Chapter Six ~
Nagising ako nang tumama ang nakakasilaw na liwanag sa mukha ko
'Bastos na araw yan , nakikitang natutulog ako eh tinapatan pa yung mukha ko' sabi ko sa isip ko ("-.-)
Wala na akong choice , bumangon na ako , tutal , wala namang pasok ngayon. , nagulat ako nang may biglang pumasok.
"Hoy , bumangon ka jan ! Pupunta pa tayong school ! Sa monday na yung University day" sabi ni Sevene
"Thank you for knocking at my door , My door appreciated your knocking" sarcastic na sabi ko
"Yeah yeah , it should be" sagot nya .
"Go out !!" Sigaw ko .
"What if I don't want to ?" Tanong nya
"I'll make you" sabi ko tapos naglabas ng kidlat na bow and arrow tsaka sya inasinta
Nanlaki naman ang mga mata nya
"HEY !! HEY ! Lalabas na nga eh !" Sigaw nya na halatang natataranta >:D
"If I counted one to Three , kapag hindi ka pa nakakalabas itatama ko sayo to ! ONE !" Sigaw ko
"H-handali lang ! Wait !!" Sigaw nya
"TWO !" Bilang ko
"Handali !! Nasaan ba yung pinto leche !!" Sabi nya at nagpaikut-ikot , natatawa ako pero pinipigilan ko lang .
"THREE !!" Sigaw ko at itinira ko sa kanya pero bago pa makalapit sa kanya ay pinahinto ko ito .
Sobrang lapit nung arrow na kidlat sa mukha nya , buti hindi sya humakbang paharap o kaya ay yumuko kung hindi nakidlatan sya .
Sya naman eh nakaluhod tapos yung dalawa nyang kamay nakaharang sa mukha nya .
"Aaaahhh !!" Sigaw nya ( "-.-)
May nararamdaman akong yabag ng paa na parang tumatakbo , pinawala ko yung kidlat.
"Ano yung naririnig kong sigaw !?" Sigaw ni Nate at binuksan yung kwarto ko habang hinahabol ang hininga nya .
"Oh sevene !? Anong ginagawa mo dyan tsaka bakit ka nakaluhod ?" Tanong no Andrea
Tinanggal ni Sevene yung kamay nya mula sa mukha nya at nakita na wala na yung kidlat sa harapan nya .
Napahinga sya ng malalim .
"Eh eto kasi eh , pinana ako ng kidlat nya" sumbong ni Sevene
Napatingin sa akin yung dalawa
"Ewan ko dyan , nagising na lang ako nung sumigaw sya" sabi ko at nagshrug
Napatingin si Sevene sa akin na parang nagtataka .
"Hala !? Sevene , baliw ka na yata !" Sabi ni Nate
"Nagdedeliryo ata to eh !" Sabi ko nalang
"Tsaka bakit ka nasa kwarto ni Risha ?" Tanong ni Andrea
"Baka balak akong reypin ?" Tanong ko nalang
Si Sevene naman parang ewan na nakaluhod pa din pero maya-maya ay natauhan sya
"Hoy ! Kapal neto ! Makaalis na nga !!" Sigaw ni Sevene at lumabas ng kwarto ko pero bago sya tuluyang makalabas ay tumingin muna sya sa akin ng masama na parang sinasabi na
'Lagot ka sakin mamaya'
Tapos lumabas na ng tuluyan . Tumingin naman yung dalawa sakin , nagshrug nalang ako . Umalis na yung dalawa , kinontrol ko yung pinto para sumara tapos nilock ko na din .
BINABASA MO ANG
TLVP 2 : The Heiress of the Moon Kingdom
VampireI'm no Ordinary Vampire I'm the princess of the Moon Kingdom that was reigned by my Mother and Father The kingdom that was owned by my Parents The Only Daughter of Athena and Carl I am Risha Lurienne Venedict The Heiress of The Moon Kingdom