Chapter Nine ~
Nagising ako dahil sa liwanag na dumadampi sa mukha ko
"Risha ?" Sabi ng isang pamilyar na boses
"Sino ka ?" Tanong ko
"Risha ?" Tawag nya ulit
Paunti-unti naman syang lumalapit at nanlaki ang mga mata ko dahil ang kuya ko iyon . sa sobrang tuwa ko ay patakbo akong lumapit sa kanya , naiiyak na ako
"Buong akala ko ay patay ka na kuya ko !"Sabi ko sa kanya habang lumuluha
Pagkalapit ko sa kanya ay agad ko syang niyakap ng mahigpit
"Matagal na kitang inaantay kuya ko" sabi ko sa kanya habang nakayakap pa din
"Ako din Risha , ako din" may galit na tono nya
Napataas naman ako ng tingin
"K-kuya ? B-bakit ganyan ang mga mata mo" kinakabahang tanong ko ang kulay kasi ng kanyang mga mata ngayon ay pula at ginto .
"Bakit Risha ?" Tanong nya
"A-ano !?" Naguguluhang tanong ko
"BAKIT MO AKO PINATAY !?" sigaw nya
"H-hindi ko ginusto iyon !" Sabi ko
Nagulat naman ako nang bigla syang lumapit at sinakal ako , pakiramdam ko ay hindi ako makahinga
"K-kuya, h-hindi a-a-ako m-makahinga" hirap na sabi ko
"Isasama kita , ngayon malalaman mo na kung ano ang pakiramdam na patayin ka ng sarili mong kapatid"sabi nya
BINABASA MO ANG
TLVP 2 : The Heiress of the Moon Kingdom
VampireI'm no Ordinary Vampire I'm the princess of the Moon Kingdom that was reigned by my Mother and Father The kingdom that was owned by my Parents The Only Daughter of Athena and Carl I am Risha Lurienne Venedict The Heiress of The Moon Kingdom