~ 8
>>>ELLY'S POV
Tito Carlos and Tita Madel insisted that I spent the night there. Hindi na kasi namin namalayan ang oras. Late na pala at kung ihahatid pa ako ni Miguel, aabutin na siya ng alas-onse ng gabi para makabalik. In the end, I decided to stay overnight kahit wala akong damit na pampalit.
"Miguel, Micha," tawag ni Tito sa kanila. "Kindly show Elly to her room."
Kaagad naman akong hinila ni Micha papunta sa second floor ng bahay nila. Nahahati ang pasilyo sa dalawa. Lumiko kami sa kanan, bahagyang lumakad at nang tumapat sa isang pinto, binuksan naman agad ito ni Micha.
Pumasok kaming tatlo sa loob at bahagya akong namangha. Hindi naman sobrang laki ng kwarto ko pero kasing-laki nito ang dalawang kwarto sa boarding house na ino-occupy ng labing-dalawang estudyante.
"Welcome to your room, Ate Elly!" nakangiting sabi sa akin ni Michaela.
"Thank you," at ngumiti rin ako sa kanya.
"Sige, ate ha? Inaantok na ako eh. Goodnight," at nag-flying kiss pa ang cute na batang ito.
Patakbo siyang lumabas ng kwarto at maya-maya pa ay nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto.
"Pinabibigay nga pala ito ni Mommy," sabi naman ng natirang kasama ko sa kwarto. "Mga bago pa raw 'yan."
Iniabot sa akin ni Miguel ang mga damit na hawak niya.
"Thank you."
Ngumiti lang naman siya sa akin.
"If you ever need anything, don't hesitate to call me. My room is just across yours."
Tumuro lang siya sa bandang likuran at mula sa nakabukas na pinto, nakita kong may isa pang sa tapat ng kwarto ko.
Tumango na lang ako at muling nagpasalamat.
"Sige. I'll go ahead," tumalikod na siya at papalabas na ng kwarto.
"Miguel?" tawag ko sa kanya
Lumingon naman siya sa akin.
"I just wonder... Kung magkaibigan pala ang mga magulang natin, ang pamilya natin... Magkaibigan din ba tayo? I mean, are we also friends before?"
"Yes, you could say that," nakangiti niyang sagot. "But I have to say you were a very sociable kid back then," at bahagya siyang tumawa. "Goodnight, Elly."
"Goodnight, Miguel."
>>>MIGUEL'S POV
Tinanggal ko na ang uniform ko at nagpalit ng sando at pajama. Humiga ako sa kama at nakatingin lang sa kisame. Inilagay ko ang isang braso ko sa noo saka huminga ng malalim.
Pambihira! Normal pa ba sa isang tao ang nangyayari sa akin? Really? Ganito ba talaga 'yun? Ganito ba talaga ang feeling nun? Sa ibang tao naman eh madali lang ito. I mean, siguro nga hindi madali pero kaya at kinaya nila. Eh ako? Ano na? Haist!
Patuloy ko pa ring inisip ito kahit na hindi ko naman talaga alam ang maaaring solusyon dito. I was starting to fall asleep. Half-awaken, half-asleep, I heard a woman screaming. Akala ko nananaginip lang ako but the voice was so familiar.
My eyes suddenly opened widely and I rushed to the room across mine.
When I opened the door, nakita ko si Elly na nakahiga pero pabaling-baling ang ulo niya sa kanan at kaliwa.
"Mommy! Aaaaahhhhhh!"
Kaagad akong lumapit sa kanya at sinubukan siyang gisingin mula sa bangungot niya.
"Elly! Elly, wake up!"
Hinawakan ko siya sa mga balikat niya at bahagyang niyugyog.
Her eyes suddenly opened at kaagad siyang napaupo sa kama. Beads of sweat were dripping from her forehead and she's still shaking from fear.
Then he looked at me, her eyes still moistened with tears.
"Miguel."
The next thing I knew, she enveloped me in a hug habang umiiyak siya sa mga balikat ko. Niyakap ko rin ang maliit niyang katawan na nanginginig pa sa takot.
"Si Mommy... Niyakap niya ako... Niyakap niya ako kaya hindi ako namatay," she mumbled repeatedly.
"Puro dugo si Mommy, ang ulo niya, ang likod niya... I was crying nang may taong dumating... Si Lola Corazon, dinala niya ako at ginamot ang mga sugat ko," she continued.
"Ssshh," alo ko sa kanya. "Stop crying. Tama na. Tapos na 'yun."
We stayed in that position for I don't know how long. Nung tumahan na siya sa pag-iyak, she released me from her hug and now her hands were on my chest.
She was just looking at me nang mapansin kong bahagyang nanlaki ang mga mata niya. She looked down on our position and that was the only time we both realized that we're in a very awkward position.
Elly was straddling on me while I was holding her waist!
Kaagad kaming naglayo at pakiramdam ko ay biglang tumaas ang temperatura sa kwarto ni Elly.
"I'm sorry."
Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang kanyang mga kamay.
I tried pulling her hands from her face. Pinaharap ko siya sa akin at sinabing,
"Okay na 'yun. Forget about that. It doesn't matter. Ang mahalaga ay ikaw. Are you going to be okay tonight?"
Tiningnan lang niya ako at tila nag-aalinlangan.
"Could you...," she gulped. "Could you stay with me until I fell asleep?"
I smiled and said, "Of course."
Humiga na ulit siya and I tucked her into bed. Naupo lang ako sa gilid ng kama niya at pinagmasdan siya habang natutulog. She's still the Elly I used to know at kanina habang yakap-yakap ko siya, she still smells the same. She still wears that fruity floral scent that I used to love.
I slightly caressed her wet cheek and whispered,
"Don't you really remember me?"
BINABASA MO ANG
Fragments
Genel KurguIt was just an ordinary day. Kagagaling lang ni Elly mula sa university nang makita niya ang isang bata na tatawid ng kalye kahit may parating na motorsiklo. Naging instant heroine siya nang dahil dito. Kaya naman, the little girl's parents are now...