~ 4
>>>ELLY’S POV
“You’re Elly, right?”
Tumango lang ako.
“Come with me,” sabi niya sabay lahad ng palad niya. “You have to meet my parents.”
“Ha?”
Tuluyan na niya akong isinama. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. He was not dragging me but this scene was enough for me to receive curious looks and deadly glares from different girls around the campus. Nakababa na kami ng college building at naglalakad na sa covered walk.
“Dali na, Eya,” sabi ng batang lalaki sa kalaro habang hinihila ito. “Anong oras na? Baka makalampas ang InuYasha.”
“Tumatakbo na nga tayo, di ba?”
“Okay ka lang ba?”
Tanong sa akin ng kasama ko na nagpabalik sa akin sa realidad.
“Ha?”
Nakaharap na siya sa akin pero hawak pa rin niya ang isang kamay ko.
“Bigla kang tumigil paglalakad. May problema ba?”
Napalunok ako. Bakit ba kasi napapadalas ang paglabas ng dalawang bata na ‘yun sa utak ko?
“Eh kasi,” think Ellly, think! “Pasaan ba kasi tayo? Bakit ba sabi mo eh kailangan kong makilala ang parents mo?”
He looked around.
“Look,” at hinawakan pa niya ang isa kong kamay. “Hindi naman kita kikidnapin o gagawan ng kahit na anong masama. It’s just I really don’t like people staring at me like this. So, pwede bang sa biyahe ko na lang ipaliwanag?”
“Eh paano naman tayo hindi pagtitinginan? Kanina pa kaya tayo holding hands while walking,” epal ng subsconscious mind ko.
“Okay,” at yun na lang ang naisagot ko.
Nakarating na kami sa may gymnasium kung nasaan ang parking area. Lumapit kami sa isang pamilyar na kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto ng passenger seat.
***

BINABASA MO ANG
Fragments
General FictionIt was just an ordinary day. Kagagaling lang ni Elly mula sa university nang makita niya ang isang bata na tatawid ng kalye kahit may parating na motorsiklo. Naging instant heroine siya nang dahil dito. Kaya naman, the little girl's parents are now...