Chapter 10

2 0 0
                                    

Jenica's POV

"Ms. Hillary, hindi ako makakapunta sa bidding. Ikaw na lang ang pumunta sa event na iyon. I have an emergency."

Sabi ko sa kabilang linya. Hindi naman masyadong emergency eh. Ang totoo nyan, gusto ko lang makasama si Kent ngayon kaya kinuha ko na ang bag ko at bumaba na. Marami akong dala para sa kanya. Bumili ako ng mga prutas para sa kanya at ipinagluto ko siya ng paborito niyang ulam, Calderetang Manok.

Wala pang 30 mins. ay nakarating na'ko sa ospital dito sa SM Medical. Agad naman akong nagpunta sa private room ni kent. Pagkapasok ko ay nakita ko siyang nakaupo at nakatingin sa kawalan. Hindi na niya napansin na nandito ako sa tabi niya.

Medyo nakaramdam ako ng kaba pero nilakasan ko na ang loob kong magsalita.

"H-Hi Kent! Kumusta?"

Pinilit kong pasiglahin ang boses ko. Umupo ako at inilagay sa mini table ang mga prutas na dala at pagkain na dala ko para sa kanya.

Agad naman siyang napatingin sa'kin at nakakunot ang noo niya.

"Sino ka?"

Cold at plain na sabi niya. Oo, nakaramdam ako ng sakit. Parang kahapon lang noong mahal na mahal niya ako, pero ngayon halos hindi maipinta ang mukha niya dahil hindi niya kilala kung sino ako. Isinantabi ko muna ang nararamdaman ko dahil mas importante na bumalik ang mga alaala niya at umaasa ako na mangyayari iyon.

Pinilit kong ngumiti at inilahad sa kanya ang kamay ko para magpakilala.

"Ako nga pala si Jenica. Jenica Louise Anderson."

Tinignan niya lang ako hindi tinanggap ang kamay ko. Ibinababa ko na lang at nginitian pa siya ng mas malaki.

"Ah! Nga pala, ipinagluto kita ng Calderetang Manok. Paborito mo kasi yon. Gusto mo ipaghain kita?"

"No. Thanks."

Para naman akong nabuhasan ng malamig na tubig dahil sa malamig na pakikitungo niya, pero hindi ako susuko. Alam ko darating yung panahon na babalik din ang alaala niya. Siguro hindi pa ngayon pero atleast darating.

Humiga na ulit siya sa kama at tumalikod sakin. *sighs* Ano bang gagawin ko para maalala na niya ko?

Lumipas ang ilang linggo at ganun pa'din. Hindi niya pa'rin ako naalala. Isang linggo na siyang na discharged sa ospital at isang linggo na din akong lagi nasa condo niya.

Actually bago pa siya madischarged, sinabi niya sa parents niya na dito siya tutuloy sa condo niya mas gusto niya daw kasi mapag-isa. Kaya naman bago pa siya makauwi doon ay inunahan ko na siya. Nilinis ko ang condo unit niya at halos wala pa'ding pinagbago ganun pa'rin. Pati yung mga pictures namin na nakadikit ay nandun pa'din. Pati yung painting ko na dream house namin ay nandun pa'rin nakadikit. Inalis ko muna ang mga pictures namin noong kami pa, pati na'rin ang mga bagay na makapagpapatunay na naging 'kami' baka kasi mabigla siya. Sabi kasi ng doctor dapat hinay-hinay lang daw sa pagpapaalala sa kanya para hindi daw mabigla.

At ngayon, nandito na naman ako. Kung dati, pinupuntahan ko lang siya. Ngayon naman, gusto kong ilabas siya. Kaya magde-date kami ngayon!

Nagdoorbell pa'din ako kahit alam ko na ang password ng unit niya. Bumukas ang pinto at sumalubong sa'kin ang plain na mukha ng lalaking mahal ko.

"What are you doing here?"

Sabi niya at tsaka umupo sa sofa at nanood sa TV na kanina pa bukas.

"Hmm. I just wanna take you out. Sabi ng doctor makakatulong iyon para bumalik ang alaala mo."

Sabi ko umupo sa tabi niya. Wearing my signature smile. Kumunot ang noo niya tinignan ako ng malalim.

"Who are you and Why are you doing this? Ano ba kita?"

Napayuko ako dahil hindi ko kayang titigan ang mata niyang puno ng inis. Siguro naiirita na siya. Ilang linggo ko na'rin kasi siyang kinukulit. At isa pa, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya.

"I-I'm Jenica. Jenica Louise Anderson."

Lalong kumunot ang noo niya. Nakakainis, hindi ko alam kung papano ko ipapaliwanag sa kanya. I just sighed.

"I don't care about your name. Makakaalis kana."

"WHAT?!"

Ugh! Nakakainis naman. Ang sakit naman niya magsalita. Umiwas na lang ako ng tingin para hindi niya makitang patulo na yung luha ko.

"Okay fine. Kung iyan ang gusto mo. Basta, babalik ako dito. Bye!"

Hindi niya man lang ako pinansin at tinignan. He never move an inch. Napunbuntong hininga na lang ako at lumabas. Nang makarating ako sa elavator ay saka na tumulo ang mga luha ko. Ang sakit kasi pakiramdam ko hindi lang utak niya ang nakalimot, pati puso niya.

Siguro ganito talaga sa simula. Masasanay din ako sa cold treatment niya hanggang sa maging manhid na lang ang puso ko sa mga masasakit na salitang binibitawan niya.

"Miss.."

Napatingin ako sa katabi ko. He's wearing a business man attire. Ano naman kayang ginagawa ng isang katulad niya dito?

Pagkatapos ko siyang obserbahan ay inialis ko na ang tingin ko sa kanya.

"I think you need this."

May iniabot siyang panyo na kulay puti. Tinignan ko siya ng nagtataka. Para saan naman 'to?

"Huh?"

"You're crying."

Dun ko lang naramdaman na basa pala ang pisngi ko. At tama siya, umiiyak nga ako. Yumuko ako para punasan ang luha ko. Nakakahiya.

Maya-maya ay bumukas ang elevator. Akala ko lalabas na siya pero naramdaman ko ang paghila niya sa kamay ko at saka inilagay doon ang panyong ibinibigay niya.

Tumingala ako para tignan ang mukha niya pero huli na dahil pasara na ang elevator. Likod na lang niya ang nakita ko. Hindi ko tuloy maalala iyong mukha niya.

Nang marating ko ang kotse ko ay mabilis akong nagdrive at umuwi. Sa ngayon ay itutulog ko na lang muna ito. Bukas, dadalawin ko ulit siya.

Nahihirapan akong mag-adjust sa sitwasyon. Hindi kasi ganitong buhay ang inaasahan ko paggising niya.

I sighed. I need to rest. Paggising ko, pagpaplanuhan ko kung paano ko mapapabalik ang alaala at pag-ibig ng taong mahal ko

Humiga ako at pansamantalang pumikit.

Agad ko nakangiti nakita ang mukha ni Kent na nakangiti, iyong ngiting ibinigay niya noong una naming pagkikita. I miss those smiles.

"Bakit ba ang sungit mo?!"

"I-I.. Can.. Can i court you?"

"Happy monthsary! Best day ever Thank you."

"I love you."

"I love you too."

"Will you marry me?"

"Yes."

"You don't know how happy i am today."

"I paint this, our dream house."

"Whatever you want babe.."

"Mom, Dad! We're engaged!"

"Walangya ka kent! Bakit? Bakit kailangan mo'kong lokohin?! Hindi ka ba makapaghintay! Ikakasal na tayo sa mga susunod na araw! B-Bakit? Hindi mo ba kayang maghintay?"

Napamulat ako ng mata at umupo. I just cry hard biglang nagbalik ang lahat ng alaala sa utak ko. Kung kailan ko siya nakilala hanggang sa kung paano kami umabot sa ganito.

Napailing na lang ako. I know it's my fault, kung sana pumayag akong makipagbalikan sa kanya, kung sana maibabalik ko lang ang nangyari 3 years ago at pinakinggan ang mga paliwanag niya. Hindi sana kami aabot sa ganito.

Napailing akong umiyak at iniabot ang panyo sa bedside, humiga ako at itinakip iyon sa mga mata ko. Naalala ko bigla iyong lalaki na nag-abot sa'kin ng panyo na'to. Mayroong kulay blue na nakaburda doon sa panyo...

"Zy."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cold-hearted One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon