Kabanata 19

30 5 0
                                    


Jem's POV



    "Ano?!!" sigaw ko kay alex..

   "Nawawala si carlo.." ulit nito sa sinabi nya kanina.. Na tila hinihingal pa.. Pano kasi ang taba hindi mag diet.

    "Panong nawawala?.." tanong ni jayson.. Katabi ko pa din siya..


    Gusto ko sanang mag joke dahil sa tanong nya.. Pero naisip ko na hindi ito ang tamang sitwasyon para duon.. Kaya nanahimik na lang ako..



   "Kanina pa namin sya hinahanap hindi namin sya makita.." pag papaliwanag ni alex..




    Sinimulan kong mag lakad papunta sa pinto at sumunod naman sakin si alex at jayson.. Kaya sabay sabay na kaming nag lakad pa baba..



    "Tinignan nyo na ba ang lahat ng pwede niyang puntahan?" tanong ko..




    "Oo ate.. Pero hindi namin siya makita.." sagot nito..


   "Gubat?.." sabi ni jayson..


    "Hindi pa kuya..!" sagot kagad nito.. Na naging hudyat ng pag takbo namin papunta duon..



    Hingal na hingal kaming pumasok sa gate.  Para makarating sa gubat.. Pag ka hinto namin sa gitna nilibot namin ang aming mga paningin pero wala dun si carlo.  O kahit anong bakas na nanggaling ito dito..





     "Kelan pa ba siya nawawala.." Tanong ko..



    "Kagabi pa po ate.." sagot ni alex.



   "Bakit wala man lang nakapansin na kagabi pa nawawala ang isa sa mga kasama natin.." inis na sabi ni jayson..




    Tumingin ako sa kanya bago nag salita "Siguro ang iba satin ay naguguluhan at natatakot kaya hindi na napansin ang mga ibang kasama.. Kahit ako mismo ay naguguluhan kaya hindi ko na din na isip ang iba.." mahabang sabi ko..




   Tinignan lang ako nito at nag simula ng mag lakad pa labas ng gubat.. Kaya sumunod na lang din kami sa kanya..



   Pa labas na sana ako ng makita ko yung batang si tin sa gilid.. Tinignan ko si alex at jayson.. Medyo malayo na sila sakin kaya naman lumapit muna ako sa bata at kinausap ito..



     "Anong ginagawa mo dito.." Tanong ko..



   "Masaya ka ba?.." Tanong nya na kinakunot ng noo ko..



   "Anong sinasabi mo..?! Pano ako magiging masaya kung hindi namin makita ang isang kasama namin.." Inis na sagot ko sa kanya..



    "Kung ganoon bakit hindi mo pa aminin sa kanila.." sabi nito na siyang kinatahimik ko.. "Alam mo ang totoo hindi ba?.. Pero bakit hindi mo sinasabi sa kanila.." dugtong niya..




    Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko man lang naramdaman na may pumatak na palang luha sa mga mata ko.. "Hindi ko pa kaya.. Hindi ko alam kung pano ko papaliwanag sa kanila.." umiiyak na sabi ko at tuluyan ng lumabas ng gubat..




     Nakatulala lang ako ng pumasok ako sa mini resto. Pinag iisipan ang mga sinabi sakin ni tintin. "Ate okey ka lang ba.. Tulala ka nanaman.." Nag aalalang tanong sakin ni nett ng makalapit ako sa kanila..




  Tinignan ko ang mga kasama ko isa isa lahat din sila ay nakatingin sakin.. Umupo ako sa sofa.. "Oo okey lang ako.." Malungkot na sabi ko..




   "Hoy jem..! May ng yare ba sayo..?" Tanong naman ni jayson..



   Umiling lang ako.. "okey lang ako.. Wag niyo ko intindihin".. Sagot ko ulit..



   Gaya ng sabi ko ay hindi na nga nila ko initindi at nag simula na ulit mag usap usap kung saan pwede mag punta si carlo.


    "Lahat na ba napuntahan na.." tanong ni elsa..


    "Oo bukod tanging isang lugar na lang ang hindi natin na pupuntahan.." sagot ni alexis..



    "Saan!.." sabi ni nick..




      Nagulat pa kami sa pasigaw na sagot ni paolo.. "Sa covered court..!!" sagot niya kaya lahat kami napatingin sa kanya..



    "Sa 5th floor?.. Eh diba sarado yun at hindi pwedeng buksan.." Nag tatakhang sabi ni kath..




    "Pero yun na lang ang hindi natin na pupuntahan.." sabat ni tyrone..




    Natahimik kami saglit bago napag pasyahang tumayo at nag lakad.. "Ano kayang ginagawa ni carlo dun kung sakali.." sabi ni lhei.. Habang nag lalakad kami papunta sa elevator.. Ito lang ang daan para makapunta ka sa 5th floor kaya wala kaming choice kung hindi sumakay duon..


     "Hindi ba mahilig mag basketball yon.." Sagot ni nett.. Bumukas ang levator at nag pasukan kaming lahat duon..



   " Sana nga nag lalaro lang siya duon.. " sabi ni jayson bago pinindot ang 5th floor..



    Kabado kaming lahat dahil baka mag loko nanaman tong elevator pero.. Himala at nakikisama na ito ngayon.. Huminto ito sa 5th floor..


   Lumabas kaming lahat isa itong malaking open area.. Pero sa d kalayuan ay may isang malaking gate.. At duon makikita ang court..



    Nang makalapit kami ay nag takha kami dahil hindi naka lock ang gate.. Ibig sabihin ay may naka pasok nga sa loob..


     Binuksan ni nick at paolo ng tuluyan ang gate para makapasok kaming lahat.. Isang katahimikan ang sumalubong saming lahat.




    Tumingin kaming lahat sa paligid.. Hinahanap si carlo.. "Ang baho naman dito.." Rekalamo ni lhei..



   "Oo nga ang sang sang ng amoy.." sagot naman ni elsa..





   "Tignan nyo..!" sigaw ni alex at nakaturo sa sahig.. Nagulat kami ng makitang puro dugo ang sahig maski ang tinatapakan namin..




     Bumakas ang takot naming lahat.. "Ano yan..? Bakit nag kalat ang mga dugo.." tarantang sabi ni nett..



   "Carlo..!!!" sigaw ni alexis.. Kaya napatingin kaming lahat sa kanya.. Sinundan namin ang kanyang mga mata..




    "Carlo..!" hindi maka paniwalang sabi ko nang makita ko iyon.. Nang hina ako at napa upo..










.....
  

hotel in laguna (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon