Chapter Eleven ~
Gumising ako at alam nyo ba ?
Monday ngayon (-.-)
Ano masama sa monday ?
UNANG ARAW NG WEEK !! Ghad , katamad kaya ! Lalo na yung mga nakikita mong mukha ay paulit-ulit , nakakasuya !
Gumayak na ako at bumaba . 6:47 pa lang naman at 7:30 pa pasok ko
Pagkababa ko nakita ko ang dining chair na malinis , walang Andrea , walang Nate puro pagkain , nasaan ba yung dalawang yun ?
"Manang ! Nasaan po sila Andrea at Nate ?", tanong ko
"Ah , tumawag si madam Twyla sinama daw po nya si Ma'am Andrea sa Hawaii at si Madam Icy naman po tumawag rin at sinama daw po nila si Sir Nathan para turuan sa paghahandle ng negosyo" paliwanag ni Manang
"Ah ganun po ba ?" Tanong ko nalang
"Opo , si Sir Sevene nga po pala naghabilin na mauuna na siya sa eskwelahan , may aayusin pa daw po sya" dugtong ni manang
"Ah sige po salamat , nga po pala , sumabay na po kayo sa akin sa pagkain , malungkot naman po kapag sa mahabang lamesa na ito ay ako lang ang laman" sabi ko
Ngumiti naman sya at tinawag ang iba pa naming kasambahay upang saluhan ako sa pagkain .
Matiwasay kaming kumain , nang matapos ay tumingin ako sa orasan . 7:15 am na , kaya tumayo na ako mula sa hapagkainan .
"Manang , mauuna na po ako , papasok pa po ako sa eskwelahan , salamat po at sinabayan nyo ko mag almusal" sabi ko at kinuha yung bag ko at lumabas .
Nakita ko naman si Manong na nagaantay sa sasakyan namin .
"Magandang umaga iha , tara na ?" Tanong nya
"Sige po" sabi ko at sumakay
Kung nagtataka kayo kung bakit nagpapahatid pa ako samantalang 17 na ako .
Simple lang , hindi ako pinapayagan ni mon kahit na gusto din ni dad ni matuto ako . ewan ko ba !
"Ms.Risha , andito na po tayo" sabi ni Manong
"Ay osige po , salamat" sabi ko at bumaba .
Naglakad ako papasok nang may bigla akong narinig .
"Hi Risha ! I don't know how to sing that's why I can't serenade you , and I apologize for that . We've been friends since we are 9 years old and I fell inlove with you since then . Everyday , I wanna see you , Everynight I want to Dream of you and hoping that you feels the same way too . I am here today to tell everyone how much I love you , Risha Lurriene , Can I court you ?" Sinundan ko yung pinanggalingan nun at nakita si Sevene na naka mic pa .
Ayokong sagutin sya nang dahil sa awa .
"I am sorry" sabi ko nalang at umalis .
Nasasaktan ako dahil nakasakit ko , magbago man ang paningin nila sa akin , atleast alam ko ang nararamdaman ko .
Hanggang kaibigan lang ang pwede kong ialay sa kanya dahil iyon lang ang nararamdaman ko .
Pumasok ako sa room , nakita ko na ang mga studyante doon ay nakatingin sa akin.
"What ?" Cold na tanong ko
Nagsi-iwasan naman sila ng tingin pero may pesteng lumapit sa akin .
"Ha ! Masyado ka namang maganda para ireject si Sevene ?" Sarcastic na sabi ni Amber .
"Shut up" cold na sabi ko padin
"Ang kapal ng mukha mo ! Akala mo kung sino kang maganda !?" Medyo pasigaw na sabi nya
BINABASA MO ANG
TLVP 2 : The Heiress of the Moon Kingdom
VampireI'm no Ordinary Vampire I'm the princess of the Moon Kingdom that was reigned by my Mother and Father The kingdom that was owned by my Parents The Only Daughter of Athena and Carl I am Risha Lurienne Venedict The Heiress of The Moon Kingdom