~ 5

22 1 0
                                    

~ 5

 

>>>ELLY’S POV

Pumasok na kami sa bahay ng mga Alvarez. Hila-hila naman ako ng kapatid ni Miguel na si Michaela. Kung ang labas ng bahay ay maganda, wala pa ritong sinabi ang loob. Maaliwalas ang bahay nila at napakalinis. Gawa sa granite ang kanilang sahig at black and white ang kulay ng bahay.

Mula sa isang pintuan na sa palagay ko ay kusina, lumabas ang isang magandang babae na nasa kanyang mid 40’s at masaya kaming binati.

“Welcome to our home, dear!”

Ito siguro ang mommy nina Miguel at Michaela.

Nakangiti siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

“Welcome home, Elly.”

 

I stiffened. Hindi ko alam kung dahil sa alam na niya ang pangalan ko na maaaring nabanggit ng magkapatid sa kanya o dahil sa isang salita na matagal ko nang hindi nararanasan.

“Honey, don’t get too excited. You might scared the young lady,” sabi ng isang lalaki na bumaba sa hagdan.

He must be their father. Kahit saglit ko pa lang nakikilala si Miguel, hindi maipagkakaila ang pagkakatulad ng mag-ama.

“Come on! Let’s eat.”

Naupo sa kabisera ang daddy nila. Naupo naman ang mommy nila sa bandang kanan at tumabi si Michaela sa mommy niya. Si Miguel naman ay pumwesto sa kabilang side.

“Sige na, hija. Sit beside Miguel,” sabi sa akin ni Tita.

Nahihiya man ay naupo ako sa tabi ni Miguel. Inilabas na ang pagkain at nakakalula ang dami nito. Dinaig pa ang may pa-fiesta samantalang 5 lang naman kaming kakain, bata pa ang isa.

Habang kumakain, tinanong nila ako kung ano raw ba ang degree program na kinukuha ko. Tinanong din nila ako ng mga basic information like saan daw ba ako nakatira at nasaan ang parents ko.

“Hindi ko na po nakilala ang mga magulang ko,” mahina kong sagot. “Si Lola Corazon po ang nag-alaga sa akin mula pa noong bata ako. Ang sabi po niya, nakita niya po ako sa loob ng isang nabunggong sasakyan. Hindi ko po kamag-anak si Lola pero siya po ang kumupkop sa akin. Nasa abroad din naman po nun ang mga anak niya kaya kaming dalawa lang talaga ang magkasama nun.”

Nagpatuloy pa rin ang light conversations namin. Nalaman ko na fourth year college na rin pala si Miguel at BS nursing ang degree program niya, obviously. Si Michaela naman ay grade 1 pa lang. Mukha namang matalino at very active na bata si Michaela pero sadyang kailangan pa ng patnubay sa pagtawid. Hehehe.

“Elly,” tawag sa akin ng daddy nila.

Katatapos lang namin ngayong kumain ng dessert.

“We just want to thank you for saving our daughter. Nagalusan ka pa tuloy. Pasensya na rin ha? She can be really mischievous at times.”

“Daddy naman eh!” angal ni Michaela habang naka-pout pa

I smiled. “Wala po ‘yun. Kung kasing-cute at kasing-ganda naman po ni Michaela ang ililigtas ko ay hindi na po bale. Wala po kayong dapat alalahanin, Mr. Alvarez.”

Tumingin ako kay Michaela at bigla namang lumawak ang ngiti niya.

“Please drop the formalities. You can call me Tito Carlos. And this beautiful woman beside me, call her Tita Madel.”

Tumango lang naman ako.

“Actually, Elly,” Tita Madel said. “We have something more important to tell you.”

 

“Ano po ‘yun Tita?”

 

“You’re Tito Carlos and I...,” she paused. “We actually own the place where you live.”

 

“Po?”

I still can’t believe it. Ang sabi kasi sa akin ni Prof. Ramirez, ang adviser namin sa publication ay kasama raw talaga sa scholarship ‘yung libreng boarding house pero sa chosen few lang kaya ‘wag ko raw ipagsasabi pero ngayon...

“Kaya po ba libre akong tumitira dun ay dahil sponsored niyo at hindi dahil sa kasama ‘yun sa scholarship ko as member of the school publication?”

Tumango lang naman si Tita Madel at ngumiti.

“Naku! Maraming maraming salamat po! Hindi niyo po alam kung gaano kalaking tulong nun para sa akin.”

Sa totoo lang ay gustung-gusto ko nang tumayo sa kinakaupuan ko at kamayan sina Tito Carlos at Tita Madel.

Nakangiti lang naman sa akin ang mag-asawa.

“Thank you po talaga,” I said again.

“Hija, kulang na kulang pa ‘yun,” sabi ni Tito Carlos.

“And since you’re practically family... From now on, we want you to stay with us,” sabi naman ni Tita Madel.

Ano raw? Practically family? Hindi kaya sila nabibigla? Alam kong medyo heroic ‘yung ginawa ko kay Michaela pero this is too much...

“Madel, don’t you remember what Miguel told us? She doesn’t remember,” sabi ni Tito Carlos sa asawa niya.

Napatingin ako sa katabi ko, kay Miguel. Nakatingin lang din naman siya sa akin.

“Alin po ang hindi ko naaalala?”

--------------------

Thank you for reading. Please tell me what you think of this story. Don't hesitate to vote and comment.

~ Elaine Kitty

FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon