Chapter 9

331 7 1
                                    

Wala siyang problema kung uuwi man o hindi si Miguel, maliwanag ang usapan nila na walang silang pakialam sa isa't isa. Kahit na ilang beses niya na itong nakikita sa University ay patay malisya lamang ito at ganon din siya.

Sanay na siyang madalas mag isa sa condo at sinasanay niya ang sarili niya ganon ang set up nila. Pero minsang umuwi siya ay nadatnan niya si Miguel na may gingagawa sa sariling laptop sa sofa. Di niya alam kung kakausapin ba ito o hindi pero dahil tumingin ito sa kanya ay nagsalita na lamang siya.

" kumain ka na ba?" Tanong nito sa kanya, lumingon lamang ito sa kanya saka pinagpatuloy ang ginagawa.

" hindi pa, kakain ka ba?" Balik tanong niya dito.

" no, I had a dinner with a friend outside, you can eat, manang cooked food before she left" Sabi nitong di nakatingin sa kanya.

"Ah ok, sige kakain na ako." Sabi niya dito saka binaba ang mga gamit sa dresser malapit sa pintuan at nagsimulang kumain. Nagyayang kumain sa labas si Ruben kanina pero tinanggihan niya dahil may exam siya bukas at kelangan niyang mgreview. Kumakain siyang tahimik habang si Miguel ay patingin tingin sa kanya.

Binaba ni Miguel ang laptop sa sofa saka lumapit sa dining table kung saan siya kumakain. Nakikiramdam lamang siya ng palapit ito sa kanya.

" hiniling nila papa na magbakasyon tayo sa hasyenda pagtapos ng semester pero marami akong gagawin kaya ikaw na lamang ang umuwi, naiintindihan nila papa kung hindi ako makakasama" paliwanag nito sa kanya.

"Ok" sagot niya saka nagpatuloy kumain.

Mabuti nga ng ganon na hindi sila magkasama, baka uuwi din sila Ruben at Elisa eh di sabay sabay na sila. Yun ang nasa isip niya. Excited din siyang makita ang kanyang itay at kapatid. Lumipas pa ang araw na halos madalang silang magusap at magkita ni Miguel.

Minsan nakita niya ito sa University may kasamang babae, girlfriend nito siguro, di niya alam pero they look together, fashionista ang babae sa itsura nito, the girl is wearing a black mini dress paired with black heels, samatalang si Miguel ay makasuot ng jeans and a normal white shirt at dahil nakayuko siya sa tabi ng hallway ay hindi siya napansin ng mga ito. Bakit pakiramdam niya ay sumisikip ang mundo pag nasa tabi niya si Miguel?, bakit parang masakit sa pakiramdam niya na may kasama itong iba? Ano kaya kung sa bayan nalang siya magaaral? Umuwi siya sa Probinsiya kahit magtatagal na ang kanyang pagaaral, Para di sila magkasama ni Miguel baka mas matutuwa pa ito.

Buong araw ay nasa isip niya ang plano kung lilipat siya ng eskwelahan, babalik siya sa probinsiya. Pero tama kaya o hindi?, bahala na, susubukan niyang sabihin kay Miguel.

Kinagabihan ay nagsend siya ng message kay Miguel kung pwede ba silang magusap. Pero hindi ito nagreply. Maghihintay siya konti sa sofa baka darating ito pero nakatulog na yata siya ay hindi ito dumating. Nagising na lamang siya sa liwanag ng ilaw at pakiramdam niya ay nakalutang siya.

Minulat niya ang mata at nagulat siyang buhat buhat siya ni Miguel papunta sa sarili niyang kwarto, agad siyang gumalaw at balak bumaba pero nagtama ang tingin nila ni Miguel.

" can you keep still?, why are you sleeping in the sofa? You're almost falling when I saw you." Sabi nito.

"Ibaba mo ako, kaya kung maglakad." Sabi niya pero parang wala itong narinig at tuloy tuloy sa paglalakad hanggang makarating sila sa kanyang kwarto at binaba siya sa kama.

" it's almost twelve at night, ano bang importanteng sasabihin mo?"

" ahh..kung pwe.." super siyang kabado dahil ang lapit nila sa isa't isa at nakaupo ito sa kama niya,looking atbher straight at naghihintay talaga ng sa sasabihin niya.

" tell me? Ano ba yun?" Tanong nito impatiently.

" sa bayan nalang ako mag aaral sa susunod na semester kung pwede sana." Sabi niyang kabado.

" why? Is there something wrong?" Nagtatakang tanong nito.

" para mas malapit pa rin ako kay itay at kay Clyde kasi namimiss ko pa rin sila araw araw." Pagdadahilan niya.

"Kahit ok lang sa akin, I will not agree, you're my wife now, you wil stay where I am at ayokong may masabi sila mama ."

" ako na ang magsasabi sa kanila at promise di ako magsasalita tungkol sa set up natin." Sabi niya sabay angat ng isang kamay.

Umiling iling ito.. "no, we will stay here, you will just have a vacation then after that babalik ka dito." Sabi nitong paalis na.

" please? Ako na ang magdadahilan kay papa at mama sa gagawin ko." Sumbat na niya dito.

" still no, we will stay here together." Sabi nitong hindi interesado sa pinapakiusap niya. Saka tumayo at umalis.

Naiwan naman siyang naiinis sa pambabalewala ni Miguel sa gusto niya, hayy... ilang buwan pa matatapos na ang semester hanggang kelan sila magiiwasan ni Miguel sa school? Alam niyang busy si Miguel sa trabaho at sa masteral nito. Pero ayaw niya na sanang dumagdag pa. Susubukan niya ulit sabihin dito sa ibang pagkakataon. Sana ay pumayag ito.

Pinilit niya na lamang matulog, narinig niyang bumukas ulit ang pintuan, siguro ay umalis si Miguel, saan kaya ito pupunta?, naghihintay siguro ang girlfriend nito sa baba kayano sa bachelor pad nito? Bakit ba parati niyang iniisip si Miguel? Eh kung tutuusin eh wala namang pakialam si Miguel sa kanya.

Miguel's POV
Akala niya ay may emergency si Carla kaya pinilit niyang umuwi para makita ito, yun pala ay gusto nitong lumayo sa kanya. He feels weird na aalis si Carla? Pero diba dapat masaya siya dahil umiiwas na ito. Why he feels the other way around. Dapat masaya na siya dahil unti unti na itong lumalayo sa kanya.

Ayaw niya nang isipin pa si Carla kaya umalis siya sa condo nila at pumunta sa kanyang bachelor's pad, he needs to think. Sa dami ng ginagawa niya everyday ay halos wala na rin siyang oras sa sarili. Yet if Carla will leave it will be a burden to him. Pagdating sa bachelor's pad ay agad niyang inasikaso ang trabahong naghihintay sa kanya. Pero di mawaglit sa isip niya si Carla, she is now his responsibility maghihiwalay man sila in the future. He keeps on saying that to himself but still part of his mind he still believes in their marriage. And funny na hindi niya man lang iniisip si Pat.

Starts with a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon