~ 2

22 1 0
                                    

~ 2

>>>ELLY’S POV

“Bes, ano ngang pangalan nung tatlo?”

“Seriously, bes?” tanong niya.

Tumango lang naman ako.

“Archangels’ Nightingale.”

 

“Ahhh...”

“Kasi nga di ba,” dagdag pa ni Luna... “Yung pangalan nilang tatlo ay katulad nung tatlo sa pitong arkanghel.. Gabriel, Miguel and of course, Raphael-my loves!”

“Ay syanga,” at habang unti-unti kong dinidigest ‘yun ay bigla na namang pumasok sa isip ko ‘yung nangyari kanina.

Was he really looking at me? O masyado lang akong nagwapuhan sa kanya kaya nagi-imagine ako?

I shook my head. Kabaliwan ko lang. Hahaha.

Matapos naming mag-retouch ay lumabas na kami ng gym. Nagpaalam naman sa akin si Luna at sa first gate daw siya dadaan. Ako naman ay dumiretso lang papuntang second gate. Kukunin ko pa nga pala ‘yung mga dala ko.

Pumasok ako ng library para kunin ‘yung inihabilin kong gamit. Gawin ba namang baggage counter ang library? Hahahaha.

Mabilis akong nakarating sa may gate. Nang lumabas ako, napansin kong may isang batang babae na pabalik-balik ang tingin sa pedestrian lane at sa tapat. Estudyante siya sa school namin, elementary student siya base sa kanyang uniform.

Tatawid na sana ako kaso napansin ko na may motor na parating at mabilis ang takbo nito. Nag-overtake pa ito kaya naman nasa kabilang linya. Pero napansin ko rin na tatawid ‘yung bata. Teka! Hindi niya ba nakikita ‘yung motor na parating?

Nag-panic ako. Hindi ko alam ang gagawin. Papalapit na ‘yung motor... papalapit na ‘yung motor dun sa kinatatayuan ng bata.

Teka, masagot kaya ng law of inertia kung mababangga ba ng paparating na motor ang batang ito? Ma-compute kaya natin ang momentum ng motor na parating?

Bigla kong binitawan ‘yung mga gamit ko at tumakbo papunta dun sa bata. Niyakap ko siya at pilit na iniiwas sa motor na parating.

Hindi ko alam kung paano ko nagawa ang lahat ng ‘yun ng napakabilis. Ganun nga siguro ang adrenaline rush. Nabanggit ko ba na naka-corporate attire ako ngayon? Mabuti na lang at hindi ako nakapalda. Kasunod na nun ay may narinig akong tunog na tila may bumangga.

Tiningnan ko ang bata na nasa ibabaw ko. Napahiga ako kasi ako dahil sa nangyari. Grabe naman!

“Ui, bata... Okay ka lang ba?”

FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon