~ 9

12 1 0
                                    


~ 9

>>>ELLY'S POV

Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga. Anong oras na ba? Patay! Late na ata ako. Yari ako nito sa aming teaching supervisor. Dali-dali kong iniayos ang kumot ko at patakbong papasok ng banyo nang bigla kong napagtanto na nasa hindi ako pamilyar na kwarto. Inilibot ko ang mga mata ko at saka ko lang naalala na nasa ibang bahay. Nasa bahay ako nung lalaking kumanta kahapon sa concert, nasa bahay ako ng mga kaibigan ng mga magulang ko at ang pinakaimportante sa lahat, sabado ngayon kaya hindi naman ako dapat magmadali.

Naputol naman ang pagsapo ko sa sarili ko nang may biglang kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at nakita ko si Miguel, naka-white shirt and shorts lang siya. Mukhang kagigising lang din niya pero bakit ganun? May mga tao pala talagang gwapo kahit na ano pa ang suot o kahit parang bagong gising lang.

"Pinasasabi nina Mommy na magbihis ka na raw. Pupunta tayo sa boarding house mo para kunin yung mga gamit mo."

I just nodded and he smiled.

Habang nasa biyahe, I became a little awkward with Miguel. Well, maybe not reallt awkward pero nahihiya. I was so scared of what I have dreamt and what was more scary was that it all felt real.

Andito kami ngayon sa sasakyan nila. Si Tito Carlos ang nagmamaneho ng sasakyan at katabi niya sa passenger seat si Tita Madel. Katabi ko naman si Miguel sa passenger seat. Si Michaela naman ay naiwan pa sa bahay dahil natutulog pa.

Kapag kinabahan o hindi ako at ease, may mannerism ako na kutkutin ang mga kuko.

"You still have that mannerism."

Napatingin ako sa katabi ko at bahagya namang nanlaki ang mga mata niya. Bigla siyang napakamot sa ulo niya at tumingin sa may bintana ng sasakyan na malapit sa kanya.

"I mean, nung mga bata pa tayo ay ganyan ka rin. Kapag hindi ka kumportable o kapag kinakabahan ka pa, ang hilig mong linisin yang mga kuko mo."

Nakatingin lang siya sa bintana ng sasakyan habang sinasabi niya yun.

Maya-maya pa ay nakarating na kami sa boarding house na ang may-ari rin naman ay ang mga Alvarez. Kakaunti lang naman ang gamit ko doon kaya pagkalipas ng halos kalahating oras ay naiayos ko na ang mga ito para dalhin.

Apat lang kaming magkakasama sa kwarto hindi tulad nung dalawa pang kwarto na anim ang boardmates. Kahit na apat o anim man kami sa isang kwarto, spacious pa rin ang ito. Noon nga ay naglalagay pa kami ng mini-table sa pagitan ng mga double-decks namin at nagmi-midnight snack. Meron din kaming kanya-kanyang study table sa loob ng kwarto. Sa totoo lang ay hindi boarding house kundi parang dormitory ang kwarto namin. At sigurado kong mamimiss ko ang lugar na ito lalo na ang mga roommates ko.

Nagpaalam ako sa mga boardmates ko at sinabi na lamang na nakahanap na ako ng aampon sa akin kaya kailangan ko nang umalis. Inihatid naman ako ng mga roommates ko at muntik na silang mapatili sa kilig ng makita si Miguel sa may labas ng gate ng boarding house namin.

"Elly, si Miguel yun di ba?"

"Oo, si Miguel yun," sabi pa ng isa.

"Bakit siya andito?"

"Sila yung umampon sa akin."

At parang right on cue, sabay-sabay silang tumingin sa akin at sinabing, "Di nga?"

"Gosh, girl! Ang swerte-swerte mo naman."

"Sana may mag-ampon din sa akin na may anak na ganyan ka-gwapo."

"Sira ulo! Ampon-ampon ka d'yan! Ang ganda-ganda ng pamilya nito eh kung anu-anong pinagsasabi."

"Grabe naman siya oh! Na-excite lang naman ako."

Napatawa na lang ako sa tatlong ito. Bukod kay Luna, silang tatlo pa ang mga masasandalan ko. Di ko tulad na lumaking ulilang-lubos, sila naman ay lumaki sa simple pero masaya at kumpletong pamilya.

Nilagay na ng tatlo ang mga gamit ko sa sasakyan habang ako naman ay binalikan pa yung kahulihang kahon ng mga gamit ko. Pagkalabas ko ng pintuan ng boarding house ay nagulat ako ng makita si Miguel.

"Ako na d'yan," sabi niya sabay kuha ng kahon sa akin.

Nagpaalam na ako sa tatlong magagandang babaeng ito. Niyakap ko sila isa-isa at nangakong magte-text palagi sa kanila at dadalaw rin sa boarding house paminsan-minsan. Siyempre, hindi nila ako pinaalis ng hindi nangangakong magbibigay ng spoof tungkol kay Miguel. Talaga naman!

Habang nasa biyahe pabalik, naglakas-loob akong magtanong kay Miguel.

"Miguel, close ba tayo nun?"

Hindi naman siya sumagot. Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. Yung ngiting kinakikiligan ng mga fan girls.

"Ay naku, Elly. Sobra," singit ni Tita Madel. "I still remember back when you were kids. Mahilig kayong magmemorya ng mga kanta... mga kanta ng palabas na teleserye."

"And you also used to play prince and princess," sabi naman ni Tito Carlos. "Kadalasan pakatapos niyong manood ng... Ano ngang tawag dun, Madel?"

"Fairytales," dugtong ni Tita Madel. "Pagkatapos niyong manood ng fairytales, kunwari si Miguel yung prinsipe at ikaw yung prinsesang sasagipin niya. Tapos halos tumira na rin yan sa inyo noon eh. Kapag walang pasok, ang agap niyang pumunta sa inyo. Kapag naman hapon at galing sa school, sa inyo rin siya dumidiretso. Uuwi na lang yan ay kapag maghahapunan na. Minsan nga eh sa inyo na rin nakikikain at matutulog na lang pagdating."

Napangiti ako sa mga sinabi nina Tito Carlos at Tita Madel.

"At yang si Miguel," dagdag pa ni Tita Madel. "He doesn't call you 'Elly'. Medyo bulol kasi siya sa 'L' kaya instead of Elly, naging Eya ang tawag niya sayo."

"Ma!"

Napatingin ako sa katabi ko at napansing pulang-pula na ang mga tenga niya.

Napakamot na lang si Miguel sa ulo niya. "Dad, pwede po bang palaksan ng aircon? Ang init-init po kasi."

Napansin ko namang tumingin sa rear-view mirror si Tito Carlos. Napapailing na napangiti na lang siya habang ini-adjust ang thermostat ng aircon.

"And for the record, Elly. There was a time when you were kids that Miguel confessed something to me," wika ni Tito Carlos.

Confession?

"Ano po yun?"

"Na..."

Bahagyang tumigil si Tito Carlos sa pagsasalita at muling sumilip sa rear-view mirror. Tiningnan ko naman ang katabi ko na patuloy pa rin sa pamumula ang tenga at mukhang pinagpapawisan pa rin kahit ang lamig-lamig na ng aircon.

"Na... he thought you're the most beautiful girl he had ever seen... Ngayon ba, Miguel? Si Elly pa rin ba?"

Letsugas! Bakit para nga atang mainit sa labas at hindi tumatalab ang aircon ng bago nilang sasakyan?

***

"Eya, Eya, Eya! Hoy! Gising na. Sabi mo maglalaro tayo ng bahay-bahayan ngayon."

Bumangon ang batang si Eleanor habang kinukusot-kusot ang mata.

"Oo nga, sinabi ko 'yun pero ang agap pa," sabi naman ni Eleanor sabay hikab. "Tingnan mo oh! Madilim pa kaya."

"Ok lang yun para marami tayong malaro ngayong araw. Pero... maligo ka pala muna," sabi naman ng batang si Miguel. "Ang pangit mo eh."

"Akala naman nito ang gwapo-gwapo niya. Hmp!" Tumayo na si Eleanor mula sa pagkakaupo sa kama sabay hagis ng unan niya na nasapol naman si Miguel sa mukha.

"Aray!"

"Payatot," sigaw naman ni Eleanor.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FragmentsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon