Coffee 11

462 29 6
                                    

Baekhyun's POV 

Did she just kissed him?!

Bigla namang sumugod si Kai dun sa babae.

"YAH! YOU...YOU....! WHY K-KISS?" sabi ni Kai nang higitin niya yung braso ni Kyungsoo at inilapit sa kanya habang nakatingin ng masama dun sa babae na humalik dun kay Kyungsoo ngayon ngayon lang. Kumunot naman nung noo nung babae habang nakatingin kay Kai at lumipat din yung tingin niya kay Kyungsoo.

"Bulok naman yung English ni Jongin eh! Hahaha!!" sabi nitong katabi ko habang tumatawa.

"Heh! Parang ang galing mo mag-english ah!" sabat ko sa kanya. Tumigil naman siya sa katatawa at ginulo yung buhok niya.

"Sabi ko nga." sabi niya and put on his serious expression which I found cute.

"Manahimik ka nalang at tingnan nalang natin yung nangyayari." sabi ko sabay nguso dun sa tatlo.

"What's with him?" tanong nung babae kay Kyungsoo.

"Oh, don't mind him. He's just throwing some tantrums right now." sabi naman ni Soo habang nakangiti.

"Hyung, ano bang pinagsasasabi mo dyan? Hindi ko maintindihan eh!" sabi ni Kai kay Soo at bumaling yung tingin niya dun sa babae. "And you! Why kiss namja chingu? Wait, ano ba sa english yun?" tanong ni Kai sa sarili niya kaya naman napa facepalm kami nitong katabi ko.

"Ganun ba talaga katanga si Kai sa english?" tanong niya sa akin pero hindi ko siya sinagot. "Eto na nga, mananahimik na."

"Ahm... namja chingu.... boy...b-boy.. ah! boyprendeu!" sabi ni Kai at napapalakpak sa sarili niya. "Why you kiss my boyprendeu?! Ow, hyung?!" galit na tanong niya nang siniko siya ni Soo.

"Boyprendeu?" tanong nung babae.

"Boyfriend."

"He's your boyfriend?" gulat na tanong nung babae habang nanlalaki yung mga mata niya.

"Yeah, unfortunately, he is.." sabi naman ni Kyungsoo.

"Well, you've got some jealous and possessive boyfriend indeed." sabi niya habang nakangiti at tinap yung balikat niya. "So, I'm going now. Nice meeting you again, Kyungsoo, right?"

"Right. It was nice meeting you too Tiffany. Oh, and sorry about my boyfriend."

"No, no. It's fine." sabi niya at akmang hahalikan ulit si Soo pero tumigil siya.

"Oh, I forgot, your jealous boyfriend is watching. I hope we'll meet again. Bye!"

"Bye!" sabi ni Kyungsoo habang pinapanuod namin yung babae na umalis.

Nang makalayo na yung babae, pinagalitan naman ni Kyungsoo si Jongin. Habang eto kami ni Chanyeol, nanunuod pa rin.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa akin.

"Ewan ko, gusto kong pumunta siguro sa isang cosmetics shop para bumili ng eyeliner." sabi ko at tumingin sa kanya.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na yun yung form ng greeting nila?"

"Eh bakit kasi sa ganung paraan pa? Ang dami dami namang ibang paraan diyan eh!"


"Gusto mong samahan kita?" tanong niya sa akin.

"Ayaw ko nga, ano bang alam mo sa eyeliner? Si Kyungsoo nalang isasama ko noh!" sabi ko at inirapan siya.

"Alright. Sabi mo eh!" sabi niya and walked towards Jongin and Kyungsoo. Hinablot naman niya si Jongin kaya naman tumigil yung dalawa sa pag aaway nila.

Love At A Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon