Kabanata 38

31 4 0
                                    








    Nick's POV







       "Hindi ba iyan ung bus na sinakyan natin papunta dito?!".. Gulat na tanong ni alex samin ng makita namin ito dito sa liblib na lugar.. Hawak pa din ni alex ang itak na nakuha niya duon sa gilid ng puno sa tapat ng nasa sibat na katawan ni nett..





    " Oo". Maihiksing sagot ni kuya jayson..





    "Bakit yan nandito?.." Tanong ulit na alex..




     Nag katinginan kaming lahat at nag taas ng balikat. Bilang sagot sa kanya..




    "Mukhang walang tao.. Tara pumasok tayo tignan natin kung pwede na ting mapa andar. Para maka alis na tayo dito.." Sabi ko kaya nag simula na kaming mag lakad papunta duon..




    Nang makalapit kami ay na amoy na kagad namin ang masasang amoy na nag mumula sa loob..




  " Puta ang baho!.. Alex natae ka nanaman ba..?! "Bintang kagad ni paolo sa katabi niyang si alex na nag pa kunot naman ng noo nito..



  

   " Bobo hindi ako yon tanong mo si tyrone.. Nananahimik eh baka siya.. "sagot ni alex.





   Nang marinig ni tyrone ang pangalan niya ay agad tumaas ang kilay niya at handa na sanang makipag away kay alex ng mag salita si ate jem..



   " Nasa Gantong sitwasyon na tayo nakuha niyo pang mag loko.. " Seryosong sabi nito..  " Ang pangit niyong ka bonding.. "Dagdag pa nito na dahilan ng pag takip ko sa bibig ko. Para hindi ko mailabas ang tawa ko.. Hindi mo kasi alam kung nag loloko ba si ate jem dahil seryoso siya ng sinabi niya iyon..





   Nag ka tinginan kaming tatlo nila paolo. Kapwa pinipigilan matawa.. Bahagya pa kaming nagulat ng tumingin si ate jem sa amin at umirap..




    Na unang mag lakad si ate jem at kuya jayson papasok ng bus. Samantalang sumunod naman kami ni lhei.. Inaalalayan ko siya dahil dama ko pa din yung takot niya..





   Kasunod namin si tyrone at ang pinaka huli naman ay si alex at paolo. Nang makapasok kaming lahat ay namangha kami sa aming nakita.. Dahil pag pasok mo ay parang hindi na ito bus.. Para na itong maliit na bahay at mukhang may nakatira dito..




     May malaking chiller sa gilid at may isang drum sa tabi nito.. Lumapit kami duon sa drum dahil dun ng gagaling ang masang sang na amoy..





      Nang mas makalapit pa kami ay halos hindi na namin kinakaya ang amoy.. Nakakasuka na ito. Kaya tinakpan naming lahat ang aming mga ilong..



      Si kuya jayson nalang ang mag isang humawak ng takip ng drum para tignan ang nasa loob niyon.. Pero ganun na lang ang gulat namin ng makita namin ang nasa loob.. Dalawang tao iyon na pinag kasya ng pilit duon..





    Napatakip ng bibig si ate jem at nag simula nanamang umiyak.. "Si-sila sr. Yan hindi ba? .." ngatal na sabi niya..




   Natahimik kami saglit ng ibalik ni kuya jayson ang takip ng drum.. Ang dalawa naming boss yon.. Pinatay din ba sila?. Sino ba kasi ang pumapatay..




     Parehas may hiwa sa leeg ang mga boss namin na tila mapuputol na ang mga ulo.. Medyo inaagnas na din ang katawan nila kaya siguro nangangamoy na..




   "Kung ganoon matagal na silang pinatay.." Sabi ni kuya jayson..



   Nag lakad kami papalayo duon sa drum dahil sa hindi nanamin makayanan ang nakakasukang amoy.. Napatingin ako kay lhei.. Tahimik lang itong umiiyak sa tabi ko kaya niyakap ko ito ng mahigpit. Para kahit papano ay mapatahan ko ito..




      Napatingin kaming lahat kay ate jem nag mag salita ito.. "Kung ganoon malamang may laman din ang chiller na ito.." Sabi niya..



   "Malamang.." Sang ayon namin..




    "Kung ganoon. Paolo buksan mo ang chiller para makita natin kung ano ang laman niyan.." Utos ni ate jem kay paolo..






    Bumakas ang pag tanggi sa mukha ni paolo.. Pero wala na din siyang nagawa.. Lumapit siya sa chiller at dahan dahang binuksan iyon..




     Pag ka bukas niya ng chiller ay nakita namin kung panong man laki ang mga mata ni paolo at mapahawak ang kamay nito sa takip..



    "Ti-tignan niyo ang nasa loob.." Takot na sabi ni paolo habang nakaturo pa duon..




   Mabilis kaming nag lapitang lahat papunta duon.. Pag silip namin ay hindi namin inaasahan ang aming makikita..




    Tuluyang napa hagulgol sa tabi ko lhei.. Natulala ang iba kong mga makasama duon.. Samantalang ako ay nakuyom ko ang aking kamao sa sobrang galit na nararamdaman ko..



  

   Nasa loob ang katawan ng batang si tin.. Mukhang matagal na ang katawan nito dito.. At katabi naman nito ang mga katawan na nawawala ng aming mga kasamang pintay..




     Sinara ni kuya jayson ang pinto ng chiller.. "Kung ganoon tama ang hinala natin.." hindi maka paniwalang sabi ni ate jem..




    "Bumubuo talaga siya ng isang tao sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan ng mga kasama natin.." dugtong ni tyrone..






    Natahimik kaming lahat at tila pinoproseso ang mga nakita namin sa aming isip..




    "Kung nandito ang bus na ito.." napatingin kaming lahat kay kuya jayson ng sabihin niya iyon..






     "kung tama ang pag kakatanda ko. Sinabi ni sr fajardo na ang start ng pangalan ng killer ay letter F.." dugtong ni ate jem..





   "Sino pa ba ang letter F Na nag sisimula ang pangalan na kasama nating pumunta dito?." sabi ni tyrone..






    "Hindi kaya si kuya fra------- ahhhhhhhhhhh" Hindi na tuloy ni lhei ang kanyang sinasabi dahil may malakas na kumalabog sa harap ng bus. Dahilan ng pag tigil namin sa pag uusap..







    Napatingin kaming lahat sa taong nasa harapan ng bus.. Ngumisi ito ng nakakatakot..




   "Tama ako nga.. Ang tagal niyo namang nalaman.. Hindi ko akalain na ganyan kayo mga kamangmang.." Nakakalokong sabi nito. At dinilaan pa ang kanyang hawak na malaking itak..
















.......







hotel in laguna (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon