Chapter Ten ~
Kakauwi na kami galing sa gubat sa tulong ng mga animals doon .
Hinatid nya muna ako bago sya umuwi . pagkapasok ko ay nakita ko si Andrea at Nate na nasa upuan .
"Ano tapos na honeymoon ?" Tanong ni Andrea
"Di manlang kayo nagpaalam sa amin , nagalala tuloy kami , kung hindi pa sinabi ni Air goddess hindi pa namin malalaman" dugtong nya pa
"Nakabuo ba ?" Tanong ni Nate
"Mga gago ! Nu ba iniisip nyo ? Labo ng utak nyo !" Sabi ko at umakyat papunta sa kwarto ko .
"YOU CAN RUN BUT YOU CAN'T HIDE !" Rinig ko pang sigaw ni Andrea
Tong dalawang to parang mga ano ! Hays , sunday ngayon at may wholeday ako para magpahinga .
Nahiga na lamang ako at natulog
~•~•~•~
"You Traitor !"
"Di ka dapat nararapat dito !"
"Manlilinlang ! Nais mo pala kami patayin !?"
"Hahahaha ! Kawawang prinsesa , walang kakampi"
"Tsk ! Tsk ! Tsk ! Nakakaawa !"
"MAMAMATAY TAO !!"
"HINDEEE !!" Napabangon ako bigla .
Pawis na pawis ako
"WHAT HAPPENED !?" pasigaw na tanong ni Andrea na kakapasok lang .
"Nightmare" sabi ko
"Again !? Why don't you tell your mom that you are always having those nightmares ?" Tanong ni Nate
"No , I don't want to be a burden , ayokong istorbohin pa sila" sabi ko
"You're not" sabi naman ni Andrea
"No I'm not but I will be" sabi ko nalang
"Tell it t-" pinutol ko si Andrea sa sasabihin nya
"No i won't , tapos na ang conversation na to , hindi ko sasabihin at hindi NYO sasabihin" sabi ko nalang at lumabas .
Pumunta akong powder room at naghilamos , tinignan ko din ang repleksyon ko . Kulay asul ang isang mata ko , napakunot ako ng noo at kinusot ang mata ko .
Pero nang tignan mo muli ang repleksyon ko ay kulay ginto pa din naman .
*sigh*
Strange things happen everyday , but why is mine everytime ? What is happening ?
Diretso ligo na ako nang maalala kong hindi pa pala ako naliligo . Pagkaligo ko ay nagbihis na ako . pagkabihis ko ay lumabas ako ng bahay .
Naglakad lakad lang ako hanggan kung saan ako tangayin ng mga paa ko .
Napadpad ako sa isang cliff , mula rito ay tanaw ko ang dagat , payapang payapa ito na tila ba ay walang problema , sana ang buhay ay parang ganito rin .
Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakinggan ang pagalon ng dagat tila ba ay ito ay isang magandang musika .
Ngunit agad akong napadilat nang may marinig akong kaluskos sa di kalayuan . Agad naman akong nagtungo roon nang hindi gumagawa ng kahit anong tunog .
Isang lalaking naka hoodie . Naaamoy ko ang dugo ng isang pagkaraniwang bampira . Biglang humangin at nang hindi inaasahan ay may Isang grupo ng mga hikers ang nandoon .
Paano may nga napadpad na tao rito !? Nabigla ako nang biglang sumugod ang bampira kaya sinundan ko sya .
Nang makalapit ako ay agad ko syang hinatak papalayo sa mga tao at dinala sa lugar na walang nakakakita . ibinalibag naman nya ako pero agad ko namang naitukod ang paa ko .
Tumakbo sya patungo sa akin , gumawa naman ako ng batong pangharang pero tumalon sya roon . Gumawa naman ako ng air blades at tinira iyon papunta sa kanya .
Tinamaan sya sa braso . pagkalapag nya ay agad syang tumakbo , sinundan ko sya pero hindi ko na alam kung saan sya pumunta .
Sino kaya iyon ?
Hay , di bale na nga ! Muli akong naglakad ngunit pauwi na ako nang makasalubong ko si Levi kasama si Yoru at Calvin
"Oh pare , ayan pala asawa mo eh !" Sabi ni Yoru
Sinamaan ko naman sya ng tingin , napaseryoso naman ang mukha nya at napayuko sya .
"Ahahaha yan kasi , malurit ka eh" tatawa-tawang sabi ni Calvin kay Yoru .
Sinamaan ko din ng tingin si Calvin at mukha namang napansin nya iyon kaya yumuko nalang din siya .
Nagpatuloy nalang ako sa paglakad . Nang makarating ako sa bahay ay nagtaka ako kung bakit parang walang makukulit ?
"Manang ! Asan po yung dalawa ?" Tanong ko
Si Andrea at Nate lang ang tinatanong ko dahil sanay na naman ako sa pagkawala ni Sevene .
"Ah lumabas lamang po" sabi ni Manang
"Salamat po" sabi ko nalang at umakyat .
Pumunta ako sa kwarto ko at pagkapasok ko ay tumingin ako sa orasan .
5:58 pm na pala .
Bigla akong nakaramdam ng pagod kaya nakatulog na ako .
ווווו×
Short update muna HEHE :))
Sorry natagalan yung updates kasi last last week , naging busy masyado , completion of projects , preparation for our last recital and such !
And of course ! Na B-block ako , wala akong maisip na kadugtong , Sorry po talaga :)
Paki intindi nalang po , thankyou so much :**
By the way , hi kay Poohrever143 , thankyou :))
BINABASA MO ANG
TLVP 2 : The Heiress of the Moon Kingdom
VampireI'm no Ordinary Vampire I'm the princess of the Moon Kingdom that was reigned by my Mother and Father The kingdom that was owned by my Parents The Only Daughter of Athena and Carl I am Risha Lurienne Venedict The Heiress of The Moon Kingdom