Chapter Thirty Six ~
THIRD PERSON'S POV
( five months later )
Lahat ay malungkot tila mga walang buhay na mga bampira .
Iiyak , tatahan pero maya-maya ay iiyak ulit .
Mga nagwawala at mga walang tigil sa pagsisi sa sarili nila .
Pero may iisang bagay ang magkakapareho sila .
Ang pagtanaw sa kawalan at ang pagalala sa memorya nila kasama si risha .
Si Steven , Halos hindi makakain , mga namamayat na katawan .
Si Andrea at Lorriane , Iiyak sa tabi at tatahan , pero kapag naaalala nila si Risha ay pareho silang hahagulgol
Si Nathan at Calvin , Sobrang lungkot ng mukha at inaalo si Andrea at Lorriane .
Si Levi , Na laging lasing at nagmumukmok na tila wala sa sarili .
Si Athena , na Inaalagaan ang sarili dahil sa anak nya sa sinapupunan pero kung minsan ay makikita mo itong tulala oh hindi kaya ay umiiyak sa tabi
Si Carl naman ay minsan nagaalala sa asawa nito , kung minsan ay naluluha .
Lahat sila ay hindi makapaniwalang wala na si Risha .
Ang malamig pero malambing na si Risha .
Lahat sila ay nasa Palasyo at umaasang Darating si Risha at bibiruin na buhay pa ito .
Ngunit nawalan narin sila ng pag-asa dahil limang buwan nang walang nangyayari .
Biglang tumayo si Steven at pumunta sa gubat
Naglakad-lakad sya na parang walang buhay nang may humarang sa kanya .
Ngunit hindi nya ito pinasadahan ng tingin .
"Hahaha , Hindi ko inaasahang dito ko lang makikita ang Prinsipe"sabi ng Isang boses .
Ngunit hindi kumibo si Steven at naglakad ulit patungo kung saan sila unang nagkita ni Risha .
Hinablot nung lalaki yung balikat ni Steven kaya napatingin si Steven sa lalaki .
Bigla namang sinuntok nung lalaki si Steven kaya napaupo si Steven at putok ang labi .
"Eh weak din pala to eh , akala ko malakas" sabi nung lalaki .
Tumayo si Steven tapos nagsimula ulit na maglakad .
Pero hinablot ulit ito nung lalaki at sinuntok sa mukha .
Pinagsusuntok ng lalaki sa mukha si Steven ngunit si Steven ay tila walang pakialam .
Ngunit may Isang panang gawa sa Metal ang tumama sa lalaki . tumayo yung lalaki at tinignan kung sino iyon
Isang babaeng nakamaskara at nakaitim na kasuotan ang nakita nya .
Sinugod nung lalaki yung babae pero agad na nakaiwas yung babae , gumawa yung babae ng espada na gawa na apoy at pinanghiwa nya sa hita nung lalaki .
Hindi maitatanggi ang galing nung babae sa pakikipaglaban . Nung susuntukin nung lalaki yung babae ay agad itong dumaan sa ilalim nung braso nung lalaki kaya napunta sya sa likod nung lalaki .
Agad namang hiniwa nung babae ang ulo nung lalaki kaya nawalan ito ng buhay .
Nilapitan nung babae si steven na duguan at nakahiga lamang .
Napatingin naman si Steven doon .
hinalikan nung babaeng nakamaskara si Steve sa pisngi at hinawakan nung babae yung pisngi nya .
BINABASA MO ANG
TLVP 2 : The Heiress of the Moon Kingdom
VampireI'm no Ordinary Vampire I'm the princess of the Moon Kingdom that was reigned by my Mother and Father The kingdom that was owned by my Parents The Only Daughter of Athena and Carl I am Risha Lurienne Venedict The Heiress of The Moon Kingdom