Coffee 12

407 25 5
                                    

Baekhyun's POV

Rays of sunshine reflected through the glass windows of the room which made me shift my position to the other side of the bed. I was about to go back to sleep when I felt a hand on my shoulders.

"Baekhyun, gising na." rinig kong sabi ni Kyungsoo.

"Mamaya na Soo. Ang aga pa eh!" pagrereklamo ko sa kanya. Naramdaman ko naman siyang napabuntong hininga at umalis na sa kama ko. Bigla naman niyang binuksan yung mga kurtina ng buo kaya nasisilawan ako sa sinag ng araw. Kinuha ko yung kumot na nakabalot sa akin at tinakpan yung mukha ko. Inaantok pa kasi ako at tinatamad pa akong bumangon.

"Gumising ka na kasi Baekhyun." sabi ni Kyungsoo.

"Maaga pa nga eh!" sabi ko nang hindi tinatanggal yung kumot. "Bakit ba nagmamadali ka?"

"Pupunta pa kasi tayo ng Venice." sabi niya. "Sinabi rin ni Suho hyung na kailangan maaga tayong umalis para mas marami tayong oras na magliwaliw. Kaya gumising ka na dyan o gusto mo ng ibang paraan para gisingin kita?" pagbabanta niya sa akin kaya naman tinanggal ko agad yung kumot habang nakapout. Umupo ako mula sa pagkakahiga ko habang kinukusot ang mga mata na halos hindi ko mabuksan at ginugulo ang buhok ko.

"Eto na nga. Gising na." sabi ko.

"Good. Gisingin mo na rin yang si Park Chanyeol."

"Bakit ako pa ang kailangang gumising sa kanya?"

Napa-crossed arms naman siya at tiningnan ako. "Gigisingin ko pa ang tulog mantika kong boyfriend kaya keri mo na yan!" sabi niya at ginising na si Jongin. Tumayo naman na ako at lumapit sa kama ni Chanyeol upang gisingin ito. Inalog alog ko ang mga balikat niya pero parang wala siyang nararamdaman. Mas nilakasan ko pa ang pag alog sa kanya pero wala pa rin. Napabuntong hininga ako dahil sa inis kasi una, gumising ako ng maaga at pangalawa, kailangan ko pang gisingin itong bakulaw na ito.

Inayos ko ang tayo ko at huminga ng malalim. Wala na akong maisip na ibang choice kundi gawin ito.

"ARAY! BAEKHYUN!" sabi ni Chanyeol habang nakahawak sa balikat niya.

"Ayan kasi, ginigising na nga, ayaw pang gumising. Gusto kasi yung nasasaktan pa eh. Psh!" sabi ko at inirapan siya.

"Wala man lang 'Good Morning' dyan?" tanong niya at umupo sa kama niya.

"Wala."

--------

"So guys, apat na tao lang ang pwedeng sumakay sa bawat gondola." sabi sa amin ni Suho hyung kaya magkaka grupo uli yung mga grupo kahapon. Sumakay naman na yung iba at naiwan kami dito nina Kyungsoo, Chanyeol at Jongin habang hinihintay yung gondola na sasakyan namin. Nang dumating iyon, unang sumakay sina Kyungsoo at Jongin. Pasakay na rin sana ako nang tingnan ako ni Jongin ng 'Please hyung, leave the two of us alone.' look.

"Oh? Bakit hindi pa kayo sumasakay?" tanong ni Kyungsoo pero nginitian ko nalang siya.

"Uhmmm... dun nalang kami ni Chanyeol sa kabilang gondola." sabi ko at nakita ko naman siyang ngumiti.

"Ayiiee~~~ Gusto mo lang masolo si Chanyeol noh? Good for you Baekhyun!" sabi niya at magproprotesta pa ako nang sabihan niya yung taga sagwan na paandarin na yung gondola. Bago pa sila makalayo, tiningnan ako ni Jongin na para bang nagpapasalamat siya at inakbayan niya si Kyungsoo.

"Kaya pala, gusto mo akong masolo." sabi ni Chanyeol na may nakakalokong ngiti. "Sana sinabi mo agad."

"Asa! Hinayaan ko lang yung dalawa na magsama." sabi ko at maglalakad na sana palayo nang bigla niya akong hinila at isinakay sa gondola.

Love At A Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon