Chapter 8

4 1 0
                                    

Jenica's POV

"Thank you Mr. Romualdez. I'm looking forward for more business works with you."

I was having a lunch meeting with Mr. King Romualdez today. Ang secretary ko na sanang si Hillary ang papupuntahin ko dahil ayaw kong iwanan si kent kaso marami din siyang ginagawa.

"You're welcome Ms. Anderson. Don't worry I want you're paintings in my shop. Sigurado akong mabenta ang mga paintings mo."

Si Mr. Romualdez ay isa ring binatang business man. Paintings and furnitures ang shop niya kaya naman laking pasalamat ko nang mag-offer siya para maging supplier ako ng paintings sa shop niya.

"Salamat ulit. I have to go Mr. Romualdez. Have a nice day."

Umalis na ako kaagad at dumiretso sa bahay. Umabot ang isang oras ang traffic dahil may nagkabanggaan sa bandang u-turn section. Kailangan ko nang makabalik sa ospital, baka magising na si kent. Gusto ko, pamulat ng mga mata niya, ako agad ang una niyang makikita. I just smiled at that thought.

"Hi mom!"

I greet mom and kiss her cheeks. Nandito pala si dad. Siya ang nagluluto ng ulam ngayon.

"Hello sweetie.. Kumusta na si kent?"

Alam na nila mommy at daddy ang nangyari kay kent. Nasabi ko na din kaya naman dadalaw sila sa ospital bukas.

"Hindi pa'din po siya nagigising. But the doctor said that he's already fine."

Naupo ako sa sofa at nakita kong lumabas si daddy galing kusina. Naka-apron at may hawak pang sandok.

"Tamang-tama! Dito kana magdinner anak. Niluto ko ang paborito niyo ni shaira. Chicken White Sauce."

Bigla kong naalala ang huling pagkikita namin ni shaira. Hindi ko maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi niya nung araw na iyon pero kahit ganun alam kong ako ang mali. Nagpadala ako sa emosyon ko nung mga panahon na yun. Namimiss ko na siya. I sighed.

Tumingin lang ako kay papa at tumango. Gustong-gusto ko nang makita si kent pero bago iyon, aayusin ko muna ang problema namin ni shaira.

Pumunta ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Pagkatapos ay tinawagan ang number ni shaira. Kinakahaban ako. Galit kaya siya? Nakatatlong ring muna bago niya sagutin. Napabuntong hininga muna ako.

"Oh ano? Natauhan ka na ba?"

Pagputol niya ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"I'm sorry shai.. Hindi ko dapat ginawa iyon. And besides, nakapagdecision na ako. I want to live my happy ever after with kent. Hindi na mahalaga sa akin ang nangyari noon o kung anuman ang mga nakita ko.. He is the only one that matter the most."

"Okay. Buti naman kung ganun."

"Galit ka?" Ang tipid kasi niya magsalita na hindi naman niya masyadong ginagawa.

"Huh? Hindi ah! Oh, sige na. Bye na,may client akong imi-meet ngayon. Tumawag na sa'kin si tita kanina para sa dinner mamaya dyan sa inyo. So mamaya na lang ako pupunta dyan! Bye!"

Bigla na'rin niyang pinatay after niyang sabihin ang mga iyon. I just sighed, siguro talagang marami siyang ginagawa.

Bumaba ako para makatulong sa paghahanda ng dinner mamaya. Gustung-gusto ko na talaga puntahan si kent sa ospital para makita siya pero wag muna, kailangan ko rin magkaroon ng oras sa pamilya at kaibigan ko. Napabuntong hininga na lang ako, kaninang umaga ko lang siya huling nakita pero miss na miss ko na siya. Gising na kaya siya?

"Jenica!"

Pumunta ko sa sala dahil narinig ko ang boses ni shaira, nakarating na pala siya. Nang makita niya ako agad siyang tumakbo at niyakap ako.

"Namiss kita. Oh ano? Okay kana?"

"Ako din. Okay na ako, sorry ah?" Ngumiti siya tsaka muling umupo sa upuan.

"Naku wala iyon!"

Umupo nadin ako dahil pumunta na sila mommy at daddy. Sabay-sabay kaming kumain ng dinner, habang nagk-kwentuhan at nagkakamustahan.

Pagkatapos naming kumain ay umalis na din si shaira, nagpaalam naman ako kila mommy at daddy na aalis ako dahil pupuntahan ko si kent umakyat muna ako sa kwarto ko at kinuha ang bag kong may laman ng ilang damit dahil doon ako sa ospital matutulog.

Mabilis akong bumaba at sumakay sa kotse saka pinasibad ito. This is it! Makikita ko na ulit siya. Sana magising siya. At pag gising sisiguraduhin kong matutuloy na ulit ang kasal naming dalawa na naudlot noon.

Malapit na'ko sa ospital nang may mapansin akong isang babaeng buntis sa may kalsada, mukhang hirap siyang maglakad. Hininto ko ang kotse sa tapat niya at binuksan ko ang bintana.

"Miss? Okay ka lang ba?"

Lumingon sa'kin yung babae at nagulat ako dahil si Kaye ang nakita ko.

"Jenica! Please! Help me, tulungan mo ako."

Natataranta ko siyang isinakay sa kotse at pumunta na agad ng ospital, pagkapasok namin ay agad naman siyang inasikaso at ipinunta sa labor room.

Matapos ang pangyayaring iyon at bigla akong kinabahan. Nabuhay lahat ng takot ko sa katawan. B-Buntis siya at nanganak na si kaye ngayon, h-hindi kaya si Kent ang ama ng baby niya? Napailing na lang ako. Hindi.. Hindi iyon mangyayari ang sabi ni kent hanggang ngayon ay mahal niya pa'rin ako, at ganun din ako sa kanya, hanggang ngayon mahal na mahal ko pa'din siya at hindi ko kakayanin ang makita siyang kasama ng ibang babae.

The Cold-hearted One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon