~ 6
>>>ELLY’S POV
“Alin po ang hindi ko naaalala?”
Nagtinginan lang sina Tito Carlos at Tita Madel. Tumango naman si Tita sa kanyang asawa at nagsimula nang magkwento si Tito Carlos.
“Erico, your father, we were the best of friends since college. Una ko siyang nakilala nung first day of class at kaagad kong nakasundo. Dahil na rin siguro sa parehong lugar kami nanggaling at pareho kami ng mga gusto. Sabay kaming gumraduate and he even received the Journalism Award for being the Corps Magazine EIC.”
Dumukot si Tito Carlos sa bulsa niya at kinuha ang kanyang pitaka. Kinuha niya rito ang isang wallet size picture. Iniabot niya ito sa akin at nakita ko ang larawan ng dalawang binata na nakapang-cadet uniform.
“Hiniram ko kay Daddy mo ‘yung medal nung nagpa-picture kami kaya ako ang may suot d’yan,” medyo nangingiting sabi ni Tito Carlos. “Your dad... He was a good man. He was a really good friend kaya naman nung ipinakilala niya sa akin na si Eloisa, ang mommy mo, na siyang gusto niyang mapangasawa, masayang-masaya rin ako para sa kanya.”
Habang nagkukwento si Tito Carlos, patuloy ko lang na tinitingnan ang larawan na hawak ko. So, this is how my father looks like.
I smiled. Now I know where I got my good looks and my skills in writing.
“Nauna lang ako ng mga tatlong buwan sa pag-aasawa. Pagkatapos nun, nagpakasal na rin sina Erico at Eloisa. Ang nakakatuwa pa, magkapareho din nung taon nagbuntis sina Madel at Eloisa. Madel, nasaan ba ‘yung picture nating apat nun?”
Tumayo naman si Tita Madel at kinuha ang isang photo album mula sa isang cabinet. Binuksan ito ni Tita at iniabot sa akin.
Nasa larawan ang dalawang babae at dalawang lalaki. Hawak-hawak ni Tito Carlos ang namimilog na tiyan ni Tita Madel habang ipinagbubuntis niya si Miguel. Yung isa namang babae ay si mommy. Nakaakbay naman si daddy sa kanya at bagama’t hindi pa kalakihan ang tiyan ni mommy, nakakatuwang isipin na nung kinuha ang larawang ito, ako ang nasa tiyan niya.
“You really look like your mom, Elly,” Tita Madel said.
Ngumiti ako kay Tita at muling tiningnan ang larawan. Yes. I really look like her.
“I was there, we were there nung ipinanganak ka, Elly,” Tita Madel added. “Maraming beses ko nang nakitang masaya sina Erico at Eloisa but that time, nung hawak-hawak ka nila, I knew that their happiness couldn’t be contained. You are their joy. You are their life.”
Tita Madel’s voice cracked. Gamit ang kanyang panyo ay pinahid niya ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata niya. Hinawakan naman ni Tito Carlos ang kamay ng asawa.
Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko. Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang aking kamay. Isinara ko na ang photo album at baka mabasa pa ito ng mga luha ko.
Napansin ko naman ang isang puting panyo na iniaabot sa akin ni Miguel. Tinanggap ko ito at pinahid ang mga luha ko.
Nagpatuloy sa pagkukwento si Tito Carlos. Nangako raw noon sina Daddy at Tito Carlos na kung sakali mang may hindi magandang mangyari sa isa sa kanila, ang maiiwan ang siyang mag-aalaga sa pamilya ng namayapa. Lagi sila noong napapa-assign ay sa lugar na may gera. While in a battlefield somewhere in Mindanao, nabaril ang daddy ko.
“Hanggang ngayon, iniisip ko pa nga rin... kung sana lang, sana lang wala akong sakit nung mga araw na ‘yun... Iba kaya ang nangyari? Nandito pa rin kaya si Erico? Ako ang partner ng daddy mo. We always stood at each other’s back but that time, I wasn’t there. I wasn’t there to protect his back.”
Nakatingin lang ako kay Tito Carlos at napapansin kong namumula na rin ang mga mata niya. Nagpatuloy lang sa pagluha ang mga mata ko.
Ngayon ko lang napansin ang nagtatakang itsura ni Michaela. Marahil hindi niya maintindihan kung bakit ako umiiyak pati na rin ang mommy at daddy niya.
“So when Eloisa heard the bad news, kaagad siyang nagpunta sa krame. Madel saw you and your mom na sumakay sa isang taxi. We were living in the same compound then kasama ang iba pang pamilya ng mga sundalo. But unfortunately, ang taxi na sinasakyan niyo ay nabangga ng isang van dahil sa lasing ang driver nito. Nung dumating na ang mga pulis at nabalitaan na rin namin ang nangyari kay Eloisa, you weren’t there. Your mom’s head was severely wounded because of the impact. Akala namin ay baka nahulog ka sa sasakyan but you weren’t found.”
Ngayon, medyo naiintindihan ko na ang sinabi ni Lola Corazon. Nakita niya ako sa isang taxi, puro dugo ang damit at katawan ko pero wala akong malalang sugat.
“You were eight years old then. Hinanap kita. We tried looking for you sa mga kamag-anak niyo, sa mga kaibigan namin pero wala. I never saw you since then. Until one day, that’s a few years ago, Miguel saw your name in the university publication.”
After so many years, that’s how they find me... through the publication... through my writing...
Matagal na pala nilang alam. Bakit ngayon lang nila sinabi sa akin?
Tila naman sinagot ni Miguel ang tanong sa utak ko.
“I was supposed to tell you the very first time I met you after seeing that article with your name but something wasn’t right,” Miguel said. “I even met you multiple times dahil magkaklase tayo nun sa Physics 01 during our second year but ---”
“But I don’t remember anything that happened before the accident,” pagpapatuloy ko.
“Please Elly,” tawag ni Tito Carlos. “Accept our offer. Live with us. It will be better for you and your memory.”
“You have been living alone for almost four years now,” sabi naman ni Tita Madel. “I think it’s time to give yourself a place you can call home.”
------------------
Thank you for reading. Please vote and comment.
~ Elaine Kitty

BINABASA MO ANG
Fragments
General FictionIt was just an ordinary day. Kagagaling lang ni Elly mula sa university nang makita niya ang isang bata na tatawid ng kalye kahit may parating na motorsiklo. Naging instant heroine siya nang dahil dito. Kaya naman, the little girl's parents are now...