Chapter 2

26 1 0
                                    

Jenica's POV

"I want you to meet, Kaizer. The son of. your ninong Danny and ninang Salvia."

Nagulat ako ng makita ko ulit ang lalaking lumapit sa'kin sa tapat ng school. Anak pala siya ni ninong at ninang? Anong ginagawa niya dito?

Nagkatinginan kami at nagulat din siya pero unti-unting napalitan ng inis at pagkayamot ang mga tingin niya. Ano bang ginawa ko? Parang hindi siya yung lalaking una kong nakita noon, mas mabait yun at mas maaalalahanin kaysa sa lalaking kaharap ko ngayon.

"Jenicaaaa??!! Ano na? Nakikinig ka ba sa'kin? Tsk! Kanina pa'ko nagsasalita eh! Tinatanong kaya kita!"

Agad akong napabalik sa realidad dahil sa ingay ng boses ni shaira. Magkasama kami ngayon sa coffee shop, naisip lang namin gumala.

"Sorry naman, Ano nga ulit yun?"

"Wag na! Baka hindi ka pa tapos mag reminisce sa unang pagkikita niyo ng fiance mo!"

"Sige na, ano nga ulit yun? Kay Mr...?"

Pag-iiba ko ng topic kasi tama nga naman siya, kanina ko pa inaalala ang unang pagkikita namin ni kent. Hindi ko na nga muna siya iisipin! Pupunta din naman ako sa office niya mamayang 12nn para dalhan siya ng lunch at ibigay sa kanya ang gift ko para sa monthsary namin.

"Wala! Tungkol lang sa bago ko kliyente! Napaka-arte! Akala mo ubod ng gwapo eh medyo lang naman!"

"Hahahaha! Sino ba yan? At mukhang yamot na yamot ka?"

"Si Mr. Pineda! Jusko! Napakademanding! Kainis!"

Bigla namang nag-ring ang cellphone ni shaira at agad na sinagot iyon.

"Hello? Mr.?.."

Sabi niya sa kabilang linya saka tumingin sakin at nag roll eyes. Aha! Siguro yun si Mr. Pineda? Ahahaha..

"Jenica.. Alis na'ko ha? May urgent meeting kami ni Mr. Pineda eh!"

"Okay. Ingat ka ha. Bye!"

**

"This way po mam."

Sabi sa'kin ng secretary ni kent. Pumasok na'ko sa office niya pero wala siya. Hindi nga pala niya alam na pupuntahan ko siya. Naupo na lang ako sa couch at pinagmasdan ang kabuuan ng office niya.

"No way ma! Ayokong magpakasal sa kanya!"

"Sa ayaw at sa gusto mo! Matutuloy ang kasal!"

Nagulat ako sa narinig ko dahil nakita ko si kaizer at si ninang salvia na nagtatalo. Pinapunta kasi ako ni mommy sa Company ng mga sheen para ipabigay 'tong envelope na hindi ko alam ang laman.

Umuwi na lang ako at hindi na tumuloy dahil mukhang may problema sila ninang at kaizer. Sa susunod na araw na lang.

"Mam coffee po."

Nabalik ulit ako sa ulirat ng bigyan ako ng kape ng secretary ni kent. Eh kasi naman! Kusa talagang pumapasok sa isip ko kung paano kami nagkakilala at nagkaligawan hanggang sa naging kami.

Flashback

"Shut up!"

Sigaw ni kaizer sa inis. Hindi naman ako nag-iingay eh! Nagtatanong lang.

"Ba't ba ang sungit mo? Akala ko pa naman ang bait mo!"

"Umuwi ka na."

Nandito kasi ako sa mansion nila dahil may importante daw kaming pag-uusapan ni tita kasama si kaizer.

"Ha? Eh Teka! Diba mag-uusap daw tayo nila tita!"

"Hindi na tuloy. May emergency meeting."

"Okay."

*end*

So ayun! To make the story short, naging mabait siya, nagkamabutihan kami, hanggang sa linigawan niya ko at sinagot ko siya. Kahit may pagka-moody siya, mahal na mahal ko siya.

Naubos ko na yung kape pero wala pa din si kaizer. Ang tagal naman! Asan na ba yun?

Nagpatuloy lang ako sa pagmamasid ng kabuuan ng opisina niya nang may mahagip ang mga mata ko na hindi pamilyar. Bakit magkaroon ng pintuan dito? Dati naman wala yun! May ilang beses na'kong nagpupunta dito at wala yun!

Dala ng kyuryosidad ay lumapit ako sa pinto. Pero bigla akong kinabahan. Teka? Baka mamaya may ghost dito? Hahaha. Mukha namang wala eh.

Nakapasok ako sa loob ng kwarto. Ang linis at ang ganda. Hindi ko alam na may kwarto pala dito. May napansin akong isa pang kwarto sa loob na nakauwang lang ang pintuan at may nakatabing na kurtina. Seriously, hindi ko talaga alam na may ganitong kwarto dito. Hindi man lang sinabi ni kent.

Naglakad ako papunta dun sa kwarto at may nakita akong tao. Sino kaya 'to? Hindi ko makita ng maayos dahil sa kurtina.

"A-Ahh.."

Hindi ko pa nahahawakan ang mga tela ay may narinig na ako na bigla nagpalakas ng kabog sa dibdib. A-anong ibig-sabihin nito?

"K-Kai----Ahhh!"

Agad kong hinawi ang kurtina at nasagot lahat ng katanungan sa isip ko. Para kong binuhusan ng malamig na tubig sa pagkagulat. H-hindi pa kayang maniwala ng puso ko pero nakita na ng dalawang mata ko si kent at si kaye.

Nakikita ng dalawang mata ko kung paano halikan ni kent ang bestfriend niyang si kaye, at parehas na silang walang saplot sa kama. Ang sakit! Ang sakit sakit!

"I-Iloveyou.."

Narinig ko ang mga katagang iyon sa bibig ni kent, and it brings more pain to me. Kanina pa tumutulo ang luha ko at pinipigilan ang bawat hikbi na gusto ng kumawala sa mga labi ko. Pero hindi ko kaya, hindi ko kayang pigilan ang sakit na nararamdaman ko.

Mabilis ko tinahak ang daan paalis ng opisina ni kent, paalis ng building na'to at pumunta na agad sa kotse ko at saka ko inilabas lahat ng sakit. Hinayaan ko ang sarili ko na damdamin kung gaano kasakit sa pakiramdam ang lokohin at saktan ng minamahal.

Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone kaya kinuha ko ito sa bulsa ko. Nakatanggap ako ng text mula kay kent.

Happy monthsary babe. Iloveyou!

Mas lalo kong napahagulgol sa mga nabasa ko. Ang sakit talaga! Parang kanina lang sinasabi niya yang mga salita na yan sa babae niya tapos ngayon sa'kin naman! Anong akala niya sa salitang 'iloveyou? 'Hello' lang?

"Walangya ka kent! Bakit? Bakit kailangan mo'kong lokohin?! Hindi ka ba makapaghintay! Ikakasal na tayo sa mga susunod na araw! B-Bakit? Hindi mo ba kayang maghintay?"

Binato ko na lang ang cellphone ko. Alam ko para kong baliw dahil sa mga sinasabi ko pero hahayaan ko lang ang sarili ko sa ngayon. Sige lang, umiyak ka lang jenica. Sulitin mo na dahil kahit kailan, hinding-hindi na mauulit yan.

The Cold-hearted One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon