat kasama ang ibang friends nila, gusto man niyang puntahan ito pero baka lalong magwala si Pat. He just sitdown by himself in their flat saka kinuha ang singsing na sana ibibigay kay Pat. Tiningnan niya ito ng matagal saka tinago ulit, can he still give this ring? Maipapangako niya ba kay Pat na may future pa sila? Questions na hindi na niya masagot.

But still naghiwalay sila ni Pat ng maayos at ngayon ay magkaibigan na sila. Nakaupo lamang siya sa couch ng magring ang kanyang cellphone. His brother Ralph is calling.

" bukas na ang dating ko, we can have dinner, I'm dying to see your stunning wife." Sabi ni Ralph sa kanya.

" where did you see Carla's picture?"

" mom sent me some pics from your wedding, she so young." Komento nito.

"Lumalabas na naman ang pagiging babaero mo!, ready na ang condo, pinalinis ko na din, what time is the dinner bukas?"

" around six in the evening, maliligo muna ako then I will meet the two of you, Sabihin ko nalang sayo where, I miss Philippines at the same time I want to enjoy." Sabi nito.

"Sabihin mo you want women" asar niya dito.

" well, I will be single forever and women is part of my enjoyment. "

"Puro ka kalokohan, tawagan mo ako bukas pag nasa airport ka na at ipapasundo kita saka ka namin imemeet ni Carla." Sabi niya saka niya binaba ang cellphone.

Loko loko pa ang kanyang kapatid, di niya alam kung kelan ito titino, he will call Carla later para sa dinner nila bukas kasama si Ralph. Saka niya pinagpatuloy ang trabaho.

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon