Kabanata 1

63 8 0
                                    




Jem's POV



"Ok andito na ba ang lahat?.." tanong ng manager naming si jayson.. Nandito kami sa tapat ng shop namin.. Dito kasi naming napag usapang mag kikita kita.. Dahil dito din kami susunduin ng driver na mag hahatid samin papunta sa hotel.




Tinignan naman namin ang bawat isa.. "Oo ya!.. Kompleto na tayo.." sagot naman ni alex..


"Teka.!" tawag samin ni lhei ng mag simula na sana kaming mag lakad.. "Si Tyrone kasi wala pa.." sabi nya.. Kaya napahinto at napanlingon ulit kami sa bawat isa. Napansing wala pa nga ang baklang bato..



"Kahit kelan talaga napaka bagal ng baklang pangit na yon.." inis na sabi ko.. Kaya nag tawanan ang mga katabi kong sila nett at alexis.




"Tawagan nyo na nga. Sabihin nyo dalian. Kung hindi iiwan natin sya!.." seryosong sabi ni jayson..



Nilabas naman ni lhei ang cellphone nya at akmang tatawagan na sana si tyrone ng mag salita si paolo. Ang katabi naman nito ay c nick at alex..


" Ayan na!.. " sabi nito sabay turo kay tyrone na nasa likod namin. Kaya naman nilingon namin sya.


"Ang tagal mo naman.." sabi kagad ni nett ng pag ka lapit ni tyrone samin.

"Sorry ate traffic kasi.." paliwanag nito..



"Tara na mag si kilos na tayo at baka abutin tayo ng dilim sa daan pag hindi tayo nag madali.." tawag pansing sabi ni jayson samin.




Kaya naman nag simula na kami ulit mag lakad papunta sa sasakyan.




Nang maka akyat ako sa sasakyan ay dumiretso ako sa bandang gitna at umupo sa tabi ng bintana. Labing dalawa kaming lahat na mag kakasama.



Nasa likod ng driver naka upo si jayson at katabi nya naman si lhei. Mini bus ang sinakyan namin kaya kasya kaming lahat.. Maluwag pa nga kung tutuusin. Nasa kaliwang side sila. Ang nasa kanang side naman nila ay sila alexis at carlo.



Katabi ko si nett. Ang nasa kaliwang side naman namin ay sila tyrone at kath.



Bali ang nasa pinaka likod ay sila nick, alex, paolo at elsa.

Papunta kami ngayon sa laguna kami kasi ang nautusan na mag asikaso ng isang hotel na pag may ari ng aming boss.


"Ate. Ano kaya ang itsura ng hotel na pupuntahan natin?.." tanong ni nett sakin.



"Hmm hindi ko din alam eh. Pero ang sabi ni sr. Ay medyo luma na daw yon kasi matagal ng pina sara. Wala daw kasing pwede mag asikaso duon dati.." sagot ko.



"Nako ate baka naman nakakatakot duon.." kabadong sabi ni nett.


"Alah ate!. Balita ko nga dati daw yong tambakan ng mga patay nung sinaunang panahon.." exsahuradong sabat ni alex samin.


"Gago.." sabi sa kanya ni paolo at binatukan pa ito..



"Siraulo ka.! Wag mo nga silang takutin.." saway naman sa kanya ni nick. "Ni hindi mo nga alam kung san yon.." dag dag pa nito..


Natahimik naman si alex at bumubulong bulong pa. Kaya tinawanan lang sya ng katabi nyang si elsa.



"Nako nett. Wag kang maniwala jan kay alex. Mas mukha pang nakakatakot mukha nyan kesa sa hotel na pupuntahan natin hahaha.." tumatawang sabi ko. Nag si tawanan naman sila. Kaya lalong napasimangot si alex.


Natahimik na lang kaming lahat ng mapadaan kami sa liblib na lugar. Mukhang walang katao tao dito. Wala ding mga bahay na madadaaanan. Napatingin ako sa langit. Mag gagabi na pala.



Tinignan ko bawat isa ang mga kasama ko. Kanya kanyang tingin din sila sa paligid.. Ni parang walang naliligaw na ibang tao dito. Tila may mga pag tatakha na sa kanilang mga mukha.


"Manong tama ba tong dinadaanan natin?." tila kabadong tanong ni carlo sa driver.


"Oo naman iho.. Wag kayong mag alala malapit na tayo.." sagot ni manong driver. Nakita ko pang ngumisi ito. Kaya naman mejo nakaramdam ako ng takot.



Napakapit naman sakin ng mahigpit si nett. "Shet ate nakita mo ba yun ngumisi si manong ang creepy." bulong nito sakin. Nakita nya din pala.



Naka titig lang ako kay manong ng bigla nya kong tinignan gamit ang salamin sa kanyang harapan. Kaya naman napa iwas kagad ako ng tingin. At bumaling na lang ulit sa daan.


" Wag kang matakot.. "pag papa lakas loob ko kay nett habang nakatingin pa din ako sa daan.. Sa totoo lang ako mismo ay natatakot na din. Bakit nga ba kami pumayag sa boss namin na pumunta sa lugar na yon.



" Nakakapag takha.. Wala kang nakikitang tao o kahit nakaka salubong man lang na sasakyan.." bulong ni paolo.. Pina kikinggan ko lang ang pinag uusapan nila.



"Oo nga.. Kahit isa wala pa kong nakikita.. Puro puno at halaman lang ang nakikita ko.." sagot ni nick..



"Nasa pinaka dulo ng laguna na siguro tayo.. Kaya wala ng masyadong nagagawi dito.." si elsa naman ang nag salita..



"Paano natin mababalik ang sigla nung hotel.. Kung malayo naman pala ito sa mga tao.." nag tatakhang tanong naman ni alex.




Yan din ang nasa isip ko.. Pano kami mag kakaroon ng mga customer kung wala naman palang nagagawi dito.. Parang isang pag kakamali ata na pumayag kami sa gusto ni sr ah..



Nawala ang mga iniisip ko ng maramadaman ko na huminto ang sasakyan namin..


Napatingin ako sa daan.. Dead end na yon.. Kaya hindi na makakapasok ang bus.









....

hotel in laguna (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon