Jenica's POV
"So? What do you think?"
Pagtatanong sa'kin ni Shaira. She's my bestfriend and she's also my wedding planner. Hanggang ngayon hindi pa'din ako makapaniwala na ikakasal na'ko. Parang kahapon lang ng makilala ko ang lalaking kukumpleto sa buhay ko.
"Nagtatanong ka pa eh alam mo naman ang gusto ko." Sabi ko. Alam kasi ni shaira kung ano ang dream wedding ko. Alam niya lahat.
Napangiti ako ng makita ko ang wedding gown ko. I'm so happy. I never thought that I will experience this kind of happiness that only him could give. He's my everything. He's not perfect but he's all I need. Sinong mag-aakala na ang isang Jenica Louise Anderson na tulad ko ay mamahalin ng nag-iisang Kent Kaizer Sheen. I'm always wondering kung ano ang nakita niya sa'kin. He's the one who give me reason to be confident.
"Okay ako ng bahala. Sige, i have to go, i have a lot of things to do."
Pagpapaalam sakin ng kaibigan kong si shaira.
"Sige. Salamat."
*********
8pm na pero hindi pa'din dumadating si kent. Asan na kaya yun? May dinner date kasi kami ngayong gabi. Exactly 8pm ang usapan namin pero wala pa siya *sighs*.
'Kent<3 Calling'
The subscriber cannot be reach, please try again later.
*Sighs*
Asan na ba siya? Bumalik na'ko sa kwarto pagkatapos kong ipagbilin kay manang na pagdating ni kent, pakisabi puntahan ako dito sa kwarto.
9:00pm na pero wala pa'din siya. Nakarinig ako ng paparating na kotse, si kent na siguro. Nagmadali akong bumaba pero nagulat ako dahil hindi lang si kent ang nakita ko.
"Hmm.. I'm sorry jenica. Hindi ko kasi alam kung kanino ko dadalhin 'tong si kent eh. Delikado naman na pabayaan ko siya baka maaksidente pa siya dahil sa sobrang kalasingan."
Pagpapaliwanag sa'kin kaye. Yeah. Si kaye, bestfriend ni kent, last month ko lang siya nakilala mukhang mabait naman siya kaya lang medyo bitch pero nasa lugar naman.
"O-okay. Salamat."
Yan na lang naisagot ko. Hindi naman kasi kami masyadong close. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si tita, mommy ni kent pero biglang nagsalita si kaye.
"Huwag mo ng tawagan ang mommy niya. Actually kaya siya naglasing dahil nag-away sila."
Pagkasabi niya nun, umalis na siya. Nagpakawala na lang ako ng buntong hininga. Lagi na lang silang nag-aaway ni tita pero hindi ko alam ang dahilan. Sa tuwing tinatanong ko naman si kent tungkol dito laging umiinit ang ulo niya. Buti pa si kaye, napagsasabihan niya ng problema niya. 3years na'kong in a relationship kay kent so far okay naman kami kaso lagi lang siyang late sa usapan namin tulad ngayon.
Dito ko na lang siya pinatulog sa kwarto ko, hindi ko na pinaalam kay mama dahil wala sila dito. Mayroon silang inaasikasong business kaya out of town sila ngayon. Nakatingin ako sa tulog na si kent. Para sa'kin siya ang pinaka gwapong lalaki sa mundo. Ang pula ng labi niya, ang tangos ng ilong niya. Narinig ko siyang nagsalita ng kaunti. Okay lang kahit hindi natuloy ang dinner date namin ngayon, atleast nakasama ko siya, at nakatabi ko pa siya.
"kayee.."
Nakaramdam ako ng konting selos sa narinig ko pero hindi ko na lang pinansin. Malamang si kaye ang huling kasama niya kaya pangalan nito ang nasabi niya.
Minsan gusto ko ring masabayan ang mga gimik niya, makasama siyang gumala, uminon at mag-enjoy. Kaso hindi ko magawa. Hindi naman kasi ako ganung babae. Katulad ng bestfriend niya, si kaye. Kayang-kaya nitong makibagay sa kung ano man ang nais ni kent. Nagkakilala kami noong college, nagkaligawan hanggang sa eto na kami ngayon. Ikakasal na kami.
Umaga na ng magising ako. Tumingin ako sa gilid ko kaya lang wala si kent. Nasaan kaya siya? Agad akong bumangon at ginawa ang morning ritual ko.
Habang bumababa ako ng hagdan, agad kong natanaw si kent sa baba at nakangiti.
Kahit tatlong taon na kaming magkasama, kinikilig pa'rin ako sa kanya na parang highschool lang. Ewan ko ba.
Pagbaba ko bigla niyang hinapit ang bewang ko at hinalikan ang noo ko. Sa 'twing magdidikit kami, para akong kinukuryente at nakakaramdam ng kung anu-anong parang paru-paro sa tiyan ko.
"Goodmorning."
Pagbati niya habang nakangiti. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Hindi ako nagsalita, actually, nagugulat ako ngayon dahil hindi naman siya ganito ka sweet.
"I-i'm sorry about last night babe. A-ano kas-----"
"Shhhh"
Sabi ko at tinakpan ko ang labi niya gamit ang index finger ko. Okay na naman sa'kin. Hindi mahalaga ang mga nangyari kahapon, mas mahalaga yung ngayon.
"Don't say sorry babe. It's okay. Alam mo namang mahal na mahal kita diba? At isa pa, tapos na yun."
Pagpapaliwanag ko sa kanya. Pero nagulat ako dahil bigla na lang may tumulong luha sa mga mata niya. Seriously? Ano bang nangyayari sa kanya? Agad ko namang pinunasan ang mga luha niya at hinalikan ko ang dalawang talukip ng mata niya.
"Stop crying babe. Ayokong nakikita kang umiiyak. Iloveyou.:)"
"I-Iloveyou too."
Pagkatapos namin kumain umakyat ako sa kwarto ko at naligo. Pagbaba ko. Wala na si kent. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko naibigay yung gift ko sa kanya. Actually, monthsary namin ngayon. 20. So 3 years and 2 months na kami.
Naisip ko na pumunta na lang sa office niya. Ang totoo hindi ko alam ang ibibigay ko sa kanya. So I just ended up na isang drawing ang gift ko. Ako ang gumawa nun! Mahilig akong mag-drawing kaya iginuhit ko ang mukha niya. Yung mukha na una kong nakita nung unang araw na dumating siya sa buhay ko.
Flashback
"I'm sorry miss. Are you okay?"
Yan agad ang narinig ko ng tumungin ako sa lalaking nakabunggo ko. His black hair perfectly fit his face. Mukha siyang anghel.
Yumuko na lang ako umalis na. I don't talk to strangers. Yan ang bilin sa'kin ng mama ko. Ang bata bang pakinggan? I have no choice. Umalis na'ko at tumakbo papalayo.
"Miss!"
Narinig kong sigaw niya pero hindi ko na lang siya nilingon.
*end of flashback
Nagpakawala ulit ako ng buntong hininga at ngumiti. Lagi na lang ganito ang nararamdaman ko sa 'twing maaalala ko kung paano kami unang nagkita.
Hindi pa'rin nagbabago ang pagmamahal ko sa kanya hanggang ngayon. Lalo pa't ikakasal na kami.

BINABASA MO ANG
The Cold-hearted One
Cerita PendekHow can I turn everything back the way it used to be, if He became the cold-hearted one? -Jenica Louise Anderson