REIGN's POV:
Walking with Khent to our new classroom makes me feel excited but nervous. Khent and I do things together, like buying school supplies, preparing foods, playing indoor or outdoor games and all the stuffs we want to do. We're always together but not most of the time. Let me tell you something, Khent wants me to fix his hair and tie his necktie!
We're now grown ups but he still treat me as his babysitter, or should I say...freshmansitter? Nah, forget about my nonsensicalness. I don't know what to think of the way he treats me. Can it be a babysitter, a friend or something beyond those words?
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo, pfft!"
"It's nothing. Matanong ko nga, ano ng nangyari sa pag-amin mo na sinabi mo sa'kin 4 months ago?"
"Aahh? 'Yon ba? Hindi ko na itinuloy."
"Ha? Bakit naman?"
"Baka ma-busted ako eh, 'di pa ready 'yong mga gwapo kong mata na umiyak HAHAHA!"
"Anong gwapo ka riyan? Ang sabihin mo, na-totorpe ka. Juskooo, alam ko na 'yang mga galawan mo, na-totorpe ka lang talaga."
"Sinong na-totorpe?"
Lumaki ang mga mata namin ni Khent at sabay na napatingin doon sa nagsalita sa likod namin.
"Nyx!/Kuya!"
"Sinong na-totorpe?"
"Aaaah, Nyx si Kh—"
"S-si ate Reign, kuya. May crush daw siya kaya sinabi niyang na-totorpe raw siya, hehe."
Kinurot ko sa tagiliran si Khent habang itong si Nyx naman ay parang imbestigador na makatingin sa'ming dalawa.
"Teka lang kuya, ayaw ko sa paraan ng pagtitig mo sa'min ni ateeee!"
"Tumahimik ka na nga lang," mahinahong bulong ko kay Khent.
"Nagkaka-crush ka pala, Reign?"
Malamang! Babae rin ako eh, tingin mo sa'kin? Halaman? Waaaah!
"S-sige, ma-una na kami, Nyx."
Magsasalita pa lang sana siya ay agad ko ng nahila ang bag ni Khent at mabilis na naglakad. Wengyang Khent na 'to! Ako pa idawit sa katorpehan niya!
"To all freshmen students, proceed to the gymnasium for your Physical Education Activity!"
Napatigil kami sa pagkukulitan ni Khent nang may nagsalita sa speaker. Second subject namin ang PE sa umaga kaya siguro pinapapunta kami sa gymnasium. First day of school namin ngayon as a grafe 7 students.
"Uy, Khent! Tara na ano baaaa!" Hinila ko ang kamay niya, "Kheeeent!"
"Inaantok ako, ate Reign eh!"
"Eh kung isumbong kaya kita sa kuya mo?"
Mabilis siyang tumayo at inayos ang PE uniform niya, "Tara na."
"Good morning, freshmen students! Today is your first daw of being a high school as well as your general PE day!"
"Loh, I thought first day is for self introducing only?"
"Huwag ng maraming reklamo Khent, sumunod na lang tayo noe," bulong ko sa kanya.
"Form a line for girls and a line for boys by section, we'll start in basic exercise first."
Nag-linya na kami at medyo nasa dulo ako dahil matangkad ako. Si Khent naman ay nasa gitna ng boys kaya medyo malayo-layo ako sa kanya.
Tumingin-tingin ako sa mga ibang sections at hindi nakatakas sa paningin ko ang pag-irap ng babaeng nasa likod ko. Hindi ko na lang 'yon pinansin dahil nagsimula na ang warm-ups.
From head to neck, down to our shoulders and waist, knees. Nasa warm-up na kami sa ankles, I stretched my right foot forward and I lose my balance, fell to the floor when the girl behind me pushed me.
"Ooopsss, sorry!"
Tumingin ako sa mga schoolmates namin at sinamaan siya ng tingin. Tatayo na sana ako nang naramdaman ko ang kirot sa may ankles ko.
"Nananadya ka ba?" pa-sigaw na tanong ko sa babaeng kasalukuyang tumatawa ngayon.
"Kasalanan ko bang lampa ka, ateng matanda?" May pagka-sarkastiko ang pagkasabi niya.
Kapag ako, naka-tayo dito...sasabunutan ko 'tong babaeng 'to!
"Ate Reign!" Tumabi si Khent sa akin at hinawakan ang left ankle ko. "Masakit ba?"
"H-hindi, kaya ko. Kaya ko, Khent." Pinilit kong tumayo dahil pinagtitinginan na kami nhg mga ibang students ngayon. Ayaw ko namang makakuha ng atensiyon jusme!
"Reign!" Napahawak ako sa balikat ni Khent noong matutumba na sana ako. Hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya...binuhat niya 'ko. Huminto siya saglit sa harap ng babaeng tumulak sa'kin, sinamaan nita ito ng tingin.
"Tara na sa clinic," malamig na sabi nito pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala at kitang-kita ko 'yon.
"T-thank you~"
"Oum. Inalagaan mo 'ko noon kaya asahan mong ipagtatanggol na kita mula ngayon."
"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, besides...hindi tayo laging magkasama. Kaya ko naman ipagtanggol sarili ko. Malakas ako noe." I show off my muscle to him. "She just hit me when my back's infront of her."
"Maka-titikim 'yong babaeng 'yon sa'kin."
Pinalo ko siya sa balikat, "Huwag na, pagsimulan pa ng gulo."
"Ikaw bahala." Tumingin siya sa'kin at nagtama ang mga mata namin, "Basta lagi akong nandito para sa 'yo."
Ngumiti ako nang matamis dahil para bang may naramdaman akong 'di ko ma-ipaliwanag sa puso ko.
_________
Copyright 2021
FB Account: https://www.facebook.com/dafphnie.lumbag
IG Acc: daflumbag