Epilogue

28 3 0
                                    





Lhei's POV

"Lhei.. Tawag ka ni kuya jay.." sabi sakin ni alex..

Tumango ako sa kanya.. At hinayaan mo na siya sa reception desk.. Pinalitan niya ako.. Kaya agad naman akong nag lakad pa punta sa kitchen..

5 yrs na ang nakakalipas simula ng mang yare yon.. Mukha man kaming mga okey pero naka tatak pa sa mga isip namin ang trahedyang ng yare duon.. Kung san namatay ang mga kasamahan namin..

Nandito kaming lahat ngayon sa isang hotel sa manila.. Pag mamay ari pa din ito ng mga amo naming napatay din duon sa laguna.. Bali ang mga anak na lang nila ang nag patuloy nito.

"Kuya pinapatawag mo daw ako.." sabi ko ng makapasok ako sa luob ng kitchen..

Napatingin sila sa akin.. Napakunot pa ang noo ko ng makita ko silang tatlo na seryosong nag uusap.. Naka upo sila sa isang lamesa.. Katabi ni kuya si paolo. Kaya umupo ako sa tabi ni nick. Nasa tapat ko na ngayon si kuya jayson..


Napatingin ako sa hawak ni kuya na nasa ibabaw ng lamesa.. Isa iyong brown envelope.. "Ano yan?.." nag tatakhang tanong ko..

Inabot naman sakin yun ni kuya jayson.. Nang pag ka kuha ko sa kanya ay agad ko iyong binuksan.. Tumambad sakin ang mga picture.. Natulala naman ako at nanginig.. Naramdaman yon ng katabi kong si nick.. Kaya inakbayan niya ako para kumalma..


Habang tinitignan ko ang mga larawan ay isa isang nag sipatakan ang mga luha ko.. Lahat ng pang yayare na naganap sa laguna.. May kuha ng picture.. Ultimo pag dating palang namin nuon..

Napatingin ako kay kuya jayson ng mahawakan ko ang isang litrato.. Seryoso lang din nakatingin sakin si kuya jayson. Tila ba tinitignan ang magiging reaksyon ko..

Binalik ko ang tingin ko sa litratong hawak ko.. Kami iyon.. Kakarating lang namin sa hotel.. Sa picture nakita na parang binuksan ang gate. Na aalala ko ito.. Si manang lordes ang nag bukas ng gate nuon.. Pero nakakapag takha dahil wala siya sa picture.

"Anong ibig sabihin nito kuya.." naguguluhang tanong ko..

"Hindi ko din alam.. Pinadala lang yan sa atin. At naka pangalan sating anim.." seryosong sabi niya..

Kinuha ni paolo ang maliit na usb na kasama sa envelope.. "Ano kaya ang laman nito.." Nag tatakhang tanong niya samin..

"Mamayang gabi pumunta kayong lima sa bahay.. Duon natin titignan kung anong meron sa usb na yan.." Seryosong sabi ni kuya jay.. Sige na mag si balik na kaya sa work.. Mag uuwian na din..

Agad kaming sumunod sa sinabi niya.. Nag linis lang kami saglit at pag ka tapos ay sabay sabay na kaming umalis at pumunta sa bahay ni kuya jayson.. Kumpleto na kaming anim ngayon..

Pag ka pasok namin sa bahay nila kuya jayson ay agad kaming dumiretso sa kwarto niya.. Umupo kami sa kama.. Lahat kami ay tahimik.. Kinuha ni kuya jayson ang laptop niya at sinuksok duon ang usb..

Isang file lang ang meron sa loob ng usb.. Kaya binuksan iyon ni kuya jayson.. Nagulat pa kami ng video ang laman nuon..

Nung una puro dilim lang ang laman ng video.. Pero makalipas ang ilang minuto ay nag simulang mag play ang video kung saan kaming lahat ay nasa bus pa lang..

Yun yung time na papunta kami sa laguna.. Tuluyan na akong humagulgol ng mag tuloy tuloy ang video.. Lahat ng mga pang yayare.. Pati ang pag kamatay ng mga kasama namin ay naka record duon. Nakita din namin kung pano pinatay ni alexis si carlo at sa video na yon.. Wala ang mga taong nakasalamuha namin duon.. Parang kaming mag kakaibigan lang talaga ang nanduon..

Hinang hina na ako ng malapit na matapos ang video..

"Hindi pa tapos.. Nag uumpisa pa lang.." Malakas na basa ni alex sa naka sulat sa screen.. Bago mamatay ang video..


"A-anong ibig sabihin nito.." umiiyak na tanong ko.






Napatahimik kaming lahat.. Walang ibang. Marinig kundi ang hikbi ko lang..

Ilang sandali pa ng mag salita si kuya jayson.. "Sino kaya ang nag padala ng video.. At sino Ng nag vivideo satin..".. Naguguluhang tanong niya..


Napatingin ako sa envelope na katabi ng laptop.. Kinuha ko ulit yun at tinignan ang mga larawan.. Ganun na lang ang gulat ko ng makita ang hiling larawan.. Nabitawan ko iyon kaya Napatingin sila duon..

"Ano to.. Hindi ko to nakita kanina.." Sabi ni nick..

Napatulala silang lima ng makita nila kung sino ang nasa huling picture.. Napatakip ako sa bibig ko para hindi ako mapa hagulgol ng malakas..

Nakita ko din kung pano unti unti tumulo ang luha ni kuy jay.." S-si jem.." nakatulalang sabi niya..

Tama si ate jem ang nasa picture.. Naka piring ang mga mata nito.. Naka upos sa isang bangko.. Naka tali ang mga kamay at paa. Kitang kita din ang mga galos nito sa katawan..






"Anong.. Sino nanaman ang may kagagawan nito.. Akala ko tapos na.." Umiiyak na sabi ko..













...

Yay..
Sana nagustuhan niyo po itong story na ito..

hotel in laguna (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon