Coffee 10

644 30 9
                                    

Baekhyun's POV

"Woahhhh!!!" rinig kong sabi ng ilan sa mga kaibigan ko pagkalabas namin ng airport. Kasalukuyan naming hinihintay yung bus na nirentahan ni Suho hyung para ihatid kami sa hotel.

"Ang swerte talaga natin dahil may kaibigan tayong mayaman katulad ni Suho hyung!" sabi ni Tao at inakbayan si Suho hyung.

"Oo nga eh! Thank you talaga hyung! Saranghaeee~~!!" sabi naman ni Jongdae at akmang yayakapin na sana si hyung nang biglang huminto ang isang bus sa harapan namin at sabay sabay naming nilapitan yun which resulted na medyo natamaan namin si Jongdae.

May lumabas naman na isang magandang babae mula sa bus at agad namang nilapitan si Suho hyung at nag shake hands silang dalawa. Nag usap sila sandali pero hindi naman namin maintindihan kasi ewan ko, Spanish or Italian ata yung lenggwahe na ginagamit nilang dalawa. Pinag aral kasi si hyung ng iba't ibang languages ng parents niya katulad nalang ng Mandarin, English, Spanish, Japanese, French at marami pang iba. Mostly yung mga sikat na languages lang naman yung inaral niya para marunong siyang makipag-usap sa mga business partners at investors ng komapanya nila kapag napasa na sakanya ang posisyon ng pagiging CEO.

Maya't maya pa, inaya na kami ni hyung na pumasok sa loob ng bus habang dala dala yung mga bagahe namin. Ang ganda nga ng bus eh! Double deck siya tapos sa taas walang bubong! [Yung sinakyan ng EXO nung nasa Hongkong sila. Sa first box.] Kaya naman malalanghap mo talaga yung malamig at sariwang hangin ng lugar na ito. Nagselca pa nga ako eh! Para naman maipost ko sa instagram at maipagmayabang ko sa mga followers ko.

Ito yung caption, "Chillin' somewhere in Europe. Thank you Suho hyung for bringing us here! #Europe #YOLO #MainggitKayo #Hahaha #Bye"

Sabay pindot ng post. After a few seconds, may mga naglike at comment na! So happy!

'Wow! Dapat sinama mo ako!'

'Kaiingit naman! Sino ba yang kaibigan mo at makikipagkaibigan din ako sa kanya!'

'Cool'

'I want to go there too.'

'Waahhh!! You're so lucky!'

'My Baekhyun is so cute in here! <3 <3 >3<'

Ugh! Ito nanaman tayo sa stalker kong giant. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatingin sabay ngiti sa akin habang winawave yung phone niya sa akin. Umayos ako ng upo at pinagtuunan ko ng pansin yung phone ko. Mareplayan nga.

'@Baconshusband Oy Chanyeol! Tigilan mo ako ah! And what's with that username of yours?!'

'@Byun_kkaebsong Bakit naman bacon ko? Ayaw mo ba ng username ko? TT^TT'

'@Baconshusband Hindi ba obvious? At hindi ako bacon noh! Putulin ko yang mga tenga mo eh!'

'@Byun_kkaebsong Awwww.... wag naman po! Gusto ko pang marinig yung boses mo eh! Tsaka I want to hear you moan my name when we...you know... *insert playful smirk*'

'@Baconshusband Arghhh!! Bwiset ka talaga! Never mangyayari yun! In your dreams!'

Inexit ko na yung app bago pa siya makapagreply. Naiinis talaga ako sakanya! Bakit pa kasi siya isinama dito eh! Naramdaman ko naman na may kumalabit sa akin kaya naman napatingin ako only to see Kyungsoo taking a seat beside me.

"What's with the face, Baek?" tanong niya sa akin. "Si Chanyeol nanaman noh?"

That name again...

Love At A Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon