~ 7

11 2 0
                                    

~ 7

 

>>>ELLY'S POV

 

 "You have been living alone for almost four years now. I think it's time to give yourself a place you can call home."

 

At sino ba naman ako para tanggahin pa sila?

Alam kong kung sa pag-ibig ay parang whirlwind romance ito pero there is this feeling, this instinct na nagsasabi sa akin na I know them more than what I could remember.

I lost my memory, that's for sure. But I guess, some things are still attached to me especially those that involved good memories and emotions.

Matapos ang dinner, nakipagkwentuhan pa ako kina Tito Carlos and Tita Madel. Si Michaela naman ay hawak-hawak ang barbie doll niya at nilalaro ito. Si Miguel naman na katabi ko ay tahimik lang at busy sa pagkain ng nachos.

"Really?" may pagkagulat sa tono ni Tita Madel. "How come na ang isang magandang dalaga na tulad mo ay wala pang boyfriend?"

 

"Tita, it's a luxury I can't afford," paliwanag ko. "Magastos pong mag-boyfriend. Kailangan na lagi kang may load tapos lagi pa kayong kakain. Kakahiya naman kung si boyfriend na lang po ang laging magbabayad tapos may pa-monthsary-monthsary pa po. Magastos talaga."

Tumawa naman sina Tito Carlos at Tita Madel.

"I really like this girl," sabi ni Tito Carlos sa asawa. "Napakapraktikal. Para ka talagang si Erico."

Ngumiti lang naman ako sa kanila. Totoo naman 'yung sinabi. Ang pagkakaroon ng katipan ay luho para sa akin. Wala akong time at lalo akong walang pera para sa bagay na 'yun.

"Son," bigla namang tawag ni Tito kay Miguel. "Sa perspective ng isang binatang hindi pa nagkaka-girlfriend, sa palagay mo bakit wala pang boyfriend si Elly?"

Talaga? Really? Miguel Alvarez? NGSB?

Tumigil siya sa pagkain ng nachos at matamang tiningnan ang mga magulang niya. Maya-maya, inilipat niya ang mga titig niya sa akin saka sumagot,

"Siguro dahil ayaw niyang mag-entertain ng mga manliligaw niya o kaya naman...," he paused at tila nag-isip. "O kaya naman natotorpe pa 'yung lalaking may gusto sa kanya."

Hindi niya pa rin inalis ang tingin niya sa akin at sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko rin magawang mag-iwas ng tingin sa kanya.

"Ubos na pala itong nachos," sabi ni Miguel sabay tayo. "Kukuha lang po muna ako sa kusina."

Miguel excused himself, kinuha ang lalagyanan ng nachos at tumungo na papuntang kusina when Michaela suddenly blurted out,

"Kuya, bakit namumula ang tenga mo?"

Napatigil si Miguel sa paglakad na tila ba nagulat. Hindi naman siya lumingon kundi lalo pang binilisan ang pagpasok sa kusina.

—————-


Please vote and comment. Thank you for reading!

FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon