Kabanata 37

20 4 0
                                    




   Paolo's POV


 

       "Ate nett!!!!.." sigaw ni lhei ng makita namin ang nasa harapan namin..




    Nagulat ako ng bumagsak si ate jem sa lupa.. Kaya agad siyang dinaluhan ni lhei at kuya jayson..




     "Jem pls. Gumising ka.." Takot na sabi ni kuya jayson..





    Samantalang kaming apat ay nakatingin pa rin sa harapan.. Hindi maka paniwala sa nakikita. Si ate nett..


     "A-ate nett.." takot na sabi ni tyrone at tuluyan na din napa iyak..



   Grabe ang sinapit ni ate nett.. Napaka walang awa ng gumawa..


    Nag lakad ako papunta sa kanya ng may maramdaman ako sa bandang pa aanan ko.. Napa yuko ako para matignan iyon. Ganun na lang ang gulat ko at napalundag pa sa takot. Dahil ang natatapakan ko ay isang binti ng tao..



  Nabalik ang paningin ko sa itsura ni ate nett.. Nakadipa ito at naka tusok ang katawan sa malaking sibat.. Ginawa itong scarecrow. Duguan ang damit nito at halos hindi na makikilala ang itsura dahil marami itong saksak sa mukha..





    Nakaharang pa ang magulo nitong buhok sa kanyang mukha. Tinakpan ko ang bibig ko ng mapatingin ako sa bandang baba niya.. Wala na siyang balakang at halos tumutulo pa ang dugo na nang gagaling sa hating katawan niya..


     Nilipat ko ang paningin sa mga binting nasa paanan ko. Kung ganoon kanya ang mga ito...



    Napa upo ako sa pang hihina at tinakpan ang mukha gamit ang aking mga kamay.. Nahilamos ko iyon dahilan para maramdaman ko ang luhang tumutulo na pala galing sa aking mata..




    "Tang ina talaga.!! Napaka hayop niya!!  Wala siyang puso..!! Dapat sa kanya mamatay din..!!!.." galit na sabi ni alex habang pinag susuntok ang katabi nitong puno.



     "Papatayin ko siya.!!" Sabi ko at napatingin ulit sa itsura ni ate nett. Hindi ako makapaniwala na ganto ang kanyang kinahinatnan ..


    "Kung ganoon balakang naman ang kinuha sa kanya.." Seryosong sabi ni nick..



    Tama siya.. Wala nga ang balakang na parte ni ate nett.. "mukhang makaka buo na siya ng tao.!" Kuyom na kamay na sabi ko.. "Habang tayo ay wala man lang ginagawa para matigil ang pag patay niya sa atin ginagawa niya tayong parang hayop at kinukuha kung ano man ang parte na kanyang kaylangan.." Dagdag ko pa..




     "Lalabanan ko na siya.." Galit na sabi ni alex..


   "Paano?!.. Ni hindi nga natin alam kung sino ang totoong pumapatay..! Ni wala tayong ideya kung anong itsura niya!." Galit na sigaw ni nick kay alex..


   "Anong gusto mong mang yare..?! Tumakbo nanaman tayo papalayo sa kanya?!." sigaw ni alex sa kanya.. "Samantalang kahit saan naman tayo mag punta ay naaubatan pa din niya tayo!!!.." dagdag nito..



     "Pano nga tayo lalaban kung hindi natin alam kung sino ang ating kalaban..?!" Galit na sabi ulit ni nick..


   "Sino ang isusunod niya?! Si lhei o si ate jem!!? Hihintayin pa ba nating isa nanaman sa kanila ang mawala bago tayo kumilos..!!!" Nang gigigil na sigaw ni alex na dahilan ng pag tahimik naming lahat..



    Tama si alex.. Dahil pag wala pa kaming ginawa ay isa nanaman ang mamatay sa amin.


   Nahulog kaming lahat sa malalim na pag iisip.. Na tahimik ang buong paligid tila walang gustong mag salita sa amin..



     Napatingin kaming lahat ng mag kamalay si ate jem at dirediretsong tumayo na parang walang ng yare. Nakatingin ito sa isang lugar bago binaling ang paningin kay ate nett..


    Humakbang ito papalapit kay ate nett at nanginginig ang kamay na hinaplos ang mukha nito.. Tumulo ang kanyang mga luha.. Habang Ina alis ang buhok na naka harang sa mukha ni ate nett..




   Napayuko ako ng marinig ang malakas na hikbi ni ate jem. Patuloy niyang nililinis ang mukha ni ate nett. Na para bang sa paraan na iyon ay maalis ang mga sugat nito sa mukha at babalik ang dating itsura nito..


    "Ipag hihiganti kita nett.. Pangako!" Nang sabihin iyon ni ate jem lahat kami ay napatingin sa kanya.. Seryoso na ulit itong nakatingin sa isang direksyon..




    Nang tignan ko iyon ay alam ko na papunta iyon sa ilog.. Pero sa ibang parte naman siya ng daan.. Inanigan ko pa kung ano tinitignan niya duon pero puro sanga lang naman ang nandoon..



    "Ilibing na natin ang katawan ni nett.. Pag katapos ay may pupuntahan tayo.." Seryoso nitong sabi..






    Nag katinginan pa kaming tatlo nila nick at alex bago kumilos at initak  ang sibat na nakatayo sa harap para maputol.. Hinayaan na lang namin ang katawan ni ate nett sa sibat na iyon..



   Nang matanggal namin ito sa pag kakatayo ay agad kaming nag hukay dun din mismo para duon na lang ilibing ang katawan ni ate nett..






   Hingal kaming napa upo ng matapos namin ilibing ang katawan ni ate nett..


    "Tumayo na kayo at sumunod sa akin." Sabi ni ate jem.. Nag lakad ito papunta sa direksyong kanina niya pa tinitignan.. Kaya kahit pagod pa ay pinilit naming mag lakad at sumunod sa kanya..



    Huminto si ate jem kaya napatingin kami sa harapan. Tama nga ako.. Yung ilog nga ito pero nasa likod na bahagi kami ngayon ng ilog.


   "Nang himatayin ako ay naka usap ko si tin. Yung batang multo. Umiiyak ito at ng hihingi ng tawad.. Bilang kapalit ay tinuro niya sa akin ang lugar kung saan nag tatago ang kriminal.." Mahabang sabi ni ate jem..



     Nagulat kaming lahat sa sinabi niya.." Saan daw?! "Tanong kagad ni kuya jayson..



      Tinuro ni ate jem ang isang maliit na daanan sa gilid ng ilog..



    Nag lakad kami papunta duon.. Ng makarating kami ay hindi namin inaasahan ang aming makikita..













........




hotel in laguna (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon