~ 3
>>>ELLY’S POV
Naglalakad ako ngayon sa corridor ng college namin. Kalalabas ko lang mula sa huling klase namin ngayong araw. Kahit may pre-service teaching na kami, meron pa rin kaming ilang subjects. Sa totoo lang, kapag minsan ay ang hirap talaga lalo na at napasabay ang isang quiz sa major subject at turo mo. Buhay-guro nga naman...
Naupo naman ako sa study area na malapit sa mini-canteen namin. Naupo ako dun sa may bandang gilid at nakatalikod ako dito sa pader ng mini-canteen. Medyo nagugutom na ako kaso lang wala naman akong pambili. Umalis na rin naman si Luna kasi magpe-prepare pa siya para sa turo niya bukas kaya wala akong mauutangan.
Naisipan kong kunin ang Field Study episodes ko at magsagot muna. Kahit na medyo may mga nag-uusap sa katabi ko ay okay lang. Hindi naman kalakasan ang mga boses nila pero tila natigilan ako ng makarinig ako ng parang nagpipigil ng tili. Yun bang parang kilig na kilig na pero hindi niya mailabas kasi baka mapagalitan siya? Malapit pa mandin sa faculty itong kinauupuan ko ngayon.
***
>>>MIGUEL’S POV
Mabilis kong inayos ang mga gamit ko at dali-dali lumabas sa classroom.
“Migz, pare... Nagmamadali ka ata,” puna sa akin ni Gab.
“May ipinapagawa kasi sa akin sina Mommy eh,” sagot ko.
“Weh? Baka naman may chicks ka lang, pare... Ayaw mo lang sabihin,” pang-aasar naman ni Ralph.
“Ralph, huwag mo nga akong itulad sa’yo. Sige na, aalis na ako.”
Mabilis naman akong nakalabas sa college building namin. Medyo mabilis ang paglalakad ko. Kailangan ko pa kasi siyang hanapin. Hindi ko pa mandin alam kung nasa college niya siya o baka naman nasa LHS. Since mauuna kong daanan ang CTE, dun na muna ako pumunta. Sanay na naman ako pero kadalasan ay naiilang pa rin. Ha? Ano? Ang gulo ko naman. Masyadong maraming mga matang nakatingin, mostly girls. Kung si Ralph lang ito, sigurado akong he’s enjoying all the attention.
Nakarating na ako sa tapat ng CTE building. Haist. Paano ko ba siya hahanapin? Tumingin-tingin ako sa mga naglalakad. Tiningnan ko rin yung mga nakaupo sa bench. Paano ko ba siya makikita agad? Approximately, 900 ang estudyante ng college na ito. Bigla ko namang napansin na may isang lalaki na naka-polo barong ang papasok sa building.
Patakbo akong lumapit sa kanya at bahagyang pumwesto sa may unahan niya.
“Kuya, I mean, Sir... Pwede bang magtanong?”
“Di ba nagtatanong ka na?” seryoso niyang sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
Fragments
General FictionIt was just an ordinary day. Kagagaling lang ni Elly mula sa university nang makita niya ang isang bata na tatawid ng kalye kahit may parating na motorsiklo. Naging instant heroine siya nang dahil dito. Kaya naman, the little girl's parents are now...
