Kabanata 10

37 8 0
                                    




     Tyrone's POV




       "Tyra.. Punta ka nga muna sa likod diligan mo mga halaman.." utos sakin ni ate jem.. Kaya wala akong nagawa kung hindi sundin sya.. Nag lakad ako papunta sa likod ng building na ito..


  Pag ka rating ko sa likod ay mejo paumaga na.. 6 am na din kasi.. Kinuha ko ang hoss at itinapat sa mga halaman para madiligan. Patapos na sana ako mg mapansin ko yung isang lalaking guest namin dito.. Papunta sya sa pinaka dulo ng gubat..


    Dito kasi sa likod ay may gate kung saan pwede kang pumasok at makapunta sa gitna ng gubat.. Ang sabi ni nanay lordes ay wala daw masyadong nag pupunta duon dahil sa nakakatakot na ay may mga sawa pa..



   Natingin ako sa lalaking dirediretso lang mag lakad papunta sa gubat.. Tila malalim ang iniisip nito.. Binitawan ko ang hoss at dali daling sinundan ito para sana tawagin ko sya at sabihan na delikado duon..



   Ang bilis nya mag lakad. Kaya hindi ko sya masyado maabutan.. Ang lalaki pa ng mga puno at damo.. Kaya nahaharangan ang bawat daanan.. Nakakatakot pa dahil baka may bigla na lang tumuklaw sakin dito..


    Sisigawan ko na sana sya ng may makita akong lalaking sumulpot sa likuran nya.. Naka all black ito at naka takip ang mukha..



     Lubos kong ikinabigla ang sunod na ng yare.. Nakatalikod yung guest namin kaya hindi nya napansing may sumunod sa kanya.. Nag tago ako sa likod ng puno nang makitakong nag labas ng kutsilyo ung lalaki..


     Tuluyan ng nalaki ang mata ko ng hawakan nang lalaki ang guest namin mula sa likod.. At hiniwa ang leeg. Nang makita kong bumagsak ang guest ay binitawan na ito ng lalaki at nag palinga linga bago umalis.

   Napasandal ako sa likod ng puno.. Natatakot ako. Bakit may ganung pang yayare sino yon. Patuloy lang akong nag iisip at napaupo pa dahil sa sobrang gulat.. Bakit nya pinatay yung guest.




      Nang mahimasmasan ako ay pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mata.. At tumayo.. Bumalik na ako sa loob ng hotel at agad pumunta sa mini resto kung saan nandun ang aking mga kasama..



    Naabutan ko silang lahat sa loob ng kitchen at nag titipon tipon.. "Kitang kita ko kuya yung bata.." dinig kong kwento ni nick.. Naupo lang ako sa may dulo ng lamesa at tahimik na nakikinig.. Kahit hindi ko masyado naiintindihan ang kinukwento ng kasama ko.. Ang tumatak lang na sinabi nya ay may nakita sya at naka usap na multo.. Isang bata daw..



    Nagulat ako nang lumapit si ate jem sa akin at inangat ang mukha ko.. Dahilan para mapatingin sa kanya.. "Anong ng yare.. Bakit dumudugo ilong mo..?" gulat na tanong nya..


   Pinunasan ko ang ilong ko at nakitang dumudugo nga ito.. Bumalik nanaman sa alaala ko yung nang yare kanina.. Kaya tuluyan na kong naiyak.. Na syang nag pa tigil sa kanilang ginagawa..


   " Hoy napano ka.. "Tanong ulit ni ate jem.. Bakas na ang pag aalala sa boses nito..


   Pinunasan ko ang luha ko at tumingin ng diretso sa kanila.. Nakatayo silang lahat ngayon sa harapan ko..



   " Ma-may nakita A-akong pinatay sa gu-gubat. .. "iyak na sabi ko.. Nakita ko ang pag ka gulat sa kanila at yung iba ay natulala pa..



   " Sino?.. Nakilala mo ba?. "tanong ni carlo..

   " Hindi ko sya kilala.. Pero alam kong isa sya sa mga guest natin.. "garalgal kong sagot..




   " Eh yung pumatay nakita mo ba ang mukha?.. "tanong ni lhei..

   Umiling ako.. At umiyak ulit.." Na-ka maskara ito.. Kaya hi-hindi ko nakita ang mukha.."



   " Anong ginawa mo..? "Tanong ni kath..

   " Wala..! Anong gusto mong gawin ko.. Natakot ako eh.. "iyak ko paring sabi..


   " Tara puntahan natin.. "seryosong sabi ni kuya jay.. Kaya naman tumayo ako at naglabasan kaming lahat sa mini resto papunta sa likod ng hotel..




     Pumasok kami sa gate papunta sa gubat.. Nauna ako para sundan nila ako. Nakita ko yung lalaking pinatay kaya napahinto ako at natulala ulit..







    Jayson's POV


    Huminto si tyrone kaya nag takha ako at sumilip sa harap.. Nagulat ako ng makita ko ang isang patay na lalaki sa di kalayuan.. Lumapit ako upang tignan ng mabuti at kilalanin iyon..




   Grabe ang pag kakahiwa sa leeg nito.. Napaka lalim.. Halatang malaki ang galit dito at ayaw ng buhayin pa ng kung sino man ang gumawa..




    Nag iyakan ang mga babae samin at natulala naman kaming mga lalaki.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Natatakot ako oo.. Sa pwedeng mang yari din samin..


    "Kilala nyo ba sya..?" tanong ko kanila kath at elsa..


    "Oo kuya.. Sya si vincent.. Sya yung nasa room 409.. 3:00 pm na sya nag check in sa atin.." seryosong sagot ni elsa.. Habang nakatingin pa din sa patay na lalaki..




    "Anong gagawin natin kuya..?" Tanong ni alex.



   " Puntahan nyo sila nanay lordes.. At ipaalam ang nag yare dito" .. Sagot ko.. Malayo ang syudad dito. Kaya malamang ay hindi maihatid ang bangkay nito sa pamilya nya.. Dahil walang sasakyan ang dumadaan dito..


   Nasabi kasi ni nanay lordes sakin na isang araw lang daw sa isang buwan  may dumadaan na sasakyan dito.. At yun ang mga nag hatid sa guest kahapon..











......

hotel in laguna (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon