Chapter 1

75.5K 1.8K 151
                                    

"GOOD evening! Hi Ate? Girlfriend mo, Kuya?"

Tanong ng kamukha ni Vyrlle, this must be her twin. Isabella's eyes widened in shock when she run towards her and hug her waist. She's hugging her so tight that it rendered her to breathe. She's like her twin, Vyrlle. Masyadong malambot at mabait ang mga ito.

"She's not my girlfriend and I will never have one. Stop hugging her," masungit na sagot nito sa kapatid. Agad na ngumuso ang babaeng nakayakap sa kanya at inirapan ang Kuya nito.

"How rude..." She murmured and smiled widely at her.

"Don't rolled your eyes on me, Vraiose Cay!" Sigaw ng Kuya ng mga ito mula sa kusina. Hindi siya pinansin nito at umayos ng tayo sa harapan niya.

"My name is Vraiose Cay Clemente, you can call me ra-yos or Cay. You choose," she introduced herself as she wrapped her arms again around her.

"Isabella," pagpapakilala niya. She doesn't want to drop her surname, they run in the same circle that's for sure.

"So... Ate Bella, bakit ka pakalat kalat sa daan? Ang ganda mo pa naman, baka mapag-tripan ka ng mga adik!" She exclaimed then she leaned over and whispered, "Wag ka ding lalapit kay Kuya. Adik yan."

Her brows furrowed and leaned over to whisper, "He's using drugs?" Isabella asked in a low voice.

She laughed so hard after that. Tumaas ang dalawang kilay niya, did she just say something funny? Hindi naman nakakatuwa ang ganoon ah? Sinusuportahan ba ng mga ito ang pagiging adik ng kuya ng mga 'to? Oh wait! Baka pati rin sila ay gumagamit ng pinagbabawal na gamot?!

"No! Iba ang ibig kong sabihin doon." Rayos said in between her laughs. Agad siyang nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi nito. She continue laughing while holding her stomach. Napangiwi nalang si Isabella.

A smile stretched out on her lips, this house wasn't small and not so huge also. Sakto lang para sa isang pamilya, it's like the house was made to secure that their bond as a family will be intact. Kahit saan ang mga ito magpunta sa bahay tiyak na magkikita kita pa rin. Unlike her house, it was huge. Masyado 'yong malaki para sa kanila. Pero nagawa pa rin naman nilang maging masaya kahit papaano.

Napansin niya rin na dalawa lang ang kasambahay ng mga ito, all around na siguro. If her aunt just let her stay in her own house, willing siyang maging katulong. But they really want her gone. And she knew exactly why. Her smile slowly faded. She misses her home already.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng bahay at tuwang tuwa ka?" Barumbadong tanong ng isang lalaki na walang kasing bastos ang bunganga. Ngayon niya lang din napansin na wala na pala sa tabi niya si Rayos.

"No. Natuwa lang ako sa laki ng bahay niyo." Sagot niya. Sinikap na hindi mautal sa harap nito, he's eyes were glaring at her. What did she even do?

He raised his brow, "Wala ka bang matutuluyan?" Her asked again.

Isabella wanted to answer him 'Oo, wala dahil pinalayas ako sa sarili kong bahay!' But who would believe her? She's still a stranger to them. Si Vyrlle at Rayos, baka pwede pa. Pero etong lalaking nasa harap niya? Asa.

"Pupunta dapat ako sa bahay ng kababata ko... Kaso nawala ko yung papel na hawak ko kanina, siguro nawala ko 'yon habang kausap yung mga bata..." Para siyang tanga na nag explain sa kaharap, may paturo turo pa siyang na nalalaman. He's just looking at her, observing her rather.

"Bata?" Tumaas ang kilay nito sa kanya.

Isabella nod her head, "Kanina kasi... may mga bata akong nakita na kinakalkal yung basura para maghanap ng pagkain... ayun.." Ayon na naman yung titig nito na nakakalusaw kaya nagkakanda putol putol ang mga salita niya.

LCS 1: Jyrelle Vraxx Clemente (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon