Kabanata 18

31 5 0
                                    



Jason's POV

"Hindi kaya may kinalaman si nanay lordes sa mga nang yayare?.." tanong ni nick sakin.


Umiling ako.. "hindi ko alam. Hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko.." naguguluhang sabi ko. Bago lumabas ng mini resto at pumunta sa likod ng hotel.



Papasok na sana ako sa may gubat ng may marinig akong dalawang boses na nag sa salita sa di kalayuan..

Lumapit pa ako ng konti para mas marinig sila.. Nag tago ako sa isa sa malaking puno duon..


"Bakit hindi mo ko magawalang mahalin..?" tanong nung lalaki.. Teka kilala ko ang boses na yon ah..


"Sorry fernand.. Si ben ang gusto ko.. Si ben lang wala ng iba.." sagot nung babae.. Sinilip ko sila nang konti. Nakita kong si mam jessa pala yung babae.. Nakayuko lang ito..


"Pero patay na sya.. Pano mo pa mamahalin ang isang taong patay na.." galit na sabi ni kuya fernand..


Nag angat ng tingin sa kanya si mam jessa.. "Wala akong pake elam.. Mas gugustuhin kong sumunod na lang sa kanya sa kamatayan kesa mahalin ka.." seryosong sabi nito at nag simula nang mag lakad papunta sa labasan ng gubat..


Pero bago pa ito tuluyang makalabas ay nag salita ulit si kuya fernand." Mabuti nga at namatay sya.. Ibig sabihin nun wala ng sagabal sakin na maging akin ka.. "sabi nito at bakas pa din ang galit sa kanyang mukha..


Natigilan si mam jessa sa pag lalakad at humarap ulit sa kanya.." Wag ko lang malalaman na ikaw ang may pakana sa pag kamatay nya.. Dahil sinasabi ko sayo.. Pag nalaman kong ikaw. Mag babayad ka sakin. Handa kong ibuwis ang buhay ko. Mapatay lang kita.." Galit na sabi ni mam jessa bago talikuran ito at nag simula na ulit mag lakad.




Naiwan dun si kuya fernand.. Nakuyoko at bakas ang galit sa pag higpit ng kanyang kamao.. Ginulo pa nito ang buhok nya.. Napabaling ang tingin ko sa harapan ng puno ng mapansin ko ang batang si tintin duon na nakatayo.. Nakatingin ito kay kuya fernand may bakas na lungkot ang mga mata..



Binalik ko amg tingin kay kuya fernand.. Unti unti itong umayos ng tayo at tinignan ang dinaanan ni mam jessa.. Ngumisi ito na aking kinakaba.. Bago mag lakad at lumabas na din ng gubat..




Natulala ako ng ilang sandali sa aking kinalalagyan bago makabawi.. Nang maramdaman kong wala ng tao duon ay umalis na din ako at bumalik sa loob ng hotel..


Nasa hallway ako ng makita ko sila nett nasa reception desk sila ni elsa.

"Kamusta si jem.." tanong ko sa kanya ng makalapit..

"Hindi pa din sya okey kuya.." malungkot na sabi ni nett.

"Kuya kaylangan na nating maka alis dito bago pa may mang yari isa sa atin.." takot na sabi ni elsa..



Hindi ako umimik at tumango na lang. Nag pasya akong umalis muna dun at umakyat sa 3rd floor kung san nandun ang kwarto ng mga babae.. Kumatok ako bago buksan ang pinto..


Napatingin ako sa kama ni jem.. Andun siya tulala lang na naka upo pero hindi na umiiyak..

Lumapit ako at tumabi sa kanya.. "Kamusta kana..?" tanong ko ng makalapit sa kanya.


"Eto hindi ko alam kung pano iaalis sa isip ko ang mga ng yare kanina" malungkot na sabi nya..

Sinandal ko ang katawan ko sa pader.. Ganun din ang ginawa nya. Mag best friend kami ni jem matagal na.. Kaya kung meron man akong napapag sabihan ng problema ko ay sa kanya lang iyon at wala ng iba..


"may nakuhang liham sila nick sa desk ni sr ben." pag umpisa ko.. Napatingin naman sya sakin.. "Nakalagay duon na sya ang pumatay kay sr. Vincent at anak ni nanay lordes si sr. Vincent.." pag papatuloy ko at tumingin sa kanya..


Nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata.. "Tang ina.." hindi makapaniwalang sabi nya..


Na pangiti naman ako dahil sa pag mumura niya.. Ibig sabihin lang nun ay bumalik na siya sa dati.. "kanina bago ako pumunta dito ay pumunta ako sa gubat.." kwento ko ulit..


Nakita kong nangunot ang kanyang noo.. "Hindi ba delikado duon.." nag aalalang tanong nya..


Umiling ako.. "Gusto ko sanang ma pag isa at mag isip kaya nag punta ako duon.. Pero iba ang nadatnan ko.."

Umayos sya ng upo at humarap na sakin.. Naka indian seat na sya ngayon at seryosong seryoso ang mukha..

"Nakita ko si kuya fernand na nag uusap.." napahawak ako sa buhok ko at ginulo iyon. "Nalaman kong may gusto si kuya fernand kay mam jessa.."


"Puta..!" yun lang ang nasabi nya..


Napatingin sya ulit sakin "Hindi kaya may kinalaman si kuya fernand sa pag kamatay ni sr. Ben..??" naguguluhang sabi niya sakin..



Napayuko ako.. "Hindi ko alam pero kanina nung umalis si mam jessa sinabi nya na mabuting namatay si sr. Ben.. Nagalit si mam jessa. At pinag bantaan si kuya fernand.. Nang tuluyang umalis si mam jessa at naiwang mag isa si kuya fernand.. Nakita ko ang pag ngisi nya.." mahabang kwento ko..



" Kung ganon kaylangan nating mag ingat lahat.. Hindi na natin alam kung sino ang dapat nating pag katiwalaan.. " seryosong sabi nya..



Napabaling ang tingin namin sa pinto ng biglaang buksan iyon ni alex.." Kuya nawawala si Carlo !!! .." sabi kagad nito tila hingal pa..



" Ano..!! " sigaw ni jem at sabay kaming tumayo mula sa pag kakaupo..









....

hotel in laguna (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon