~ 1

26 2 0
                                    

~ 1

>>>ELLY’S POV

Ngayon ang unang araw ng turo naman para sa first shift. Ako rin ang nauna sa grupo namin na magturo kaya naman eto ako ngayon, tatlong gamit ang dala-dala: isang hand carry bag, isang atache, at isang paper bag na may lamang instructional materials. Wew! Kung hindi lang malakas ang muscular system ko eh baka bumigay na ako sa paglalakad dito.

Kaninang first period pa naman ang turo ko kaya naman okay na ako. Pauwi na sana talaga ako kaso lang pinigilan ako ng best friend kong si Luna.

“Sige na, bes... Please?”

Pinipilit ako ng best friend ko na pumunta sa gym. May event kasi dun ngayon ang isang college at may mga guest performers daw from other colleges. Ito namang si Luna, narinig lang na magpe-perform yung favorite trio niya eh ayun! Pati ako eh hatak-hatak na papuntang gym.

“Inaantok na ako, bes. Kita mo namang may turo ako kanina eh tapos meron ulet bukas. Kelangan kong magbawi ng tulog.”

 

“Bes naman! Saglit lang naman ‘yun eh... Sige na, pretty please?” with matching puppy eyes.

“Hindi mo ba nakikita?” nakarating na kami sa entrance ng gym. “Andaming tao oh? Makapasok pa kayo tayo n’yan?”

“Bes naman!” pagmamaktol niya.

“Eh itong gamit ko, paano na?”

Bigla naman niyang hinablot yung atache at paper bag ko. At kahit pa naka-three-inch heels yun ay dali-daling tumakbo papasok ng library. Malapit lang kasi ang library sa gymnasium namin. Pagbalik niya ay inaabot niya sa akin ang isang number.

“Hinabilin ko muna sa library,” sabay ngiti niya. “Pasok na tayo?”

Tsk. Wala talaga akong lusot.

“Okay fine, whatever! Basta dapat ilibre mo ako ng lunch bukas.”

“Okay!”

At hinatak na niya ako papunta sa loob ng gymnasium.

***

Pumasok na nga kami ni Luna sa gymnasium pero pambihira lang oh. Sobra as in sobra as in sobra talagang dami ng tao sa gym. Ito yung dami ng tao tuwing may pep squad competition. At dahil nga sa madaming tao eh sobrang init at sobrang sikip. Tsk. Wa-poise naman ito oh! =__=

Pero itong kasama ko? Parang hindi alintana ang kasikipan at kainitan ng lugar. Kumbaga eh “go for the gold” itong si bestfriend. Hinawakan niya ang kamay ko at sa hindi ko malamang paraan eh ayun! Joke lang! Joke lang na hindi ko nalaman kong paano kami nakarating ng unahan. Ang hirap kaya.

FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon